Home>Editorial>Miscellaneous>DSWD: Public Service Announcement

DSWD: Public Service Announcement

Kasalukuyang inaalam ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kinaroroonan ng inang nagsilang (biological mother), ama, at mga kaanak ng isang batang lalaki na ipinagpapalagay na ipinanganak noong ika-8 ng Marso, 2009 sa isang tahanan sa Nasseriya, Sharjah, United Arab Emirates.

Pagkasilang ng sanggol ay ibinigay siya ng kanyang ina sa mag-asawang Filipino na Muslim na walang anak na sina Usman Sagal Amin at Noria Maguindalat Pangansayan.

Ngayon ay 12 taong gulang na ang bata. Kasalukuyan pa rin siyang nananatili sa UAE at hindi mare-repatriate o mapauuwi ng Pilipinas hangga’t hindi napatutunayang siya ay Filipino.

Tinatawagan ang sinuman sa kanyang mga tunay na mga magulang (biological mother/father) na magtungo sa International Social Service Office (ISSO) o Program Management Bureau sa Central Office ng DSWD sa Batasan o sa pinakamalapit na Regional Office ng DSWD upang sila ay matulungan sa pagkuha ng DNA at iba pang kinakailangan upang maisagawa ang repatriation ng bata.

Maaari din silang makipag-ugnayan sa DSWD-PMB Office sa telepono bilang 8-931-9141 o kaya ay sumulat sa e-mail address na sectoralprograms@dswd.gov.ph.