Home>Editorial>Miscellaneous>Manila Water Laboratory Services kinilala bilang Laboratory of Excellence

Manila Water Laboratory Services kinilala bilang Laboratory of Excellence

KINILALA kamakailan ang Manila Water Laboratory Services (MWLS) bilang Laboratory of Excellence pakaraan ang isinagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan kung saan inihambing ang MWLS sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo.

Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggang nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkilalang ito bilang pagpapatunay na ang mga pamamaraan at prosesong sinusunod nito ay pasado sa “world-class standards” upang masiguro na ang tubig na umaabot sa mga metro ng customer ay malinis at ligtas inumin at ang “wastewater effluent” ay nananatiling ligtas din upang itaguyod and pagkabuhay ng mga isda at halamang tubig sa mga ilog.

Ibinahagi ni MWLS Head Ms. Joy De Vera na ito ay bahagi ng kanilang pagpupunyaging lalo pang mapabuti ang kanilang gawain. “Layunin ng Manila Water Laboratory Services na ang resulta ng aming mga pagsusuri ay wasto at mapagkakatiwalaan kaya’t sumailalim kami sa Proficiency Testing ng ERA. Ikinagagalak naman namin na lahat ng test parameters na sinuri ay nakatanggap ngsatisfactoryna marka,” dagdag pa ni De Vera.

Kabilang sa mga parameters na ito ay total dissolved solids (TDS), calcium, magnesium, chloride, sulfates, calcium hardness at total hardness para sa maiinom na tubig; at total solids (TS), total suspended solids (TSS), settleable solids (SS) at oil and grease (O&G) para sa wastewater.

Ayon sa website nito, ang US-based Waters ERA ay kinikilala bilang “premier providers” ng Proficiency Testing (PT) at Certified Reference Materials (CRMs) sa libo-libong laboratoryo sa buong mundo at kasalukuyang nagseserbisyo sa 80 mga bansa.

Mayroon nang akreditasyon ang MWLS kaugnay ng pamantayan ng ISO 17025:2017 sa “quality management system for testing and calibration laboratories” at mula sa Department of Health (DOH) alinsunod sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW). Kinikilala rin ito ng Department of Natural Resources (DENR) bilang Environmental Laboratory.