Home>Editorial>Opinion>Ang Pulang Krus sagisag ng saklolo at pag-asa

Ang Pulang Krus sagisag ng saklolo at pag-asa

ANG kauna-unahang Nobel Peace Prize ay ipinagkaloob noon 1901 kay Henry Dunant, isang Swisong negosyante, dahil sa pagkakatatag ng Red Cross na tinaguring pinakamataas na makataong bagay na nakamtan sa ika 19 na siglo.

Ang Red Cross ay nagsimula sa isang kilusan noon 1863 pagkaraan malimbag ang sinulat na aklat ni Dunant na pinamagatang “Mga alal-ala ng Solferino” na naglahad ng kanyang nasaksihan sa digmaan na naganap sa maliit na nayon ng Solferino sa hilagang rehiyon ng Italya. Dito naglaban ang mga hukbo ng Franco-Sardinia at ng Austria noon 1859. Mahigit 40,000 tao ang nasawi, nasugatan o hindi na matagpuan. Ang magkabilang panigat mga residente ng rehiyon ay walang kakayahan at mgagamit upang harapin ang kalunos-lunos na katayuan ng mga sugatang sundalo at sibilyan na naipit sa digmaan. ( www.history.com)

Dahil sa aklat ni Dunant, nabuo ang isang komite na may limang taong kasapi, (kabilang si Dunant) upang magbalangkas ng isang plano para sa pambansang asosasyon na maghahatid ng saklolo medikal sa panahon ng digmaan. Ito ay tinawag na International Committee of the Red Cross. Ang simbulong pinili nila ay isang pulang krus na may puti na duyo o likuran. Ito ay kabaligtaran ng bandila ng Switzerland na may puti na krus sa pulang dulo. Ito ang nakita nilang paraan upang madaling matukoy ng magkabilang panig sa isang digmaan ang mga naghahatid ng saklolong medikal sa mga sugatan sa larangan ng digma.

Hindi nagtagal, 12 bansa ang sumang-ayon sa Geneva Convention noon 1864 na tinatawagan ang lahat ng bansa na magbigay ng makataong pagtrato sa mgasugatang sundalo kahit ano pang panig ito, at sa mga sibilyab na sumasaklolo sa kanila upang magbigay ngsuportang medikal.

Nalaman ito ni Clara Barton, isang Amerikana na malaki ang naging papel sa US Civil War ng 1861. Pag–uwi niya mula sa Europa, inumpisahan niyang mangampanya upang ang Estados Unidos ay sumang-ayon din sa Geneva Convention ng 1864. Nangyari ang pagsang-ayon ng Amerika noon 1882. Dahil dito, nabuo ang American Red Cross noon 1898 at una silang nakitang kumilos sa Spanish –American War. Umabot din sila sa Pilipinas noon 1917.

Ang Red Cross ay aktibo rin noon World War I and II, Korean War , at Vietnam War.

Noon 1941 nilunsad ng American Red Cross ang National Blood Donation Program upang makakolekta ng dugo para sa mga sundalo. Pagdating ng 1945 mahigit 13 milyon “pint” ng dugo ang nakuha nila mula sa mga sibilyan na naghandog ng dugo.

Dahil sa tagumpay ng programa, pinalawak ito noon 1948 ng American Red Cross upang pati mga sibilyanay makinabang din sa programa. Naitala noon 2017 na 40% ng kailangang dugo sa Amerika ay nagmula sa programa ng American Red Cross. Aktibo rin ang organisasyon noon Hurricane Katrina na nagwasak ng New Orleans at marami pang lugar sa Florida at Lousiana.

Samantala, ang Philippine National Red Cross (PNRC) ay nilikha ng RA 95 noon Marso 22, 1947, pagkaraan ng WWII. Ang Pangulo ng Pilipinas ang Honorary President ng organisasyon at mayroon itong liderato na tinatawag na Board of Governors. Inamyendahan ang batas na ito ng RA 885 na nagdagdag ng miyembro ng Board of Governors. Sinusugan pa itong RA 6373 na nagbigay ng mga tax incentives at PD 1264 na nagbigay ng tax exemption sa mga inaangkat nagamit medikal ng PNRC.

Ang mga batas na sinabi ko ay pinalitan ng RA 10072 o Philippine Red Cross(PRC) Act of 2009. Ito angnagsisilbing charter ng PRC.

Nananatiling Honorary President ng PRC ang Pangulo ng Pilipinas. Dahil sa RA 10072, ang PRC ay isa na ngayong indipendiyente at may kasarinlan na non-government at ang pangunahing layunin nito ay tulungan ang Pamahalaanng Pilipinas sa humanitarian field at makatupad sa Geneva Convention at International Red Cross at Red Crescent Movements. Ang PRC ay miyembro rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Hindi lang sa pagkuha at paghahatid ng dugo nakatutok ang PRC. Pati sa pagsaklolo sa mga biktimang lindol, bagyo, sunog, at iba pang kalamidad, digmaan at pandemic ay nakakatulong din sila. Nagbigay saklolo ang PRC sa mga biktima ng malakas na lindol noon July 16, 1990 sa Baguio at Metro Manila, ng pumutok ang Bulkan Pinatubo ng 1991, sa bagyong Ondoy at Habagat at Yolanda, at pati na rin sa labanan sa Marawi.

Ang PRC ay naniningil ng P1.1 bilyon sa Philhealth dahil sa serbisyong ipinagkaloob ng PRC sa COVID-19 testing. Makatwiran lang na mabayaran sila upan makabili ng bagong gamit at mga medical supplies at testing kits sapagkat hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic. Ang diwa ng PRC at ang reputasyon at pangalan ng organisasyon na pinundar nila Henry Dunant at Clara Barton ay nakasulat sa dugong dumanak sa digmaan. Sumasagi sa isipan ko tuwing nakikita koang bandila ng Pulang Krus ang hinahatid nitong maginhawang pakiramdam ng mga nasa bingit ng kamatayan. Nagbibigay ito ng ibayong pag-asa sa mga sundalong sugatan at sa mga biktima ng sakuna at kalamidad at sa mga nakaratay sa banig ng karamdaman. Hindi ito sagisag ng usurerong naniningil ng pautang na pera .