Home>Editorial>Mysteries>Zombi Pilipinas: May Liwanag (Bk.1 Ch.10)

Zombi Pilipinas: May Liwanag (Bk.1 Ch.10)

November 15, 2024; 3:22 A.M.

“Humppp..hummmmpppp” nagpipipiglas si Bernadette, pilit sumisigaw, hindi makagalaw at pilit na itinutulak ang malapad na katawang nakadagan sa kanya. Ang huling alam nya, isang zombie ang biglang dumamba sa kanya bago sya nawalan ng malay. Bago nagdilim ang kanyang paningin ay naisip na niyang magiging zombie sya kung hindi mauubos ang kanyang katawan matapos syang makagat ng mga zombie.

“Diyos ko… ganito po ba ang maging zombie? Madilim… hindi ako makakita, hindi ako makakilos,” ang wika nito sa sarili. Naisip nito ang pasuraysuray na zombie t inisip ang magiging hitsura nya kung maging zombing pilay sya. Pakiramdam nya ay nasa isa syang masikip na lugar, wala syang nakikita dahil sa natatakpan ng isang malapad na kamay ang kanyang mga bibig at mata at ang naririnig nya lamang ay ang mga halinghing at mga ungol ng mga tao sa hindi kalayuan. Dinig na dinig nya ang mga naglalaglagang mga gamit at metal na bagay sa pinaka-area ng lutuan.

Pilit nyang idinilat ang kanyang mga mata at muling tinanong ang sarili: “Z-zombie na ba ako?”

Nirelax nya ang kanyang sarili, hanggang sa maramdamang nyang kumislot ang zombing nakapatong sa kanya, nakatingin ito sa kanya, tinitigan nya ang zombie, nagkatitigan sila. May nakabukas na lighter ang zombie at nakatapat sa mukha nya.

“Zombie ba to?” ang tanong niya sa sarili, “b-bakit ang p-pogi?”

Nanlaki ang mga mata ni Bernadette, hindi zombie ang nakapatong sa kanya. Isang lalaki. Nagkakawag si Bernadette, pilit itinutulak ang mamang nakapatong sa kanya. Pero ayaw syang bitawan ng lalaki at habang itinutulak nya ito upang makawala sa pagkakadagan nito ay lalu lamang humihigpit ang hawak nito sa kanyang bibig at mas lalung dumidikit ang katawan nito sa kanyang katawan.

“Rape? Nirerape ba ako ng zombie?” ang naguguluhang tanong nito sa sarili. Naguluhan si Bernadette, nagtataka kung bakit hindi pa siya kinakagat ng zombie.

Iginalaw nya ang kanyang ulo at saka pilit nagsisipa. Lalu pang humigpit ang pagkakahawak sa bibig nya ng taong nakapatong sa kanya. Wala syang magawa, masyadong malaki ang zombing nakadagan sa kanya.

“Ssshhhhhhh…. Wag kang maingay’” ang bulong nito sa kanya.

Nagulat si Bernadette, nagsasalita ang zombie.

“Hummmpppp….” Sinubukan nyang itinulak ang lalaking nakapatong sa kanya subalit para itong isang malaki at matigas na kahoy. Napansin nya rin na nasa ilalim sila ng mga gradas at masyadong mababa ang pagitan ng gradas at sa tingin nya ay pilit na pinagkasya ng lalaki ang kanilang mga katawan sa pagitn nito.

“Wag kang maingay, wag kang malikot…” ang babala nito sa kanya.

Hindi pa rin tumitigil sa kakapalag si Bernadette, hindi sya makakilos at halus hindi sya makahinga dahil sa bigat ng nakapatong sa kanya. Madilim ang paligid ngunit may kaunting liwanang na pakiramdam nya ay reflection ng ilaw na nanggagaling kung saan.

Pakiramdam nya ay nasa isang kabaong sya sa sobrang sikip pero malamig ang sahig na kanyang kinahihigaan. Iginala nya ang kanyang paningin, madilim pa rin, muli niyang tinitigan ang mukha ng lalaki na nakatingin lamang sa kanya. Nakahawak ang kamay nito sa kanyang bibig at hawak din nito ang kanang kamay nya. Pilit na iginalaw ni Bernadette ang kanyang katawan, itinutulak ang lalaki para mawala ito sa pagkakadagan sa kanya pero hindi pa rin ito kumikilos. Gamit ang kaliwang kamay at kinurot nya sa tagiliran ang lalaki. Nagulat ang lalaki, napamulagat ito.

“Arayyyy…” ang bulong nito.

Nanlalaki ang mga mata ni Bernadette, panay parin ang kawag, inabot nya ang tainga ng lalaki at saka piningot iyon.

“A-arayy… tumigil ka… wag kang maingayyy… naloloko ka na ba?” ang paanas na wika nito sa kanya.

Gusto nyang magsalita pero ayaw tanggalin ng lalaki ang kanyang kamay sa bibig nya, kinagat ni Bernadette ang kamay ng lalaki.

“Arayyy koooo…” nabitawan ng lalaki ang bibig ni Bernadette.

“Sino ka? Nasaan ako? B-bakit…?

“Shhhhhh…” muling tinakpan ng lalaki ang bibig ni Bernadette.

Muling nagkakawag si Bernadette. Sisipain na sana nya ang nakapatong sa kanya ng may mapansin syang mga paa ng taong nagpaparoo’t parito sa kanyang harapan.

Tinitigan ni Bernadette ang mga pares ng mg paa na naglalakad sa harapan nila.

Binulungan sya ng lalaki.

“Mga zombie yan. Narito tayo sa Jolibee dito sa Welcome Rotonda,” ang pabulong na wika nito sa kanya.

Pilit pa ring iniaalis ni Bernadette ang kamay ng lalaki. Inalis unti unti ng lalaki ang kanyang kamay.

“P-paanong?” muling itinakip ng lalaki ang kanyang kamay sa bibig ni Bernadette.

“Nasa ilalim tayo ng counter, sa pinakailalim ng mga gradas, dito kita dinala, kanina, binuhat kita mula sa may overpass, nawalan ka ng malay,” ang wika ng lalaki sa kanya.

Tumango si Bernadette, naunawaan ang naganap.

Sinenyasan nya ang lalaki na alisin ang kamay sa kanyang bibig.

“Aalisin ko pero wag kang maingay,” ang wika nito sa kanya. At inalis nitong unti-unti ang kanyang kamay sa bibig ni Bernadette.

“P-wede ba… b-bumaba ka?” ang wika nito sa lalaki na hanggang ngayon ay nakadagan sa kanya.

“H-hindi pwede, nakasiksik lang tayo sa ilalim,” ang wika nito.

“M-mabigat ka, nahihirapan ako huminga,” ang sabi nito sa lalaki.

“Nasa ilalim tayo ng counter, nakatago tayo sa pinakailalim. Magtiis ka muna, ano gusto mo makagat ka ng zombie o magtiis sakin” ang bulong nito sa kanya.

Walang nagawa si Bernadette, nagpakiramdaman na lang sila ng lalaki na noon at halus malanghap na nya ang hininga dahil sa sobrang pagkalapat ng kanilang katawan.

Zombi PilipinasMaya-maya pa ay mabilis na nag-alisan ang mga zombie sa counter, nakakita ang mga ito ng grupo ng mga taong nagtatakbuhan sa labas. Isa-isang lumisan ang mga zombie at nakihabol sa mga tumatakbong tao. Dalawang driver ng ambulansya ang inabot sa labas ng kainan at ngayon ay kinukuyog ng hindi mabilang na zombie.

Siniguro ng lalaki na wala nang mga zombie bago ito umalis sa pagkakadagan kay Bernadette. Naupo ito sa sahig at sumandal sa gradas ng counter.

Nakahinga ng maluwag si Bernadette at nang akmang gagapang para lumabas ay pinigil sya ng lalaki.

“Paanong? Anong nangyari?” ang usisa ni Bernadette sa kausap. Pilit nitong inalala ang mga pangyayari kanina sa may overpass.

“Ako si Kyle Andre Tambalino, tawagin mo akong Kyle, commanding officer ng Presidential Security Group na kasama nina President sa Hotel Maynila. Nagkagulo sa Manila Hotel at may mga kasama kaming dinala dito sa United Doctors Medical Center. Nasa emergency room kami nang biglang magkagulo kasi naging zombie ang dalawa naming kasama. Nasa labas ako ng mga oras na iyon ng mapansin kitang palakad-lakad sa overpass. Nang mapansin kong nagkakagulo na sa loob ng hospital at papunta na ang mga zombie sa kinaroonan mo ay tumakbo ako para balaan ka, mabuti na lamang at nauna akong nakapanhik. Kitang-kita ko kung paano ka nahimatay,” ang wika ni Andre.

“P-pero b-bakit… p-paano ka o t-tayo nakaalis sa lugar kasi puno na ng zombie” ang usisa ng dalaga.

“May hagdanan sa may gitna ng tulay patungong Quezon Blvd. sa side ng Quezon City. Duon ako tumakbo at saka dumeretso dito sa Jolibee. Binasag ko ang pintuan sa may tagiliran at saka ako pumasok, nasundan tayo ng ilang zombie kaya at naghanap ako ng matataguan. Dito kita isiniksik pero nung dumami na ang mga zombie ay napilitan kong isiksik ang katawan ko dito sa gradas, mabuti na lang malambot at maliit ang katawan mo,” ang sagot nito.

Nag-blush si Bernadette, tinitigan ang lalaking nakatagilid sa kanya.

Ibubuka na sana ni Bernadette ang kanyang bibig upang magpasalamat sa lalaki biglang may humatak na kamay kay Andre. Napasigaw si Bernadette, kaagad na nagtinginan ang mga gumagalang zombie sa labas ng restaurant, kaagad na tinungo ng mga ito ang basag na pintuan ng Jolibee.

“Oh my God, oh my Godddd…” napasiksik si Bernadette sa kasuluksulukan ng ng mga gradas.

Nagpumiglas si Andre, nilapitan pa sya ng dalawa pang zombie na mabilis na lumuhod at inabot ang kanyang kamay.

“Andre… Andree….” ang pabulong na tawag nito sa binata na pilit na itinutulak at sinusuntok ang mga zombie.

Napatitig na lamang si Bernadette, hinawakan nito ang kanyang bibig upang huwag mapasigaw. Nanginig sya sa takot, naiyak habang pinapanood ang nakakakilabot na eksena sa kanyang harapan. Hindi na nakatiis si Bernadette.

“Andreee… Andreee…. Oh my God…” ang sigaw nito, hinanap ng ilang zombie ang pinagmulan ng sigaw, nagtumabahan ang ilang mga silya sa may dining area ng Jolibee, pati ang ilang mga gamit sa ibabaw ng counter nito. Lumikha pa iyon ng malalakas na tunog na syang lalong tumawag ng pansin sa ilan pang zombie sa labas. Halus mapuno ng zombie ang buong dining area pati ang pintuan.

Pilit pa ring nagpipiglas si Andre. Hanggang sunod sunod na putok na baril ang pumailanlang sa loob ng Jolibee. Natalsikan ng dugo ang ilang bahagi ng katawan ni Bernadette, bumaksak na paharap paharap kau Bernadette ang isang zombie. Nakadilat ang zombie, may dumadaloy na dugo sa noo nito sabog ang bungo, nagkalat ang utak sa sahig.

Napaungol si Bernadette, pilit na pinigilang huwag makasigaw. Marami pang putok ng baril ang kanyang narinig. Dinig na dinig nya ang pagbagsak ng katawan ng mga zombie.

Napaiyak si Bernadette, pilit na pinigil ang pagsigaw, lalung nanginig sa takot. Dahil kitang kita nyang nakikipaglaban si Andre sa mga Zombie. Ilan pang putok ang kanyang narinig at ilan pang katawan ang bumagsak sa kanyang harapan.

Nanikip muli ang kanyang paghinga at pakiramdam nya ay muli syang mawawalan ng malay tao. Papikit na sana sya ng may kamay na humawak sa kanyang magkabilang paa at hinila sya palabas sa pinagtataguan.

“Ayyyy…. Tulonggggg…. Ayyyyyy..” ang sigaw ni Bernadette. Napaubo si Bernadette sa nakaluhod na si Andre.

Muling tinakpan ni Andre ang bibig ni Bernadette.

“Wag kag masyadong eskandalosa,” nilalapitan tayo ng mga zombie.

“Ayoko na ayoko naaaaa… umalis na tayo ditooo…” ang umiiyak na wika ni Bernadete napayakap ito kay Andre. Mahigpit na nagyakap ang dalawa.

“Ssshhhhh…w-wag kang umiyak…hindi kita pababayaan,” ang alo naman ni Andre sa kanya.

“Please… umalis na tayo ditoo… huhuhu… maawa ka… ayoko pang maging zombie,” ang panaghoy nito kay Andre.

“OA mo naman, tumahan ka muna baka maubusan ako ng bala!” ang wika nito kay Bernadette.

Napakalas si Bernadette mula sa pagkakayakap kay Andre.

“T-teka, may baril ka?” ang tanong nito.

“Oo naman!” ang wika nito “Commanding officer ako ng Presidential Security Escort ng Presidential Security Group ng Malacanang.”

“K-kaya pala may matigas na parang bakal sa hita ko,” ang wala sa loob na wika ni Bernadette. Si Andre naman ang nag-blush. Napangiti ito.

“Please…. Umalis na tayo dito… p-puntahan ko sina Steph at Pamy at si Leena at si Tita… mga friend ko sila,” ang nag-aalalang wika nito.

“N-nasaan sila?” ang tanong ni Andre.

“N-nasa L-luneta,” ang pakli ng dalaga.

“Wag mo na silang isipin, mga patay na sila…” ang sagot ni Andre.

“H-hindeee… nag-text sakin si Steph, sabi nya…” hindi na tinapos ni Bernadette ng kanyang sasabihin. May nagpapasukang muling mga zombie sa Jolibee.

Binuhat sya ni Andre at saka tinungo ang basag na pintuan ng Jolibee.

“Sa-saan tayo p-pupunta?” ang tanong ni Bernadette.

“Tatakas,” ang wika ni Andre.

“S-saan nga?” ang muling tanong ni Bernadette.

“Hindi ko alam,” ang pabuntong hiningang wika ni Andre, alam nyang wala nang ligtas na lugar na puntahan.

Nang makalabas sa restaurant at dahan-dahang ibinaba ni Andre si Bernadette. Naglaka sila.

“Kilangan nating tumakbo patawid sa Welcome Rotunda, naroon ang isang sasakyan ng PSG, maari nating gamitin `yun para makaalis,” ang bulong ni Andre.

“H-hindi ko aalis,” ang sabi nito kay Andre. Nagtaka si Andre.

“B-bakit?” ang tanong nito sa dalaga. Kinakitaan ng pagkalungkot ang binatang sundalo.

“P-pupuntahan ko mga kaibigan ko, mauna ka na lang, salamat sa iyo Andre, utang ko sa iyo ang buhay ko,” ang malungkot na wika naman nito kay Andre.

“P-pero…”

“M-mauna ka na… w-wag mo akong intindihin…”

“P-paano ka? D-delikado dito,” ang nag-aalalang wika ng binata.

“K-kaya ko naman… sige na… mauna ka na… pupuntahan ko sila,” ngumiti si Bernadette.

Napilitang lumakad palayo si Andre, naiwan si Bernadette at nagsimula itong lumakad patungong Espanya, determinadong puntahan ang kanyang mga kaibigan. Minasdan nya ang papalayong binata na mabilis na tumakbo patungong sasakyan.

Previous Chapter:

Kilabot

Next Chapter:

Publication Source :    People's Tonight

One thought on “Zombi Pilipinas: May Liwanag (Bk.1 Ch.10)

Comments are closed.