‘Bagong Taon, Lumang Estilo pa rin sa pantalan’

January 01, 2019

BAGO ang lahat, mainit na pagbati sa pagpasok ng Bagong Taon! Harinawang higit na puno ng pagpapala mula sa ating Panginoon ang taong ito para sa ating lahat!

Sinserong pakikiisa at simpatiya rin sa ating mga kababayan na sinalanta ng bagyong ‘Usman’ sa huling linggo ng 2018, partikular sa ating mga kababayan sa Bicol, Mimaropa at Kabi-sayaan.

Sa kanya namang mensahe sa atin, ganito ang sinabi ng ating mahal na Pang. Rody:

“We welcome the new year full of hope and optimism. As we herald the start of another year, let us reflect on our storied past and learn from its lessons so that we can face the future with more confidence…

“… Together let us face all obstacles head on, armed with the knowledge and brimming with hope that we can triumph over any struggle that we may face as a nation…”

Sa bukod namang pahayag ni Presidential Spokesman, Atty. Sal Panelo, ‘sakto sa ganang atin ang kanyang obserbasyon na sa katatapos na taong 2018, “nganga” at “napahiya” ang mga kritiko ng administrasyon, ahahay!

***

Na dapat tayong umasa nang mas “makabuluhang taon” ngayon ay makikita natin sa inilabas ding pahayag ni Atty. Panelo sa “kagustuhan” ni Pang. Rody na “magkaroon” ng mas “malalim” subalit “parehas” na imbestigasyon sa ‘torture-slay’ ni Richard ‘Red’ Santillan sa kamay ng mga elemento ng Calabarzon PNP, partikular na sa kamay ng Cainta police.

Sa dami nga kasi ng mga balitang lumalabas araw-araw, hindi nakapagtataka na mistulang “natabunan” na sa mga balita at kahit sa ‘social media’ ang brutal na pagkamatay ni Santillan noong Disyembre 10.

Sa anunsisyo kasing ito ng Palasyo, naniniwala tayong mas “bibilis” na ang paghahanap ng katarungan—at katotohanan kung ano ba talaga ang nangyari—sa karumal-dumal na insidenteng ito.

At siyempre, “kudos” ulit sa PAO, kay Atty. Persida Acosta at Dr. Erwin Erfe, sa kanilang matapang na hakbang na ibulgar ang “totoong nangyari” kay Santillan—tinortyur muna siya bago pinaslang—batay sa kanilang isinagawang ‘autopsy.’

Sapul nang ilabas ng PAO ang kanilang ‘autopsy report,’ aba’y “buhol-buhol” na ang naging paliwanag dito ng Calabarzon PNP, kasama na ang SOCO at sa dakong huli, nanahimik na lang sila, hihihi, ayy, huhuhu!

Kung dapat pang magtagal sa kanyang posisyon at sa serbisyo si Calabarzon regional police director, C/Supt. Edward Carranza dahil sa sinasabi sa atin ng kanyang mga kapwa-opisyal sa serbisyo na, ‘STL’ (story-telling-a-lie) at “pagtatakip” sa kanyang mga tauhan sa isyung ito, ‘yan naman ang dapat nating abangan, kaya… abangan!

***

“Let us reflect on our storied past and learn from its lessons so that we can face the future with more confidence.” Ang linyang ito, dear readers, ang “nagustuhan” natin sa mensahe ni PDU30 sa mga Pilipino para sa taong ito.

Bagaman, hindi natin alam kung may “interes” ba ang ilang mga opisyales ng Aduana na “magmuni-muni” sa mga naging kaganapan sa kanilang ahensiya sa nakaraang taon?

‘To be fair,’ dear readers, “saksi” tayo sa nakita nating “pagsisikap” ni Comm. Sid Lapeña na totohanang maglunsad ng mga reporma sa ahensiya nang maupo siyang “bosing” noong 2017, dahil sa eskandalo ng ‘drug smuggling’ sa termino ng kanyang pinalitan, si Comm. Nicanor Faeldon.

‘Yun nga lang, hindi ba, dear readers? Comm. Sid “did his best but his best was not enough,” ayon pa nga sa isang kanta at sa dakong huli, “nabiktima” pa rin siya ng isang “sindikato” ng iligal na droga kung saan ang isa sa mga “utak” ay itong si CIIS agent, Jimmy Guban kaya, “tsugi” rin sa puwesto si Comm. Sid nitong Oktubre.

“Isa” lang din ang nakikita nating dahilan, dear readers, kung bakit sa dakong huli ay “nakanal” pa rin si Comm. Sid—may mga opisyales talaga kasi sa BoC, partikular na d’yan sa CIIS, na ayaw na talagang magbago, ayaw “magmuni” at “humango ng aral sa nakaraang” at “nagpipilit” na “kumapit” sa kanilang mga masasagwang “estilo” kahit pulos na lang ‘disaster and scandal’ ang idinulot ng mga ito sa Aduana.

Wala tayong bilib dito kay Guban, hindi ba, alias ‘JT’ (ikaw pa rin ba ang “kubrador” ng mga korap d’yan sa CIIS, hehehe).

Subalit hindi malayo sa katotohanan, Sen. Dick Gordon, ang sinabi sa mga pagdinig mo sa Senado nitong si Guban na kaya “ayaw” niyang makipag-usap sa kanyang “bosing” sa CIIS hinggil sa ilang ‘intel operation’ ay dahil pulos “kuwentahan” lang ng “tara” ang kanilang usapan, ano sa tingin mo, Sen. Dick, hehehe!

‘To the credit’ naman ng pumalit kay Comm. Sid, si Comm. Jagger Guerrero, “nakahanda” pa rin siyang “muling magtiwala” sa mga tauhan at opisyales ng Aduana, bagaman nga “mulat”siya sa katotohanan na karamihan sa mga “nagpapakitang gilas” ngayon sa kanya ay pulos ‘colorful’ din naman ang mga ‘career’ sa ahensiya.

At ang kanyang “balik-tiwala program” ang sinasabi sa atin ng mga miron na “talagang dahilan” kung bakit “nakabawi” sa koleksyon ang BoC noong 2018 at “nalampasan” pa nga ng higit P661 milyon ang ‘assigned target’ nito.

At siyempre, hindi rin naman “mapipisil” ni PDU30 bilang ‘AFP chief of staff’ si Comm. Jagger kung hindi siya bilib sa talino at galing ng opisyal na ito, hindi ba, mga kabayan?

Kaya naniniwala tayong “bistado” na rin ni Comm. Jagger ang “lumang estilo” ng ilang mga operatiba d’yan sa CIIS na gamitin ang “werpa” ng kanilang tanggapan pabor sa interes ng ilang mga “kaibigan” nila sa mga may “negosyo” sa pantalan.

‘Yun bang… ‘ipapa-hold’ ang isang kargamento dahil lang sa ‘derogatory info’ kahit alam nilang “perwisyo” lang ang ibubunga ng kanilang ginawa sa “napag-initan” na kargamento.

Ang resulta? “Iiyak” sa libu-libong dagdag na bayarin sa ‘storage,’ ‘delivery’ at “demurahe” ang “biktima,” aguy,aguy,aguy!

Translation? Habang “umiiyak” ang “napag-tripan” ng CIIS, “tuwang-tuwa” naman sila dahil hindi rin malayo sa katotohanan na “kumita” pa sila mula sa ‘incentive’ galing naman sa kanilang “kliyente,” ahahay!

Oh yes, Comm. Jagger. Bagong Taon na nga pero ang ilang operatiba mo, “lumang estilo” pa rin hanggang ngayon. Talagan rin naman!