Attention IATF: Killer facemask

NASITA ako ng nagpapatrol na pulis noong minsang nagdiya-jogging ako nang walang suot na facemask.

Kailangan daw naka-facemask pa rin kahit na nag-eehersisyo. Nang mga sumunod na araw, naka-facemask na ako kapag tumatakbo.

Pero may mga oras na inaalis ko dahil mahirap huminga habang tumatakbo  or mag-breast walking nang naka-facemask.

Nang mag-relax ng quarantine policy ang gobyerno, pinayagan na ang jogging or walking pero may kondisyon, dapat naka-facemask pa rin. Dito ngayon papasok ang pagpapalabas ng polisiya nang walang tamang pag-aaral.

Hindi naman natin masisi si Spox Harry Roque sa sinabi niyang ito dahil tiyak na ang policy na ito ay hinugot sa task force consensus batay na rin sa opinion ng mga health experts na bahagi ng IATF.

Ngayon may mga naglabasan na wolrdwide death dahil sa pagsusuot ng facemask habang tumatakbo at nagmamaneho, mukhang kailangang bumalik sa drawing board ang task force sa kanilang polisiyang ito.

Ito ang sinasabi kong dapat nag-iingat tayo sa paglalabas ng mga policy, lalo na sa mga panahong masunurin ang mga tao dahil sa virus scare. Marami akong nakakasabay sa jogging at walking na naka-facemask. May mga nakikita rin tayong driver ng pribado at publiko na nakamaskara.

Puwede lang pala mag-facemask kung nagmamaneho ka na hindi airconditioned ang gamit mong sasakyan dahil maayos ang sirkulasyon ng hangin. Kapag enclosed at aircon vehicle, big no-no pala magmaneho na nakamaskara.

Sa jogging, hindi pala dapat naka-facemask dahil una, hindi ka makahinga nang maayos, pangalawa, iyong inilalabas mong carbon dioxide mula sa iyong hininga (exhale) ay iyon din ang nahihigop (inhale) mong hangin na delikado sa baga.

Naging sanhi ng pagkahilo, paglabo ng paningin hanggang himatayin ang taong naka-facemask habang nasa workout or driving sa aircondition vehicles. Iyong dalawang bata na namatay sa China ay nasa P.E. class nang mamatay.

Hindi naman tayo dapat overacting sa polisiyang pagsusuot ng facemask, lalo na kung mag-isa ka lang namang nasa walking or jogging. Kapag ang distansiya ng kasabayan mong nasa jogging area ay 50 to 100 meters, hindi naman siguro kailangang nakamaskara ka pa.

Ngayong nasa ilalim na ng GCQ ang NCR at ang malaking bahagi ng Luzon, kailangang linawin ng task force ang facemask policy na ito dahil maraming kababayan tayo ang mapapahamak.

Totoong kailangan nating mag-ingat at sumunod sa tamang distansiya. Kailangan pa rin nating magsuot ng facemask kung nasa crowded area pero kung mag-isa ka lang, dapat siguro puwede namang hindi nakamaskara. Hindi naman airborne ang virus kaya sa tingin natin ay huwag masyadong istrikto sa pagsusuot ng facemask.

Lalo na ang mga taong may hika at mga senior citizens, dapat alam din nila na peligroso sa kanila ang facemask kung naglalakad na hihihingal.

Paging IATF, baka puwede nyo ulit itong pag-aralan bago maging sanhi ng kamatayan ng ating mga kababayan?

allanpunglo@gmail.com