Anti-Marcos movement sa Cebu, bigo!

November 29, 2018

BUTATA ang anti-Marcos groups sa binalak na protesta sa pagdalo ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa convention ng Philippine Councilors’ League (PCL) sa Cebu City kamakalawa.

Sa natanggap nating impormasyon, nagtawag ang isang kumag na nilalang na nagpapanggap na ‘aktibista’ lang at nanghikayat sa mga student leaders para maglunsad ng  ‘black protest’ na  sasalubong sa gobernador sa taunang convention ng PCL sa lungsod.

HIndi ko na babanggitin kung sino ang nasabing kumag dahil baka sumikat pa.

Pero ang catch dito, bigo as in capital BIGO ang plinano nitong magsabotahe sa kombensiyon ng mga konsehal sa buong Metro Cebu. Aabot sa 500 konsehal mula sa Metro Cebu ang miyembro ng PCL.

Bagaman hindi ito pinansin ng mga konsehal, nagpahayag naman ng matinding pagkadismaya ang ilan sa kanila dahil hindi dapat gamitin ng sinuman ang kanilang convention para lamang manira ng isang kandidato na pinili nilang imbitahan upang maging ‘guest speaker.’

Nagmukha namang katawa-tawa ang ilang anti-Marcos sa Cebu dahil ang sinasabi nilang ‘black protest’ laban kay Imee ay hindi nangyari sa Cebu.

Binaligtad ito ng mga residente sa Bgy. Tisa kung saan karamihan sa kanila ay nakasuot ng kulay pula bilang pagpapakita ng suporta sa kandidatura ni Marcos na tumatakbo ngayon sa pagka-senador.

Bukod sa PCL, naanyayahan ding magsalita si Imee sa Bgy. Tisa, pangalawa sa may pinakamalaking barangay sa Cebu City bilang pagkilala na rin sa selebrasyon ng kaarawan ni Punong Barangay Philipp Zafra.

Kasama si Cebu City Councilor Eric Espina, mainit na sinalubong si Imee ng mahigit 2,000 residente ng Bgy. Tisa na nagtiyagang nag-antay at masayang nagpa-picture sa gobernadora sa La Paloma Complex.

Nakisaya rin sa kanila ang Veterans Federation of the Philippines-Cebu chapter na nagpahayag na  manang-mana ni Gov. Imee ang katalinuhan at kagalingan ng amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Samantala, naglabas ng pahayag ang Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Gawa Incorported group laban sa iilang bilang na anti-Marcos na maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng Cebu. Sa halip aniya na gumawa ng mga bagay na magdudulot ng pagkakahati-hati ng kasalukuyang henerasyon.

Ang Isang Bansa Isang Diwa Isang Gawa, Inc., ay SEC-registered organization na pinamumunuan ni Alter Sarausad Aricayos na nagsabing hindi magdudulot ng magandang bagay sa mga Cebuano ang protesta at sa halip ay malaking abala lamang ito sa isinasagawang convention.

Ani Aricayos, ang mga nakaraang isyu ay hindi dapat gawing hadlang sa pag-unlad ng bansa -- lalo na sa Cebu.

Sa ganang akin, natumbok ni Arter ang pahayag sa pagsasabing dapat maghanap na lamang ng kapaki-pakinabang na trabaho ang mga militante sa halip na magsilbing organizers ng mga rally at protesta na nambibiktima lamang ng mga inosenteng sibilyan.

Malakas din ang ugung-ugong sa Cebu na ang mga organizer na nasa likod nito ay ‘bayaran’ ng mga pulitikong may galit sa pamilya Marcos.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng PCL sa Waterfront Lahug Hotel, sinabi ni senatorial candidate Marcos na malaking tulong ang mga konsehal sa pag-unlad ng bansa.

Bilang isang local executive sa Ilocos Norte, napapanahon aniyang magkaisa ang lahat upang bumalangkas ng magandang programa tulad sa trapik, imprastraktura, krimen, negosyong pang-agraryo at marami pang iba.

Kaugnay nito, gusto kong batiin ang mga opisyales at miyembro ng PCL dahil sa matagumpay nilang kombensiyon.

Ang mga opisyales nito ay sina: Earl Tidy Oyas –president Richard Francis ‘Choy’ Aznar, vice-president Nenita Ceniza-Layese, secretary;Irving Gamallo, tresurer;Joel Gerona, PRO; at Erwin Gica, business manager; Board of directors: Roger Montesclaros, Napoleon Enrique Teves, Samuel Moralde, Leo Dolino, Manuel Santiago, Proculogenus Navarros, Jephthah Yapha, Emelita Gabito, Joannes Alegado, Edmund Lao, Jose Brainard Mayol, Rodolfo Cabigas, Marianito Bugtai at Nelson Abenido

Ang kanilang consultant ay sina Jeffrey Anthony Yapha at Neal Vergara.

Mabuhay ang PCL at mabuhay po ang mga kababayan nating Cebuano!