Ang Makati ‘Subway Project,’ bow!

November 12, 2018

BAGO ang lahat, mainit at maingay nating binabati ng ‘Happy Birthday!’ si NCRPO director, Guillermo Eleazar, na ‘Birthday Boy’ ngayong araw.

Isa si Dir. Eleazar sa mga iginagalang at hinahangaan natin na opisyal ng ating pambansang pulisya, dear readers.

At dahil gaganapin ang selebrasyon sa Camp Crame, “paramdam” na kaya ito, kasamang Jun Mestica at Val Leonardo, na dapat “magsanay” na ang media na sa Camp Crame na siya “pasyalan” sa mga darating na araw, ano sa palagay ninyo, hehehe!

Muli, pagbati sa iyong kaarawan, Dir. Eleazar! Your recognition by the National Press Club (NPC) during our anniversary last October 29, is fully deserved! Mabuhay ka!

* * *

“Kinasasabikan” na ng lahat ang pagsisimula ng konstruksyon para sa ‘Makati Subway’ project, mga kabayan.

May pondong US$3.7 bilyon (katumbas sa halos P200 bilyon) inaasahang matatapos ito sa 2025 kung saan inaasahan din na “payat” ang 6,000 trabaho na malilikha nito kung saan ang unang “makikinabang,” ayon sa tanggapan ni Mayor Abby Binay, ay ang kanyang mga “kababayan.”

Dahil din sa proyektong ito, “nadagdagan” din ang ‘bragging right’ ng Makati na ang unang ‘modern subway system’ ng ‘Pinas ay sa Makati naitayo. At dahil sa inaasahan din na ‘long term economic benefit’ nito, aba’y hindi na marahil “matitibag” ang “titulo” ng Makati bilang ‘the country’s premier business and economic district,’ yeheyy!

Eh, yun ba namang… US$600 milyon (P32.4 bilyon) kada taon ang tinatayang ‘economic contribution’ ng proyekto sa Makati at sa ating buong ekonomiya, paano pa hindi “tatangos ang ilong” ni Mayor Abby at mga kababayan niya, sige nga, hehehe!

Sa ginawa pang pag-aaral ng ‘Japan International Cooperation Agency’ (JICA), ang sampung kilometrong ‘underground train project’ -- ay maisasagawa ng pamahalaang panglungsod ng “libre,” as in, walang gastos ang “kaban” ng Makati dahil ang ‘share’ nito ay sa “hugis” ng mga lupang pag-aari ng lungsod na “dadaanan” ng proyekto.

Sa tinatawag na ‘unsolicited public-private sector partnership’ (PPP) at  nagawa ang mungkahing ‘joint venture agreement’ na ‘tandem’ naman ng mga pribadong kumpanya, lokal at dayuhan, sa pangunguna ng ‘IRC Properties Inc.,’ bilang ‘original proponent status.’

At dahil nasa ‘Pinas tayo, na ano mang magandang proyekto ay palagiang may mga kritiko, inaasahan na rin na habang papalapit ang ‘ground opening’ sa susunod na buwan (at marahil hanggang matapos ang proyekto), hindi mawawala ang mga “pakialamero” at mga “urot” na siyempre ay gustong “umepal” partikular pa nga at papalapit na ang halalan, hehehe, ayy, huhuhu!

At dahil ‘first in the Philippines,’ hindi ba dapat huwag nang haluan ng ‘personal and political interest’ ang pagpapasinaya nito?

Ang ‘wish’ pa nga ng kampo ni Mayor Abby, “sana” lahat daw ay “sumuporta” na lang dahil nga ang unang makikinabang ang mga ‘Makatizens’ na ang interes ay siya rin (daw) “ipinaglalaban” ng mga “burot” at kritiko ng nasabing proyekto.

“Ang lahat sana ay sumuporta para sa subway system project na ito.

Sapagkat ito ay tumutugon sa problemang mayroong limang milyong mamamayan ang nasa loob ng Makati sa isang araw, samantalang ang aktuwal na naninirahan sa lungsod ay limang daang libo lamang,” punto pa ng kampo ni Mayor Abby. Oo nga naman.

Sa “populasyon” na ito ng Makati tuwing ‘business day,’ malinaw na ‘overloaded’ na talaga ang mga kalye ng Makati, patunay ang “malufet” na trapik dito -- kaya nga kahit ako, dear readers, ayaw ko na talagang magpunta ng Makati maliban na lang kung “talagang kailangan.”

Sa “lufet” ng trapik, aba’y talagang “lugi” ang oras mo, hindi ba, dear readers?

Inaasahan naman na ang nasabing ‘subway project’ ay “malaking tulong” upang itaas ang ‘productivity’ ng Makatizens at kahit dito nagtatrabaho at umuuwi sa ibang lugar dahil ito ang “mag-uugnay” sa ating ‘mass transit system’ sa Kamaynilaan, katulad ng MRT-3 sa EDSA, ang Pasig River Ferry System at, ang panukalang ‘Metro Manila Mega Subway.’ at ang panukalang  Metro Manila Mega Subway.

“Ang aking layunin ay para sa subway na maging legacy ng Makati sa mass transportation.

“Ang proyektong ito ay mas malaki pa kaysa sa akin bilang Mayor Abby Binay. Magiging bahagi tayong lahat ng kasaysayan, at ito ang tulong ng Makati sa kaunlaran ng Pilipinas,” pahayag pa ni Mayor Abby.

And with those words coming from the lady mayor, all we can say is, eh, di…wow, ehek, bow!