Home>Editorial>Miscellaneous>P147.7M na kontrabando, nasakote sa Port of Cebu

P147.7M na kontrabando, nasakote sa Port of Cebu

SA tingin natin ay mahaharap ang gobyerno sa malaking hamon kapag nandiyan na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ang hamon ay kung paano hikayatin ang taumbayan na magpabakuna.

Sariwa pa sa ating mga kababayan kung ano ang nangyari sa ibang nagpaturok ng Dengvaxia para hindi tamaan ng dengue.

Sa katunayan ay bumaba ang bilang ng mga batang sumali sa immunization program ng gobyerno.

Hindi natin masisisi ang ibang magulang kung ayaw pabakunahan ang mga anak, lalo na kapag nandyan na COVID-19 vaccine.

Dahil bago, ang COVID-19 vaccine ay hindi basta-basta tatanggapin ng publiko.

Siyempre marami ang takot baka kasi may mga side effect ito.

Ito ang kailangang paghandaan ng gobyerno.

Tama ba kami, Health Secretary Francisco Duque?

***

Binukasan na noong nakaraang Martes sa Port of Subic ang Customs Care Center o CCC ng Bureau of Customs.

Ang CCC ay naglalayong lalong maging efficient ang serbisyo sa Port of Subic.

Ang CCC ang magiging central hub o one-stop-shop sa lahat ng transaksyon sa port.

Dito tinatanggap at ini-isyu ang mga dokumento, nagbabayad at inaalam kung nasa ayos ang mga dokumento.

Sa pamamagitan ng CCC, maa-address ang systemic corruption sa ahensya.

Ayon kay District Collector Maritess Martin, natayo ang CCC dahil sa “collaborative efforts” ng kanyang mga opisyal at tauhan.

Ang team na mamamahala sa CCC ay pangungunahan ni Vilma Radam.

Sinabi ni Collector Martin na mahalaga ang modernization at reporma para sa “streamlined customs administration.”

Lalona’t papunta na tayo na tinatawag na new normal.

Kailangan talaga nating sumunod sa mga pagbabago dahil nandyan pa rin ang COVID-19.

***

Ang pagsubasta sa mga kumpiskado at abandonadong kargamento ay malaking tulong para mapalaki ang koleksyon ng Bureau of Customs (BoC).

Ang mga kumpiskadong kargamento, upon forfeiture, ay ipinagbibili sa pamamagitan ng public auction.

Ang mga ipinagbabawal o iyong anti-social goods ay ikino-condemn naman.

Sa Port of Cebu umabot ng P147.7 milyon ang halaga ng puslit na shipments na nasakote sa buong buwan ng Agosto.

Karamihan dito ay undeclared, misdeclared at undervalued shipments.

Sinabi ni Acting District Collector Charlito Martin Mendoza na lalo nilang pinaiigting ang kampanya laban sa ismagling.

Ayon pa kay Mendoza, well-coordinated ang kampanya.

Nagtulong-tulong ang CIIS, ESS, XIP team at assessment division para lalong maging tagumpay ang kampanya ng Port of Cebu laban sa ismagling.

Pinapurihan si Collector Mendoza dahilan sa kanilang kooperasyon at vigilance.

Congrats sa inyo diyan sa Port of Cebu!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight