Baka mawala ang tiwala kina Comm Guerrero, Depcom Ramiro

September 29, 2019

NAMAMANDHID na ang mga daliri natin sa pagsusulat kaugnay ng mga sumbong at reklamong tinatanggap natin sa sabwatan ng mga “pinagpalang broker” at mga tiwaling taga-Bureau of Customs (BoC).Hanggang ngayon kasi ay namamayagpag pa rin ang mga tulisang broker.

Kabilang na dito ang mga broker na dating gamit ni alias Kimberly,  at ng tinaguriang “Davao group.”  

Ito ang mga broker na masyadong garapal ang trabaho.

Walang kalaban-laban ang maliliit at walang kapit na mga broker kundi magtiis.

Dahil walang padrino, sobra-sobra kung singilin ng buwis para sa kanilang mga import.

Wala na sa lugar ang paniningil sa mga small-time broker.

Samantalang napakaliit ng binabayarang buwis ng mga “pinagpalang broker” dahil “undervalued” at “underweight” ang kanilang mga  kargamento.

Kopo ng mga “VIP” broker na ito ang lahat ng malalaking trabaho sa Aduana.

Ang masakit pa nito, patuloy nilang sinusulot ang trabaho ng mga walang kapit na broker.

Kasabwat ang ilang matataas na opisyal ng cutoms, tuloy -tuloy ang ligaya ng nga ganid.

Kaya ang tingin ng mga maliliit na broker ay mas kasuka-suka ang mga nangyayari ngayon sa BoC.

Ang lalakas ng loob ng ilang opisyal na protektahan ang mga ismagler.

Parang hindi iniintindi ang kampanya ni Pangulong Rody Duterte at Finance Secretary  Carlos Dominguez  laban sa ismagling at korapsyon.

Eh, mukhang mas malala pa ngayon ang nangyayari diyan sa bakuran ng BoC dahil kayang kaya nilang gawin ngayon ang palusutan ng walang takot.

Ang mahirap baka mawala ang tiwala ng mga stakeholder  kina Comm Rey Guerrero at DepCom Raniel Ramiro.

Tingin kasi nila, kayang kaya silang paikutan ng kanilang “trusted lieutenants.”

Comm. Jagger at Depcom Ramiro, paki check niyo nga kung totoong undervalue, underweight at hindi nagbayad ng safeguard duty ang mga ito:

1. Subic-c11072 10x20 abegail gruta yumang sec10 mnl traders corp/unglazed tiles 166,667 sTAX 200000kg

2. Subic-c11147 10x20 abegail gruta yumang sec10 mnl traders corp/unglazed tiles 166,667 s09 egp0035-19 200000kg

3. Subic-c11071 12x20 abegail gruta yumang sec10 mnl traders corp/unglazed tiles 199,849 s09 egp0035-19 240000kg

4. Subic-c11146 12x20 abegail gruta yumang sec10 mnl traders corp/unglazed tiles 199,849 s09 egp0035-19 240000kg.

Iyan po kasi ay base sa mga dokumentong ipinakita sa atin.

Abangan!

***

Sa dami ng sumusulpot na sakit, kailangang bigyan ng sapat na pondo ang Department of Health (DoH).

Dapat hindi nawawalan ng supply ng gamot, bitamina at iba pang medical supplies ang mga barangay at city/municipal health centers.

Marami kasi sa mga nagkakasakit, lalo na sa kanayunan, ay mga mahihirap.

Hindi nila kayang magpagamot  sa mga pribadong doktor at ospital.

Pero kailangang siguruhin na sa mga mahihirap na may sakit mapupunta ang mga gamot.

Hindi kasi nawawala ang palakasan sa kanayunan.

Kailangang i-monitor na maige kung saan napupunta ang mga gamot sa mga public health center.

Dapat nga gawing heinous crime ang palakasan sa pamimigay ng government medicines.

Para kasing pinapatay mo na ang mahirap na ‘di mo binibigyan ng gamot.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)