Home>Editorial>Opinion>BFP Modernization

BFP Modernization

KADA buwan ng Marso idineklara ang Fire Prevention Month dahil sa umpisa ng summer season ay umpisa rin ang pagdami ng insidente ng sunog sanhi ng init ng panahon.

Panahon na naman ng sunog dahil na rin sa matinding init ng panahon kaya’t isinasabay sa pagpasok ng summer season ang selebrasyon ng Fire Prevention Month.

At sa gitna naman ng selebrasyon ng bansa ng Fire Prevention Month ngayong Marso, inaprubahan na ng Senado ang BFP Modernization Bill na inihain nina Senador Bong Go, Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Bong Revilla.

Ipinasa sa 3rd and final reading noong Marso 8 ang Senate Bill 1832 na nagsusulong ng mga pagbabago at modernisasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pamamagitan ng pagpaplakas ng kannilang mandato, pasasaayos ng organisasyon at pagdaragdag ng mga equipment.

Labis ang kirot na nararamdaman ng aking puso sa tuwing nakakakita ako ng mga pamilyang Pilipino na nawawalan ng mahal sa buhay dahil sa mga sakunang gaya ng sunog na maaari namang maiwasan,” saad ni Go.

Panahon na para i-upgrade ang pasilidad at kapabilidad ng Bureau of Fire Protection. Dapat maging mas proactive tayo. Bukod sa pagiging laging handa, dapat rin ay maging informed ang ating mga kababayan kung paano maiiwasan ang ganitong insidente, tulad ng sunog,” dagdag ng senador.

Alinsunod sa panukala, bibigyan ng karagdagang euipment ang BFP para sa fire prevention at suppression, fire investigation, emergency medical at rescue services facilities.

Nakasaad pa sa programa na mandato ng BFP na magsumite sa Departments of the Interior and Local Government at Budget and Management ng revised organization structure para sa Bureau.

Babalangkas din ng bagong training programs at kawalipikasyon at ia-ulgrade din ang programa para sa kanilang mga officers at personnel.

Minamandato rin sa panukala ang pagkakaroon ng fire protection services and rescue hotlines sa bawat local government unit habang bubuuin din ang specialized fire protection services para sa pagresponde sa fire situations, tulad ng chemical fires, high-rise building fires, forest fires, at ship and aircraft fires.

Magkakaroon din ng Search and Rescue Force at Hazardous Materials units gayundin ang fire and arson investigation units sa bawat rehiyon at lungsod habang ang Emergency Medical Services ay ilalagay sa bawat munisipalidad at lungsod.

Bukod sa mga equipment, nakasaad din sa panukala ang pagpapalakas ng awareness sa fire safety kaya’t magkakaroon ng buwanang monthly fire prevention campaigns at information drives.

As I have said numerous times, I will not limit myself to serving as a senator. Bilang public servant, magseserbisyo ako sa Pilipino kahit saan man sila sa mundo para tugunan ang mga suliranin, pakinggan ang mga hinaing, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati,” diin ni Go.

Kahit anumang problema ang kanilang hinaharap — nasunugan, nabahaan o naapektuhan ng pagputok ng bulkan, — handa akong tumulong at maserbisyo sa Pilipino sa abot ng aking makakaya,” pagtiyak pa nito.

Hinimok din ni Go ang mga awtoridad na palakasin ang kanilang information campaign sa fire prevention sa buong bansa upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay sa sunog.

Hindi lamang po ang pag-modernize ng ating equipment ang makatutulong sa paglaban sa mga sunog. Mahalaga rin dito ang fire safety education. ‘Yung atin dito, kung papaano i-prevent at maturuan ang mga kababayan natin kung papaano ba maiiwasan ang mga sunog,” diin pa ng senador.

Hindi lamang po dapat ‘yung mga malalaking establishments ang tinitingnan natin. ‘Yung mga maliliit na bahay, bantayan at turuan rin natin para maiwasan ang ganitong insidente. Kadalasan dito sa mga maliliit talaga at mga liblib na lugar nagkakasunog,” dagdag pa nito.

Saludo tayo sa pagkakapasa ng panukalang ito subalit nakikiusap din tayo na sana maisama sa mga probisyon ng panukala o maging babalangkasing implementing rules and regulations nito ang malinaw na hakbangin kung saan naman ilalagak ang mga luma nang fire truck at iba pang kagamitan ng BFP.

Marami rin kasi tayong nakikitang lumang fire truck na nakatambak lamang sa mga motorpool bagama’t maaari pang gamitin ng ibang grupo.

Umaasa tayo na sa modernisasyon ng ating BFP ay maagapan ng ating mga bumbero ang bawat insidente ng sunog kasabay din naman ng pagbibigay kilala sa kanilang sakripisyo at serbisyo para sa bayan.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large