Home>Editorial>Miscellaneous>PUV driver obligadong mag-register sa PTOPS

PUV driver obligadong mag-register sa PTOPS

OBLIGADO na magpa-register ang lahat ng public utility vehicle drivers sa Public Transport Online Processing System (PTOPS) ng Land Transportion Franchising and Regulatory Board-National Capital Region, ayon sa agency.

Ayon sa LTFRB , ang papa-register ay must lalo na sa mga drivers na nagsimulang bumiyahe sa mga binuksang routes mula noong ika-1 ng Hunyo ngayong taon.

Ang PTOPS ay hakbang ng agency patungo sa “new normal” kung saan epektibong maipatutupad ang physical distancing dahil maaari nang gumawa ng transaksyon ang mga stakeholders kahit nasa kanilang tahanan lamang.

  1. Kailangan lamang ng mga drayber na :
  2. Mag-log in o sign up gamit ang sariling email address.
  3. Pangalawa ang pag-verify ng kanilang account sa email.
  4. Pangatlo ang mag-apply gamit ang sumusunod na impormasyon at iba pa na maaaring hingin ng system tulad ng: Pangalan, Pangalan ng Operator, Address, Cellphone Number, Ruta at Uri ng PUV, kung ito man ay Public Utility Bus, Modern Public Utility Jeepney o Traditional Public Utility Jeepney.
  5. Kasama ding ilagay ang Plate Number ng PUV at Chassis Number.

Para ma-access ang PTOPS, pumunta lamang sa link na : https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight