Home>Editorial>Miscellaneous>Pekeng LPG tank nagkalat sa Laguna

Pekeng LPG tank nagkalat sa Laguna

Portable LPG TankHINDI iniinda ng mga mamimili ang ipinalabas na babala ng Department of Trade and Industry- Bureau of Philipine Standards (BPS) kaugnay sa panganib na dulot ng paggamit ng pekeng liquefied petroleum gas (LPG) na nagkalat sa mga lalawigan partikular sa Laguna.

Sa ipinalabas na anunsyo ng DTI-BPS noong nakalipas na taon, lumilitaw na patuloy pa rin tinatangkilik ng publiko ang mga pekeng LPG tank na sinasabing nagkalat sa mga lalawigan CALABARZON.

Sinasabing nagtetengang kawali naman ang kinuukulang ahensya ng pamahalaan sa patuloy na operasyon ng mga manufacturer ng mga pekeng LPG tank na may nakaambang panganib sa kabuhayan ng mamimili.

Base sa anunsyo ng DTI-BPS, ang mga pekeng LPG tank ay walang marka ng Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) na kasalukuyang nagkalat sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Laguna.