Bastardo si Mayor

October 21, 2019

KUNG makaporma si alkalde, hindi mo aakalain na produkto siya ng isang pagkakasala.

Malaki na ang iniyabang ni mayor ng isang lugar sa Metro Manila magmula nang nakatsamba. Noong kakandidato pa lamang ito, parang maamong tupa na lumuluhod sa mga taong hinihingian niya ng tulong. Pero ngayon, parang may nakaipit na pakwan sa kili-kili si mayor dahil sa kayabangan.

Sa isang banda, walang dapat ipagmalaki si alkalde dahil ang balita natin, hindi naman pala siya anak ng kanyang tatay na ipinapakilala niya. Ang totoo, mas dapat siyang magpakumbaba dahil sa naging sitwasyon ng kanyang pagsilang.

Si alkalde ay hindi anak ng kanyang  nanay at tatay na alam nating lahat. Ayon sa ating source, anak si mayor ng ibang tatay dahil ang kanyang nanay na pinalayas sa kanilang tahanan ay nagkaroon ng relasyon sa ibang lalaki.

Kaya pala sa lahat ng dokumento ni mayor, ang nakalagay lamang ay pangalan ng pekeng tatay niya at wala ang nanay. Maging ang mga PDS o personal data sheet ng kanyang tatay ay wala rin ang pangalan ng nanay ni alkalde.

Sinabi ng ating source na binura na sa family tree ang nanay ng alkalde dahil nga sumakabilang bahay ito at nabuntis ng ibang lalaki.

Ang tanong ngayon, sino kaya ang tatay ni mayor? Ang kanila kayang family driver o hardinero o ang kanilang boy?

Isa ito sa madilim na kasaysayan ng buhay ni mayor na dapat maging armas niya para maging mapagpakumbaba.

Wala tayong anumang masamang tinapay sa mga anak sa labas dahil nakasaad naman sa ating family code na pantay na ang karapatan ng lahat,  bastardo man o hindi. Marami tayong kaibigan na anak sa labas pero mababait naman at hindi hambog na katulad ni alkalde.

Minsan nga, mas mabubuting tao pa ang mga anak sa labas kaysa sa mga “anak sa loob.”

Ang hinahanap lamang natin ay ang pagiging humble ng isang bastardong alkalde na kung umasta ngayon ay hindi mo aakalaing inampon ng kanyang tatay sa kabila ng pagtataksil ng kanyang nanay.

Sumasaludo tayo sa tatay ni alkalde dahil hindi siya idinamay sa galit sa kanyang nanay.

Clue, lumingon kayo sa paligid nyo baka nakakasalubong o nakikita nyo sa mga okasyon nyo si mayor dahil pakalat-kalat lang naman siya sa lugar nila.
allanpunglo@gmail.com