Home>Editorial>Opinion>5 Intsik huli sa operasyon ng IG-EG sa Cabanatuan

5 Intsik huli sa operasyon ng IG-EG sa Cabanatuan

LIMANG Chinese nationals ang hinuli ng mga taga-Bureau of Customs nang inspeksyunin nila kamakailan ang isang warehouse sa Cabanatuan City.

Nakita ng mga taga-MICP, Intelligence Group at Enforcement Group sa bodega ang ilang cigarette label printing machines at packaging materials.

Ang composite team ay sinamahan ng mga miembro ng AFP, PNP at PCG.

Dala-dala ng composite team nang inspeksyonin ang warehouse ang isang Letter of Authority na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Walang BIR markings ang mga kinumpiskang printed packaging materials.

Ang hinuling mga intsik ay inilagy sa custody ng Bureau of Immigration “for further investigation.”

Isang grupo ng mga MICP examiner ang nag-iimbentaryo ng mga kinumpiskang packaging material at makina.

Good job, mga bossing!

***

Hanggang ngayon isa sa malaking problema ang ismagling.

Hindi lang technical smuggling kundi outright smuggling.

Ito ang nagpapasakit ng ulo sa mga otoridad.

Lalo na’t mahaba ang ating coastlines at maraming isla ang bansa.

Ang masakit, wala namang sea assets ang Bureau of Customs (BoC).

Huwag natin kalimutan na ang BoC ang ahensyang may mandatong sugpuin ang ismagling.

Pero ngayon, umaasa lang ang BoC sa tulong ng mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard para habulin ang mga ismagler na lulan ng mga matutuling sasakyang pandagat.

Panahon na para bigyan ng Kongreso ng sapat na pondo ang BoC para makabili ng mga patrol.

Hindi naman puwedeng lagi na lang aasa ang BoC sa tulong ng PN at PCG.

At baka naman pwede, habang hinihintay ang pondo galing sa Kongreso ay baka gamitin muna ng BoC ang mga sasakyang dagat na mahuhuling nagpaparating ng mga kontrabando.

Puwede kaya ‘yon, BoC Chief Rey Leonardo Guerrero?

***

Nakasakote na naman ang mga tauhan ng Port of Davao ng mga puslit na sigarilyo.

Nagkakahalaga ng P96.6 milyon, ang mga sigarilyo ay galing ng Cambodia at China.

Ang mga kontrabando, na naka-consign sa Ally Corp International Inc, ay nakalagay sa apat na 40-footer container vans.

Ayon kay Port of Davao District Collector Erastus Sandino Austria, ang mga van ay idineklarang naglalaman ng plastic cups at fabrics.

Nang buksan ng mga examiner ang mga shipment ay mga sigarilyo ang laman.

Sinabi pa ni Sandino na nabuko nila ang ismagling “through advance information from Intelligence sources.”

Pagkatanggap ng impormasyon ay inalerto kaagad ang shipment.

Pagkatapos ng 100 percent physical examination ng kargamento ay nag-isyu si Austria ng Warrants of Seizure and Detention.

Ang misdeclaration ay labag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Sana lang ay hindi mamaniobra ng mga tulisang ismagler ang nahuling kobtrabando.

***

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight