Home>Editorial>Miscellaneous>Masaganang Buhay program ng Magsasakang Reporter eere na

Masaganang Buhay program ng Magsasakang Reporter eere na

MAPAPANOOD na simula sa Linggo, October 11, ang Masaganang Buhay program sa TV ng Magsasakang Reporter.

Mer LaysonAng Masaganang Buhay ay isa sa mga bagong programa sa OnePH Cignal TV Channel 1 ng kapatid network na TV-5 ay mapapanood tuwing Linggo mula 7 a.m. hanggang alas-8 a.m.

​Ang Magsasakang Reporter na si Mer Layson na ginawaran ng To Farm bilang isa sa Most Oustanding Farmers of the Philippines 2016 on Agri-Intreprenuer at 2017 BCYF Innovation award bilang Oustanding Agri-Business ang siyang host ng programa.

​Isa rin blogger si Layson. Ang kanyang Youtube Channel na Ang Magsasakang Reporter ay may 110,000 subscriber na. Sa loob lamang ng anim na buwan ay naabot nito ang silver botton play dahil sa kapaki-pakinabang na pagtuturo nito sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman at Do it Yourself Tips.

​Isang lehitimong magsasaka si Layson. Batapa lamang ay bihasa na sa gawain bukid, pagsasaka at pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman.

​Sa edad na 16 ay lumawas ng Maynila si Layson, nag-self support student, nakatapos ng Masscom hanggang maging reporter.

Nasa puso ni Layson ang pagsasaka at ikinararangal niya ang pagiging magsasaka dahil naniniwala siya na kung walang magsasaka ay magugutom ang kanyang kapwa.

​Kaya ang pagtatanim at pagsasaka sa probinsiya ay dinala niya sa Metro Manila. Ngayon ay nagtuturo si Layson ng urban gardening in a plastic bottle and self watering plants.

​Iniimbitahan ni Layson ang mga magsasaka, mga plantito at plantita na manood at subaybayan ang Masaganang Buhay program tuwing Linggo ng umaga.