Home>Editorial>Opinion>ASF, perhuwisyo!

ASF, perhuwisyo!

PERHUWISYO talaga ang dulot ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Maraming naluging nag-aalaga ng baboy.

Ang masakit, biglang tumaas ang presyo ng baboy sa merkado na ikinagalit ng taumbayan.

Kaya nga para hindi na kumalat pa ang ASF at iba pang sakit ay lalong naghigpit ang Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayaw ni NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan na may makalusot na karne ng baboy at meat products galing sa mga bansang may ASF.

Ang utos nga ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero ay maging alerto ang mga taga-BoC laban sa mga gustong magpalusot ng kontrabando.

Noong nakaraang buwan ay nakasamsam ang BoC ng 18 kilong karne ng baboy at 42.2 kilo ng karne ng baka.

Ang mga karneng ito ay walang sanitary and phytosanitary clearance.

Ang mga karne ay dala ng tatlong pasahero na galing Estados Unidos at Saudi Arabia.

Good job, Ma’am Mimel!

***

Isang semi-virtual conference ang ginanap ng BoC noong Pebrero 4 sa 0com conference room sa Port of Manila (POM).

Ang pulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng super green lane (SGL).

Ang mga dumalo ay kinabibilangan nina Cris John Garcia ng Mondelez Philippines, Ian Bontuyan ng Ecossential Foods Corp. at L. Cinco ng Hewlett Packard at iba pang miyembro ng SGL.

Ang meeting ay nagsilbing venue para iparating ng mga taga-SGL ang kanilang mga concern sa pamunuan ng BoC.

Ang mga problema ng SGL ay kinabibilangan ng port congestion.

Ang pagsisikip ng mga kargamento sa pantalan ay malaking sakit ng ulo ng mga importer at broker.

Maliban sa abala, dagdag gastos ito at kung minsan ay nawawalan ng kliyente ang mga importer at broker kapag naaantala ang paglabas ng mga kargamento.

Pero nagpasalamat pa rin si Garcia dahil ina-address naman ng BoC ang kanilang mga problema.

Sinang-ayunan ito ni SGL Vice President Donel Transporto.

Sinabi naman ni BoC Chief Rey Guerrero na malaking papel ang ginagampanan ng SGL sa pagbangon ng ekonomiya.

Kaya naman ginagawa ng gobyerno ang lahat ng magagawa para matulungan ang mga importer at broker.

Sila kasi ang nagbabayad ng buwis, taripa at iba pang charges sa BoC.

***

Sa Port of Legazpi naman ay nag-conduct ang BoC ng isang seminar on the use of the agency’s portal systems.

Gusto ng ahensya na maging bihasa ang kanilang mga tauhan sa paggamit ng mga “wonders” ng makabagong technolohiya.

Ayon kay District Collector Arsenia Ilagan, dapat “knowlegeable” ang kanyang mga tauhan sa paggamit ng iba’t ibang portals.

Mahalaga ito para makapag-deliver sila ng “efficient public service.

Sa seminar, inisa-isa naman nina Michelle Ann Mamaid at John Matias ang mga ins and outs sa paggamit ng mga programa ng BoC.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight