Home>Editorial>Miscellaneous>Water interruption sa Antipolo, Rizal areas

Water interruption sa Antipolo, Rizal areas

WALONG oras na mawawalan ng tubig sa Antipolo City at sa iba pang lugar sa Rizal, province dahil sa gagawing maintenance activities sa Siruna Pumping Station sa Brgy Mambugan, Antipolo City, ayon sa Manila Water company.

Ayon sa tanggapan ang temporary water service interruption na makakaapekto sa may mahigit 210,000 katao o 42,289 kabahayan, commercial at business establishments sa 26 barangays sa Antipolo City, Teresa, Morong, Taytay, Angono at Binangonan Rizal Province mula miyerkoles , October 21, 2020 ng alas 9:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ng huwebes ng October 22, 2020.

Ang mga apektadong lugar sa Antipolo City ay barangay Bagong Nayon,Mambugan,Mayamot,(Pagrai area only) Cupang (Pagrai area only),Dalig (maliban sa kahabaan ng along Road hanggang Teresa, Tapales, Gamboa) Dela Paz,Sta. Cruz,San Isidro (maliban sa Bermuda Heights, Buliran Road, kahabaan ng Circumferential Road),San Roque,San Luis,(except Corville, Biong, Primavera) San Jose (except Marcos Highway) Poblacion,San Gabriel,May-Iba ,Dulumbayan,Calumpang, Sto.Cristo,Prinza,Bagumbayan,Dalig,San Roque at San Guillermo gayundin sa Binangonan, Angono at Taytay bahagi ng Tayuman at Palangoy , Mahabang Parang at Dolores.

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag ipon na agad ng tubig ngayon pa lamang upang may magamit sa panahon ng water interruption.

Oras na bumalik ang suplay ng tubig, pinapayuhan ng Manila Water ang mga customer na hayaan muna na lumabas ang tubig ng ilang minuto bago gamitin ang tubig.

Sa mga may tanong ay maaaring tumawag sa Manila Water’s Customer Care Hotline 1627 or sa Facebook (www.facebook.com/manilawater) at sa Twitter (www.twitter.com/ManilaWaterPH).

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight