Home>Editorial>Opinion>ACDD advance info, malaking tulong

ACDD advance info, malaking tulong

GINANAP kamakailan ang E-ACDD virtual kick-off meeting sa pagitan ng Philippine NSW (National Single Window) at partner-agencies.

Kasama ang USAID-ASEAN Policy Implementation (API) project. Ang Bureau of Customs ( BoC) ang host ng meeting.

Ang pulong ang nagsilbing unang consultation meeting para sa technical assistance na bigay ng ASEAN-API sa BoC para sa electronic exchange ng Asean Customs Declaration Document (ACDD) ng ASEAN Single Window (ASW) system.

Ang ACDD ang susunod na dokumentong kinakailangang “to be exchanged using the NSW system.

Ang lahat ng miyembro ng ASEAN ay “expected to exchange the ACDD document by 2021.

Sa virtual kick-off meeting ay inisa-isa ni Dennis Pantastico ang mga layunin ng proyekto.

Inilatag din niya ang ACDD weekly action plan na magsisilbing guide ng NSW teams ng BoC at Department of Finance.

Si Pantastico ang ASW advisor ng USAID-API.

Sinabi naman ni Depcom Allan Geronimo na malaking tulong sa BoC ang technical assistance ng USAID-API.

Makatutulong ito sa modernization ng Risk Management at profiling sa pamamagitan ng palitan ng advance information na nakapaloob sa ACDD.

***

Sa pagpasok ng 2021 ay umaasa ang mga taga-aduana na lalong gaganda ang serbisyong ibinibigay ng BoC.

Ito ay sa kabila ng katotohanang nandiyan pa rin ang COVID-19 pandemic.

Kagaya ng marami, natuto na ang mga nagtatrabaho kung paano maging ligtas sa nakamamatay na virus.

Hindi puwedeng nakakulong lang tayo sa ating mga bahay.

Kailangang buksan ang mga negosyo para may mapasukan ang mga manggagawa.

Ang kailangan lang ay sumunod sa lahat ng health protocols.

Hindi tayo puwedeng laging pasaway dahil hindi birong magkasakit ng COVID-19.

At hindi rin puwede na lagi na lang tayong umasa sa ayuda galing gobyerno.

Sa mga taga-aduana, trabaho lang tayo dahil napakahalaga ang papel na ginagampanan natin.

Huwag natin kalimutan na kailangan ni Pangulong Rody Duterte ng sapat na pera para magawa niya ang mga dapat niyang gawin bago matapos ang kanyang panunungkulan.

***

Wala na ngang kita ang tao, sobra pa ang taas ng presyo ng halos lahat ng bilihin.

Ito ang dapat pagtuunan din na atensyon ng gobyerno.

Kapag hindi ito nagawan ng paraan, marami ang magkakasakit sa ating mga kababayan.

Hindi dahil mahahawa sa COVID-19 kundi mau-ulcer o magkaka-anemia at iba pang sakit dahil walang maibili ng pagkakain.

Kailangan ng mga tao ng masustansyang pagkain upang lumakas ang resistensya, maging produktibo at kapakipakinabang.

Tama ba, Senador Bong Go?

(Para sa inyong komento o suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan. )

Publication Source :    People's Tonight