The ‘amazing things’ about the Manila Police District

“NATUWA” naman tayo, kasamang Non Alquitran, sa kolum kahapon ni “kapatid” Itchie Cabayan kung saan “inilarawan” niya si Manila Police District (MPD) director, PBGen. Vicente Danao, bilang “amazing” (translation: “kahanga-hanga” o “kagulat-gulat”).

Ayon pa nga kay Itchie: “Manila Police District (MPD) Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. is one police officer who never ceases to amaze  the media, myself included, with his bold statements.

“Just the other day, he strongly  ‘advised’ (or was it a warning?)  a Northern Police District (NPD) policeman who was nabbed for extortion activities in Tondo, Manila not to post bail while he (Danao) sits as the MPD chief.

“‘Don’t post bail or don’t go out yet while I am here. It will be better if you stay in prison and help there,’’ was what Danao said in an interview.  He also said he will not allow anybody from the MPD to tarnish the image of the police, particularly for a measly P50, just like what happened in the case at hand…”

Translation? Aba’y kahit “batang musmos” alam na ang “kasunod” sa tinuran ni DD Danao -- “may paglalagyan” ang abusadong pulis ng NPD.

* * *

Sa ganitong mga “birada” ni DD Danao, eh, sino ba naman talaga ang hindi “magugulat,” hindi ba mga kabayan? Ito ay sa kabila ng katotohanan na marami pa ring problema sa hanay ng MPD na tila hindi pa rin niya napapansin -- kahit pulos “kahihiyan” at “batik” sa kanyang liderato -- ang ibinibigay ng mga ito.

Halos isang buwan na ngayon, nalaman natin na “galit na galit” si Boss Erap Estrada dahil may “ikinalat” na “ebak” sa may lugar ng Malate at ang pagkakalat ay nasabay  pa sa pagsisimula ng ‘Manila Bay cleanup.’

At dahil “galit” si Mayor Erap, eh, “galit” din (siyempre) si DD Danao. Sa nabasa pa nga nating “pagbabanta” nitong opisyal na palaging pangalan ni PDU30 ang “ipinagmamalaki” (dahil “miyembro” daw siya ng ‘Davao Group), aba’y “ipapakain” (daw) niya ‘yung ikinalat na ebak dun sa nagtapon nito, guwark, ayy, yeheyy!

Bagaman “kagulat-gulat” ang tinuran ni DD Danao (kaya naman iniulat ng media), eh, anyare na ba, hehehe! Wala na kasi tayong nabalitaan, ahahay!

Sa kolum naman ni kasamang Non Alquitran, hinggil dito sa ‘missing cigarettes’ sa MPD Station 1, marami rin ang “nagulat” na si NCRPO director, PMGen. Guillermo Eleazar ang “nagpupursigi” na “mahubaran” ang eskandalong ito at mapanagot ang mga “tusong pulis” na “nagmaniobra” nito dahil “kahihiyan” na naman ito sa PNP.

Maraming nagulat dito, dear readers, dahil nga si Gen. Eleazar ang “naghahabol” -- at hindi si Gen. Danao, bagaman nga ang direktang “nagasgas” dito ay ang pangalan ng MPD.

Noon namang Pebrero 26, hindi lang MPD, bagkus, ang buong ‘Pinas, ang “nasadlak” sa kahihiyan, matapos dalawang ‘gun-for-hire’ ang matagumpay na inambus at napatay, ‘in broad daylight’ sa Sampaloc, Maynila -- kahit mayroon pa silang dalawang ‘police escort.’

Buong bansa ang “napahiya” dito, mga kabayan dahil nga ang Maynila ang “kapitolyo” ng ‘Pinas at ang pamamaslang ay naisagawa sa isang “mataong lugar” habang ang dalawang eskort na pulis ay walang nagawa -- at “nadisarmahan” pa!    Sa insidenteng ito, ang “nakaramdam” ng “hiya” ay si DILG secretary, Ed Ano, na ang sabi pa nga sa atin ay “dapat” masampahan ng kaso ‘yung dalawang police escort.

Eh, halos dalawang buwan na ngayon, Pang. Rody, pero ang hinagpis ng mga miron, wala pa ring nangyayari kaya, “amazing indeed,” hindi ba, kasamang Rey Galupo, hehehe!

Kamakailan naman, isang dating kasamahan sa media ang “nagpatunay” na “siksik,” “liglig” at “umaapaw” ang operasyon ng ‘illegal gambling’ sa Maynila, GAB chairman, Baham Mitra!

At partikular na “inireklamo” sa atin ay itong ‘bookies’ ng karera sa lugar naman ni Station 2 commander, Dave Mejia, na ayon pa sa mga miron ay “kasama” rin ni DD Danao sa ‘Davao Group.’

Ayon sa reklamo, “tumaya” raw siya sa ‘bookies’ nitong si alias ‘David Macmac’ noong Marso 10 subalit, hanggang ngayon, hindi pa siya nababayaran, aguy, aguy, aguy!

Sa ganang atin naman, sinabi natin na, una: “iligal” ang ‘bookies’ ng karera kaya hindi ito dapat tinatangkilik ng sino man at ikalawa, dahil iligal eh, hindi talaga malayong mangyari ang ‘estafa.’

‘Yun nga lang, ang insidenteng ito ay “pruweba” na “pakitang-tao” ang kampanya ng MPD pagdating sa sugal na ang karamihan sa mga “patong” ay mga pulis mismo, wahhh!

Katulad nitong si ‘David Macmac’ na umano’y anak ng isang retiradong pulis, totoo kaya na higit 20 na ang “butas” nito sa nasasakupan ng Station 2?

Kung totoo, eh, imposible namang hindi ito alam ni Col. Mejia at DD Danao, hindi ba, mga kabayan? Dahil, paano naman “dadami” ang “butas” nitong mga katulad ni alias David Macmac kung walang “proteksyon” mula sa mga pulis, aber?

At ano rin kaya ang ginagawang kilos dito ng GAB samantalang ang patuloy na “pananalasa” ng mga bookies ang isa sa dahilan kung bakit patuloy ang “paghihingalo” ng ‘Philippine racing industry.’

Sa ganitong mga eskandalo na patuloy na walang solusyon ang MPD, eh, ‘it would be truly amazing if DD Danao even gets a promotion in the coming days!’

Should this happens, the next word in everybody’s mouth is not ‘amazing’ but what La Aunor said: “Totoo ang himala!” Hahaha!

PS. Bukas po ang pitak na ito sa inyong pagpapaliwanag, DD Danao at Col. Mejia.

Abangan!