Home>Editorial>Opinion>‘2gether with 2gade’

‘2gether with 2gade’

WALA man lang tayong kamalay-malay na natapos na ang sumpa ng sunud-sunod na pagkasira ng MRT 3 sa EDSA.

Hindi rin natin namalayan na malapit-lapit na rin palang makakita ng tumatakbong MRT 7 mula San Jose del Monte, Bulacan hanggang EDSA, Quezon City at karugtong ng MRT 3, LRT to Monumento at LRT to Baclaran and vice versa.

Magigising na lang tayo bago matapos ang 2022, interconnected na ang lahat ng LRT, MRT sa buong Metro Manila kasama na ang Recto sa Manila hanggang Aurora Blvd. sa QC hanggang Antipolo sa Rizal province.

Ang LRT Cavite line ay mukhang aabot na rin ang operasyon bago matapos ang 2022.

Ang kauna-unahang Metro Manila subway system na magsisimula sa Valenzuela City depot, Mindanao Avenue hanggang EDSA, Anonas, Katipunan hanggang airport ay nagsisimula na rin. Inaasahan ang pagbubukas ng 3 stations sa Mindanao Ave., Tandang Sora hanggang North Avenue hanggang sa susunod na taon. Ang PNR Tutuban line mula Laguna hanggang Clark at Subic ay lumilinaw na rin ang operasyon.

Ang bus way sa EDSA ay smooth na rin at malapit na rin pala ang Bus Rapid Transit mula Philcoa QC hanggang Maynila na ikakasa sa bagong pinalapad na Quezon Avenue.

Kung mayroon man naging instrumento sa mga proyekto para sa mass transportation at nagpagaan ng buhay ng ating mga kababayan, yan ay walang iba kung hindi si Transportation Secretary Art Tugade.

Lahatin na natin ang naging transportation chief ng bansa magmula sa Commonwealth government ni President Manuel Quezon noong 1941, Marcos era ng late ‘60s to early 80s hanggang sa panahon nila Cory, Ramos, Erap noong 90s at Gloria at Noynoy; puwede nating sabihin na si Tugade ang cut above the rest.

Maraming na-accomplish si Tugade na unmatched kahit combined term ng mga dating transportation minister or secretary.

Iba rin kasi ang naging management style ni Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang mga Cabinet officials. Hindi niya pinakikialaman ang diskarte ng kanyang Gabinete basta ang importante ay magawa ang mga proyekto para sa bayan nang walang katiwalian.

Kaya nga hindi tayo nagtataka kung ikinukunsidera ni Pangulo si Secretary Tugade bilang isa sa mga kandidatong senador sa 2022 election. May ibubuga, ika nga.

Sa ngayon, walang kumpirmasyon kung tatanggapin o tatanggihan ni Tugade ang alok ng Pangulo na siya’y mapasama sa senatorial lineup ng administrasyon sa eleksiyon ng susunod na taon.

Pero ayon sa ating source, kinausap ni Presidente si Tugade hindi para tumanggi bagkus ay umayon.

Ano man ang maging desisyon ni Secretary Tugade, suportado natin siya dahil panalo ang bayan kung mapunta siya sa Senado.

Count me in, 2gether with 2gade! allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV