Home>Editorial>Opinion>‘Bayanihan 3’ “sure” sa Kamara at bakit naman, Comm. Jagger?

‘Bayanihan 3’ “sure” sa Kamara at bakit naman, Comm. Jagger?

MAGANDANG balita ngayong “pinahihihirapan” pa rin tayo ng COVID-19:

Tiniyak” ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na aaprubahan ng kanyang komite ang panibagong bugso ng ayuda sa mga Pinoy sa ilalim ng ‘Bayanihan 3.

Ang pagtitiyak ni Cong. Eric ay kasunod naman ng naging pahayag ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, na posibleng ngayon o sa susunod na linggo ay pagtitibayin na sa joint hearing ng House Committee on Appropriations at House Committee on Economic Affairs ang panukalang Bayanihan 3 Law.

Ayon kay Yap na representante ng ‘ACT-CIS partylist,’ gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para mabilisang maaprubahan ang panukala.

Alam kasi at kinikilala ni Cong. Eric na “kailangang-kailangan” ng mga Pilipino ang ayuda, lalo na para sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.

Babalik sa kanilang sesyon ang Kongreso sa Mayo 17 at ayon naman kay Cong. Joey, “nakahanda” na rin ang Bayanihan 3 para sa pagtalakay sa plenaryo.

Nalaman pa natin na noong nakalipas na Biyernes, kahit ‘holidy,’ nagpulong ang ilang lider ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco kasama ang mga economic managers, upang talakayin ang bagong COVID-19 response ng gobyerno at mga hakbang para mapondohan ang Bayanihan 3, na sa bersyon sa Kamara ay nangangailangan ng P420 bilyon (eh, dapat kasama na ang media dito, hehe).

Pero ang “masakit,” “natapyasan” pala ang panukalang pondo at gagawin na lang itong P370 bilyon (kasama pa rin kaya dito ang media) kung saan ang pondo ay kukunin naman sa mga “nagtatabaan” na mga ‘GOCCs’ (government owned and controlled corporations) at iba pang mga buwis.

At dahil maganda ngang balita ito, mga kabayan, eh, dapat asahan ni Cong. Eric na “nakaantabay” dito ang ating mga kababayan, kaya… abangan!

***

Isa palang empleyado sa Aduana, deputy commissioner for administration, Donato San Juan, ang “muntik” na ulit isugod sa ospital?

Dangan kasi, pagbalik niya sa trabaho ngayong linggo—matapos “pahirapan” ng COVID-19—aba’y ‘SCO’ na agad, BOC spokesman, Atty. Jett Maronilla, ang “sumalubong” sa kanya.

Alam mo na, S-C-O, as in ‘show cause order’ kung saan pinagpapaliwanag ang pobreng ale kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng korapsyon, aguy!

Aber, kung ikaw ba naman ang nabiktima ng COVID at kahit mahina ka pa ay kailangan mo nang bumalik sa trabaho at pagkatapos ganun ang “bubulaga” sa iyo, saan ka kaya dadamputin, tama ba, kasamang Vic Reyes, hehehe!

Nabigyan tayo ng kopya ng SCO na may petsang Abril 6, 2021, at nagulat naman tayo na ang nakapirma at humihingi ng paliwanag ay si… Comm. Jagger Guerrero pa, mismo!

Hmm. Hindi ba puwedeng si DCA San Juan na lang o “iwas-pusoy” siya sa kontrobersiya, hehe!

Sa atin pang “pagtasa,” medyo ‘vague’ ang “tamang-hinalang-sulat” ni Comm. Jagger dahil walang ‘specific accusation’ kaya bukod sa “sinaklot ng takot,” “nagtataka” rin ang suspek, ehek, ang empleyado, kung paano niya sasagutin ang isang bintang na wala namang detalye?

Alam nating ‘reasonable’ at “parehas” na tao si Comm. Jagger na may “malasakit” sa kanyang kapwa.

Pero hindi magandang tingnan na hindi ka na nga natulungan ng mga opisyal na gumaling sa COVID-19, pagbalik mo sa trabaho, posibleng “asunto” pa ang “naghihintay” sa iyo, napakasakit, hindi ba, Kuya Eddie?

At hindi ba may ‘grievance committee’ naman ang unyon ng mga empleyado at ang management? Para ang lahat ng problema at isyu ay dumaan sa tinatawag na ‘due process?’

Abangan din natin ang susunod na kabanata dito, mga kabayan.

Publication Source :    People's Tonight