Home>Editorial>Miscellaneous>Love wins on POPTV

Love wins on POPTV

PARA sa mga mahilig manood ng mga pelikula at seryeng bumabandera sa LGBT community, patok ang pinakabagong mobile streaming platform na POPTV.

Mapapanood dito ang mga de-kalibreng pelikula tulad ng “Die Beautiful,” “The Third Party,” at “Kasal” na pawang tumatalakay sa kwento ng pag-ibig ng mga miyembro ng gay community.

Kwela at katatawanan naman ang hatid ng mga pelikulang “Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend?” “Bekikang” at “Working Beks.”

Muli ring mapapanood sa POPTV ang mga naunang gay-themed movies na pinag-usapan dahil sa matitinding love scenes tulad ng “Daybreak” ni Coco Martin, “Ang Lalaki sa Parola,” at “Ang Lihim ni Antonio.”

Available for streaming din ang coming-of-age movie na “2 Cool 2 Be Forgotten” ni Khalil Ramos at Jameson Blake, at ang military-themed drama na “Esprit De Corps” ni JC Santos at Sandino Martin. Nariyan din ang “Baka Bukas” ni Jasmin Curtis at “Chedeng at si Apple” nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa, kung saan lesbyana naman ang pangunahing mga karakter.

Bukod dito, mapapanood sa POPTV ang Tagalized BL series na “Dark Blue Kiss” at “SOTUS” na kinatatampukan ng Thai superstars na sina Tay Tawan, New Thitipoom, Singto Prachaya, at Krist Perawat.

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P49 lang valid sa loob ng tatlong buwan. Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.