Home>Editorial>Opinion>Aksiyon ng MIAA vs COVID

Aksiyon ng MIAA vs COVID

MALAKING bagay ang go signal na ibinigay ng Civil Aviation Authority of the Philippines para tumanggap ng inbound flights ang Manila International Airports simula May 11.

Kailangan lamang humingi ng clearance ng inbound flights sa CAAP at DFA 48 hours bago ang kanilang arrival sa ating mga paliparan sa NCR para maitakda ng kanilang paparadahan.

Maraming mga OFWs natin ang naipit sa abroad dahil sa travel ban ng in and out sa bansa magmula nang ipatupad ng ECQ dulot ng virus. Gustung-gusto nang makabalik ng ating mga kababayan dahil sa bansang kanilang pinagtatrabuhan ay lockdown din kaya hindi rin sila makapagtrabaho.

Sakto rin naman ang development na ito dahil nalaman natin mula mismo kay Airport General Manager Ed Monreal ang kanilang mga ginagawa sa paliparan sa gitna ng ECQ.

Kung mayroon mang mga ahensiya ng gobyerno ang nakitaan natin ng kahandaan ngayong krisis, isa na siguro ang MIAA rito.

Bagama’t nagkaroon ng COVID cases sa MIAA dahil tatlong kawani ang tinamaan, hindi naman ito nakapagtataka dahil kung may frontliners sa mga ospital, ang mga airport personnel naman natin ang frontliners ng buong bansa. Isipin nyo, sila ang unang humaharap sa mga pasaherong papasok at palabas ng ating bansa kaya talagang nasa delikado rin silang sitwasyon katulad ng mga health workers.

Ang importante rito ay kung paano tumugon si GM Ed na halos 24/7 nakatutok sa ating mga paliparan magmula pa nang simulan ang lockdown ng Luzon noong March 15 hanggang magkaroon ng May 15 extension.

Ipinadala sa atin ni GM Monreal sa pamamagitan ng email ang kanilang mga naging hakbang habang nasa kalagitnaan tayo ng paglaban sa mapamuksang virus.

Ayon kay GM Ed, kabilang sa kanilang mga ipinatupad sa gitna ng COVID fight ng bansa ay mga sumusunod:

1.  Distributed face masks to MIAA employees;

2. Purchased more surgical and washable face masks, face shields and other PPEs;

3.  Equipped security personnel manning vehicle checkpoints within the immediate vicinity of NAIA as well as those assigned at airport entrances with 81 infrared thermometers for mandatory temperature check of all people entering airport premises;

4. Promoted social distancing among airport employees, passengers and stakeholders through signages and posters. Installed yellow markers at queuing points, escalators, elevators, etc.

Ongoing installation of acrylic barriers at all 330 check-in counters in the 4 Naia Terminals. All help desks and government counters shall also be covered with acrylic barriers;

5. Increased frequency of disinfection of all airport facilities, equipment and vehicles used for ferrying airport workers;

6.  Provided airport workers with shuttle service plying 3 routes : North Edsa, Monumento and Dasmarinas Cavite implementing social distancing inside the buses;

7. As member of the Sub Task Group on the repatriation of OFWs, provided the STG member agencies with facilities required for the them to be able to perform their mandated tasks under the One Stop Shop concept.

Gate 1 and 16 of Terminal 1 and T2 predeparture areas are being used as venue for rapid testing of all OFWs and OFs arriving in chartered and commercial flights; converted NAIA Terminal 1 boardroom into a command center of the One Stop Shop: provided PhiL. Coast Guard medical team with quarters since they are on 24-hours duty.

***

Bukod dito, ang alam natin, nagkaroon din ng pronouncement sila Transporation Secretary Art Tugade at GM Monreal para sa rental holiday ng mga konsesyon sa paliparan hanggang Abril.

Ibig sabihin, iyong mga negosyo sa airport ay wala munang babayarang  renta dahil nga bukod sa travel ban ay talagang natigil ang kanilang mga business operations sa mga paliparan.

Kailangang talagang mag-adjust ng lahat dahil wala namang may kontrol ng sitwasyon. Ang maganda lang, maagap ang mga opisyal ng ating pamahalaan para bawasan ang bigat ng problema.

Kudos kina GM Monreal at Secretary Tugade.

allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV