Home>Editorial>Opinion>51 illegal drug shipments na ang natimbog ng BoC-NAIA

51 illegal drug shipments na ang natimbog ng BoC-NAIA

MULA Enero 2020, nakasakote na ang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ng 51 illegal drug shipments.

Nagkakahalaga ng P83.6 milyon, ang illegal drugs ay kinabibilangan ng tinatawag na party drugs na ecstasy.

Sa katunayan, 13 sa 51 shipments ay naglalaman ng ecstasy na nagkakahalaga ng P40.4 milyon.

Sa kampanya laban sa illegal na droga sa NAIA, kasama ng BoC ang PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group o IADITG.

Ang huling nasakote ng BoC-NAIA, na pinamumunuan ni District Collector Mimel S. Manahan-Talusan, ay mga ecstasy tablets at MDMA powder crystal (raw ecstasy).

Ang kontrabando ay natiklo sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay City.

Ang 196 piraso ng ecstasy at 151 gramo ng raw ecstasy ay nagkakahalaga ng P750,000.

Idineklara ang pakete, na naglalaman ng “key chains,” na ipinadala ng isang Jansen J.J.K. ng Amerstoort, Netherlands.

Ayon sa PDEA laboratory analysis, ang mga tableta at crystalized substance ay naglalaman ng ecstasy/molly.

Nasa kamay na ng PDEA ang mga droga “for further investigation.”

Ang BoC-NAIA ay tumatalima sa utos ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero na lalong paigtingin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

***

Pinaaalahanan ng BoC ang publiko tungkol sa “dos and don’ts” sa pagpapadala ng “balikbayan boxes.”

Habang papalapit ang Christmas season ay dagsa talaga ang pagdating ng “balikbayan boxes.”

Ang mga “BBs” ay naglalaman ng mga pamasko ng mga kababayan natin na nasa abroad sa mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas.

Para tax-free ang shigment, dapat hindi lalampas ng P150,000 ang halaga ng laman nito.

Any amount that exceeds the allowable value is subject to payment of duties and taxes,” ayon sa report.

Dapat mga personal at household items lang ang laman ng BB.

Goods which are in commercial quantities and those intended for sale or barter” ay hindi saklaw ng duty and tax-free privilege.

Matatandaan na maraming umabuso noon sa pagpapadala ng BBs sa bansa.

Ginamit noon ng mga ismagler ang BBs para magparating ng mga kontrabando sa bansa.

Pero sa panahon ni BoC Chief Rey “Jagger” Guerrero ay mahirap lumusot ang mga kontrabando.

***

Bagsak talaga ang ating ekonomiya dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa totoo lang mababa ang government revenue collections.

Pero ang magandang balita, walang balak ang gobyerno na magtaas ng buwis o magbenta ng mga ari-arian nito.

Mismong si Finance Secretary Carlos Dominguez lll ang nagsabi nito.

We are not really seriously considering any taxes. Taxing our citizens when their incomes are down is not a good idea,” sabi ni Dominguez.

At wala rin daw balak na i-dispose ang “big-ticket public assets in the near-term.”

Kaya naman kahit may COVID-19 pandemic ay kayod-kalabaw ang mga taga-BoC.

Alam nila na kailangan ni Pangulong Rody Duterte ng pera para magawa ang mga proyektong magpapabilis ng socio-economic development ng bansa.

Tama ba, BoC Assisstant Commissione at Spokesman Vincent Philip Maronilla?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.

Publication Source :    People's Tonight