Home>Editorial>Miscellaneous>Obligasyon ng local govt ang internet, tablet ng mga estudyante

Obligasyon ng local govt ang internet, tablet ng mga estudyante

CONGRATULATIONS muna kay Manila Mayor Isko Moreno.

Wala na ngang vendors sa kahabaan ng Recto-Divisoria-Tutuban.

Dumaan tayo noong Wednesday ng alas-onse ng umaga. Gaya ng dati, mahirap pa ring makalusot mula Delpan hanggang Abad Santos via Recto kasi nawala nga ang mga illegel vendors, napalitan naman ng mga illegal terminal ng jeep at naging parking na rin ng mga pribado at pampublikong sasakyan ang main road.

Umaasa tayong babalikan ni Yorme ang lugar para ipatupad ang totohanang paglilinis dyan tulad ng nauna niyang pangako.

***

Speaking of Yorme, binabati rin natin siya sa pangungunana sa idea na isara ang mga sementeryo sa panahon ng Undas.

Sumunod na ang ibang city sa kanyang ginawa at mukhang ganito na rin ang gagawin ng National Task Force on Covid Shield sa buong bansa.

Hindi naman dapat talaga dumagsa ang tao sa mga sementeryo dahil sa panganib ng pagkalat ng virus.

Puwede naman dalawin ang mga yumao nating mahal sa buhay kahit hindi Undas.

Malaking bagay ang naisip na ito ni Yorme para maging padron ng buong bansa ngayong All Saint’s Day at All Soul’s day.

***

Ngayong marami nang klase ang magsimula via online, hindi na dapat natin pinag-uusapan ang internet connection ng bawat batang mag-aaral.

Dapat siguro, Deped, Ched at local government ang nagbibigay ng libreng wifi sa mga naka-enrol ngayong school year.

Maraming pamilya, kung hindi man sapat ang kita, halos wala naman pera para ma-sustain ang buwanang bayad sa maayos na internet connection. Ang average monthly payment sa magandang intetnet connection ay P1,800 hanggang P2,500.

Kabuhayan na para sa karaniwang pamilya ang halagang ito kaya hindi nila kakayaning ilaan pa sa wifi. Kung nagawa ng national government ng subsidy or Social Ameloriation sa kainitan ng lockdown gamit ang national funds, dapat kayanin din ng local government ang pagkakaloob ng libreng internet sa mga nasasakupan nila.

Ang bawat lokalidad ay may kanya-kanyang Special Education Funds bukod pa ang emergency at calamity funds. Ibuhos nyo na lahat ang pondo sa internet at pagkakaloob ng tablet sa lahat ng mag-aaral sa inyong lugar para makasabay sila sa home schooling.

Kahit may pandemic, mag-produce tayo ng productive citizens at huwag puro tambay. Bawasan nyo muna ang mga uncessesary expenses ngayong pandemic. Iyong daan-daang milyong pisong ginagastos nyo sa mga domestic seminars, junket abroad at iba pang extravagant, alisin nyo na sa budget allocation para dito nyo na ibuhos sa ating mga mag-aaral.

Buwenas ang mga batang kayang suportahan ng magulang ang pagbili ng gadgets at maayos na internet connections. Pero maliit na porsiyento lang yan ng inyong mga lokalidad, mas marami pa rin ang nangangailangan ng alalay ng pamahalaan.

Sabayan natin ang new normal, less corruption, more services!

allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV