Home>Editorial>Opinion>Anti-corruption sa BoC, pinaigting pa ni Guerrero

Anti-corruption sa BoC, pinaigting pa ni Guerrero

Huli na naman sa Bureau of Customs (BoC) sa NAIA ang tangkang pagpasok sa bansa ng mga buhay na “tarantula.

Ang mga tarantula ay nakatago sa gomang sapatos na nakita sa DHL warehouse.

Sinabi ni BoC-NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan na ang parcel ay nanggaling ng Poland na ipinadala ng isang Michal Krolicki, ang parcel ay naka-consign sa isang taga-General Trias, Cavite.

Ang mga tarantula ay nakapaloob sa mga plastic vial.

Kaagad na isinalin sa pangangalaga ng DENR ang mga nakumpiskang gagamba.

Ang mga tarantula ay kabilang sa endangered wildlife species.

***

Mula nang malagay sa puwesto si Commmissioner Rey Leonardo Guerrero sa aduana ay isa ang paglaban sa katiwalian at korapsyon ang focus ng kanyang administrasyon.

Sa totoo lang, kaya siya pinili ni Pangulong Rody Duterte na pumalit kay dating BoC Chief Sid Lapeña ay naniniwala siya sa kakayahan ni Guerrero na linisin ang aduana.

Pero talagang mahirap ang misyon ni Guerrero.

Hindi kagaya sa militar, ang “giyera” sa aduana ay hindi baril ang armas ng mga kalaban.

Pera at impluwensiya ang matinding kalaban ni Commissioner Guerrero.

Ganun pa man, hindi nagpasindak si Guerrero sa mga kalaban.

Kagaya ng utos ni Pangulong Duterte, higit pang pinaigting ni Guerrero ang anti-corruption drive sa aduana.

Mula Enero 2019 hanggang Oktubre 26, 2020 ay 228 personnel ng BoC ang nabigyan ng show-cause orders.

Sa mga na-isyuhan ng show-cause orders, 135 ang inimbestigahan ng CIIS, 45 ang sinampahan ng administrative cases sa BoC-Legal Service.

Pito naman ang nakasuhan ng kriminal sa DoJ, 157 sa Ombudsman at 28 sa NBI.

In fairness kay Guerrero, determinado ang liderato ng BoC na linisin ang aduana,

Ang problema lang,kailangang dumaan sa due process ang pagsipa, pag-suspend o pag-reprimand sa isang empleyado.

Tama naman dahil nasa ilalim tayo ng demokrasya.

Hindi ba, Senador Bong Go?

***

Inaprobahan kamakailan ng World Bank ang isang loan para sa modernization project ng Bureau of Customs.

Ang loan ay nagkakahalaga ng US$88.28 million.

Ang proyekto ay alinsunod sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang CMTA ay nag-aatas sa BoC na gamitin ang Information and Communication (ICT) para mapaganda ang customs administration sa bansa.

Layon ng modernization program na mabawasan ang transaction costs at ma-enhance ang “transparency of the clearance process at the country’s borders.

Sinabi ni Ndiame Diop, WB country director for Brunei, Malaysia, Thailand and the Philippines, na “improved efficiency at the Bureau of Customs will further reduce trade costs and enhance the country’s competitiveness.

Mababawasan din ang tinatawag na face-to-face interactions sa aduana.

***

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag i mag-trxt sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight