Home>Editorial>Miscellaneous>Nagbabanta sa ex-sports writer kinasuhan

Nagbabanta sa ex-sports writer kinasuhan

PORMAL ng nagsampa ng kasong kriminal sa piskalya ang isang dating sports writer laban sa apat na umano’y nagbabanta sa kanyang.

Kasong grave threats ang isinampa kahapon sa Las Pinas City Prosecutors Office ni Virginia Rodriguez, dating sports writer ng Manila Bulletin, laban sa tatlong suspek, habang slander naman sa isa pa.

Sa reklamo ni Rodriguez, kumuha umano ang isang suspek ng bayarang gunman at nag bigay ng paunang bayad na P100,000 upang siya ay ipatumba.

Ani Rodriguez, sinisirahan pa umano siya ng mga suspek sa mga taong kakilala niya sa gobyerno upang sila ang makapagpatuloy ng mga proyekto sa kanyang kumpanya.

Ayon kay Rodriguez, kumpleto siya ng mga ebidensya hinggil sa planong pagpatay sa kanya at paninira.

Aniya, mula noong nakaraang linggo ay mayroong mga kotse na umiikot sa kanyang bahay upang manmanan siya, at mayroon din mga kahina-hinalang mga sasakyan ang sumusunod sa kanya tuwing siya ay lumalabas ng bahay.

Una na ring nagpa-blotter sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detectio Group (CIDG) si Rodriguez dahil sa death threats na kanyang natatanggap.