Home>Editorial>Opinion>Attention President Rody Duterte, may mga “piranha” sa Port Capinpin!

Attention President Rody Duterte, may mga “piranha” sa Port Capinpin!

NAGKAKAPROBLEMA ang pagsisikap ng gobyerno na paluwagin ang Port ng Manila sa pamamagitan ng paglilipat ng mga barko sa ibang mga daungan.

Sa tulong ng ganitong taktika, made-decongest ang Port of Manila ergo, mababawasan mo rin ang mga foot traffic na galing sa mga daungan, mababawasan mo na rin ang mga trak na posibleng magmula sa mga cargo ships or kahit pa passengers vessels dito sa Manila.

Ang Port Capinpin sa Orion, Bataan ang isang designated area na puwedeng daungan ng mga barko para doon na rin magpalitan ng mga seafarers.

Bilang crew change hub o kung tawagin sa tagalog ay “relyebo”, doon na sa Port Capinpin ginagawa ng palitan dahil sa pakiusap ng gobyerno sa mga marino at mga ship owners.

Bukod sa decongestion ng Port of Manila, bahagi na rin ito ng kampanya ng pamahalaan na mapalakas ang paglaban sa pagkalat ng COVID-9 sa tulong ng maayos na sistema ng crew change. Ito iyong pagbaba ng mga Pinoy seamen na endo na ang kontrata at papalitan naman ng mga bagong grupo ng seafarers na Pinoy din naman.

Ang problema, baka hindi tumagal ang ganitong proseso dahil sa laki ng gastos na kinakarga sa mga ship owners at mga marino sa Port Capinpin mula sa mga charge ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration at Bureau of Quarantine.

Ayon sa ating source, ang combined collection para sa Customs Bonding, Immigration Boarding Inspection, Medical Quarantine, Plant and Animal Quarantine, Fishery Quarantine at iba lang charges mula sa Port Authority ay umaabot lang ng US$500 sa Port of Manila.

Pero sa Port Capinpin, same agency, same process pero ang charge ay US$2,850 o may diperensiyang US$2,350. Anak ng kunehong balbon, ano ba yan, seaports robbery?

Imagine, ang Immigration Stamping sa Port of Manila ay US$200 lang pero sa Port Capinpin ay US$600; Customs Conduction ss Manila ay US$100 pero sa Capinpin ay US$600. Baka kaya mas mahal ang ink sa rubber sa Bataan kasi gawa sa pawis ng pating at ang mga taga-Customs Conduction division naman ay mga blond!

Ang crew changing fees naman sa Port of Capinpin ay aabot sa US$1,500 samantalang sa Manila ay US$800 lang. Bakit may sobrang US$700 sa Bataan? Sinong mga sirena at siyokoy na naman ang nakikinabang dito?

Sa kabuuan, ang proseso sa Port of Manila ay nasa US$14,850 para sa lahat ng binanggit kong serbisyo para ginawang crew change hub operation na ginawa ng gobyerno subalit kapag sa Port Capinpin sila dumaong, aabot sa P20,345. Ibig sabihin, may dagdag na US$5,495 or mahigit P250,000 additional charges.

Para mahikayat ang mga barko na dumaong sa programang ito, ibinaba pa sa 50% ng gobyerno ang anchorage fee mula sa dating US$7,290 charge sa Manila ay ginawang US$3,645. Sa Port Capinpin naman, mula sa US$1,800 anchorage fee, ibinaba na rin sa US$900 ang charge.

Gusto nating makarating kay Pangulong Duterte ang nangyayaring ito sa Port Capinpin para mailunod na niya sa dagat ang mga taong nagpapahirap sa ating mga seafarers at mga ship owners.

Nanawagan tayo sa Pangulo na igapos sa barko ang mga halimaw sa Port Capinpin at palubugin na rin doon para matigil na ang pagsasamantala ng mga piranha na naglalakad sa daungan. allanpungll@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV