‘Bayan Muna,’ hindi ‘Bayad Muna’

SA pinakahuling resulta ng ‘survey’ ng Pulse Asia para sa Senado na nabasa natin kahapon, “malinaw” ang ibinibigay nitong “mensahe” sa lahat, partikular na sa hanay ng mga kurimaw, agh, mga kritiko, ng administrasyong Dutere -- “wa epek” sa ating mga kababayan ang kanilang walang humpay na mga batikos at paninirang-puri sa ating pangulo at sa mga kandidatong sumusuporta sa kanyang mga programa.

Kung papansinin pa nga, dalawa na lang sa grupong ‘Dilawan’ -- Bam Aquino at Mar Roxas -- ang may “posibilidad” na manalo sa darating na halalan.

Bagaman nga patuloy na “bumabagsak” ang tsansa nitong si ‘Mr. Palengke,’ batay na rin sa ulat ng kanilang sariling ‘media network’ na ABS-CBN (Mar slips in Pulse Asia survey; 2 more Hugpong bets in ‘Magic 12;’ Jamaine Punzalan, ABS-CBN News; Posted at Apr 11 2019 11:07 AM), kaya… sige lang, Mar, ‘push’ mo pa, hahaha!

Na ‘better luck next time’ ang “pagpupunyagi” ng mga kaaway na ito ng sambayanan na wasakin ang Digong administration ay makikita rin sa nabanggit na ulat, dear readers.

Pansinin na ipinunto pa mismo nitong official media outlet ng mga Dilawan na isinagawa ang Pulse Asia survey (sa pagitan ng Pebrero 24 hanggang Pebrero 28) sa panahong “ginigiba” ang kredibilidad ni PDU30 ng pekeng ‘Narcovideo’ at ang pagsasampa ng reklamo sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese president Xi Jin Ping.

Sa ganang atin, mukhang “nakatimbre” sa mga kaaway ng pamahalaan ang naturang survey ng Pulse Asia kaya sa panahon ding ito nila “pinaigting” ang kanilang kampanya?

‘Yun nga lang, sa lumabas na resulta, malinaw na “nauwi sa wala” ang lahat kaya… ‘try and try until you become successful,’ hihihi!

Sa nasabi pa ring survey, makikita na kung “umaakyat” na ang ‘ratings’ ng mga katulad ni ex-Chief PNP Bato dela Rosa at Jinggoy Estrada, aba’y “nagtatampisaw” pa rin sa “balon ng kahihiyan” -- dahil nasa “buntot” pa rin sila -- ang iba pang mga kritiko ng pamahalaan katulad nitong sina Gary Alejano at Neri Colmenares.

Kumbaga, malinaw na hindi bilib sa kanilang mismong kredibilidad ang ating mga kababayan sa kanilang bersyon ng “patriotismo” na nakabatay sa paninirang-puri at pagkakalat ng kasinungalingan laban sa China at sa magandang relasyon natin dito.

Dangan nga kasi, paano mo nga ba paniniwalaan na ‘genuine patriots’ ang mga ganitong kandidato na walang alam “banatan” kung hindi ang China -- subalit tahimik naman sa patuloy na pagsasamantala sa atin ng Imperyalismong US, Japan at iba pang mga Kanluraning bansa, aber?

Pansinin pa rin sa bukod na ‘survey’ naman ng Social Weather Station (SWS), malinaw na nagiging ‘irrelevant’ na sa ating mga kababayan itong mga kalaban ng gobyerno dahil sa resulta ng SWS survey, “umangat” pa nga ang ‘satisfaction/trust rating’ ni PDU30 sa unang 3 buwan ng 2019!

Pansinin pa rin mga kababayan, na ang SWS survey ay ginawa rin (Marso 28 hanggang Marso 31) sa panahong wala nang sinabing maganda -- bagkus “nag-iimbento” pa nga ng mga isyu -- ang mga kalaban ng gobyerno laban kay PDU30!

At dahil masasabing “pulso ng bayan” ang resulta ng Pulse Asia at SWS surveys, isa lang ang ating mensahe sa mga kaaway ng pamahalaan -- ”mahismasmasan” na kayo, mga bosing!

Walang “pupuntahan” at “sayang” lang ang inyong mga panahon at laway sa mga plano at pakana ninyong pulos “anti-mamamayan,” okey?

Kung totoong “mahal” ninyo ang ating bayan, aba’y bakit hindi na lang kayo makipagtulungan sa ating pamahalaan, aber?

Isantabi muna ang pulitika. Bayan muna, huwag palaging Bayad Muna, please!!!

* * *

Kung may isang bagay tayong ikinalulungkot sa huling survey ng Pulse Asia, mga kabayan, ay ang napansin din natin na ang mga kandidatong may totoong pagmamahal sa bayan at platapormang kailangan ng bansa ay kasama sa mga nasa “bungkot” ng listahan.

Partikular na dito ang mga kandidato ng KDP (Katipunan ng Demokratikong Pilipino) -- Glenn Chong, Butch Valdez, Larry Gadon, Toti Casiño, RJ Javellana at Lady Ann Sahidula at pati na rin ang ating kababayan na si Jiggy Manicad at ex-DILG Secretary Raffy Alunan.

Sa ganang atin, ang ganitong sitwasyon ay pagpapakita lang ng ating patuloy na ‘political immaturity’ bilang mga botante dahil patuloy tayong nakasentro sa pulitika ng personalidad, popularidad at ‘guns, goons and gold.’

Translation? “Tuwang-tuwa” sa resulta ng Pulse Asia survey ang mga “oligarkiya,” ang mga “elitista” at ang buong “naghaharing-uri” dahil pulos mga “tuta” nila at mga protektor ng kanilang interes ang muling nakatitiyak ng panalo ngayong halalan, yeheyy, ayy, huhuhu!