Home>Editorial>Opinion>‘Blessing in disguise’ ni Sec. Duque?

‘Blessing in disguise’ ni Sec. Duque?

DISMAYADO” na naman ang mga kritiko at mga nananawagan na “leegan” na ni Pang. Rody si DOH secretary, Francisco Duque.

Sa nabasa kasi nating ulat mula sa Phil. Daily Inquirer, hindi kumbinsido si PDU30 na “kapabayaan” ni Duque ang dahilan kung bakit sa halip na sa Enero 2021, ay sa pagtatapos na ng susunod na taon darating sa bansa ang ‘COVID-19 vaccine’ na gawa ng Pfizer.

Ang kontrobersiya ay nagsimula sa ‘Tweet’ ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin na ‘someone dropped the ball’ sa negosasyon ng DFA sa Pfizer para sa bakuna.

Bagaman hindi niya pinangalanan kung sino, umentra naman si Sen. Ping Lacson at “inginuso,” ehek, itinuro si Duque na hindi umano agad nalagdaan ang ‘confidentiality data agreement’ sa Pfizer, dahilan upang maging “kulelat” ang Pinas sa suplay ng bakuna mula sa ‘Tadong Unidos.

***

Sa pananaw naman ng iba, masasabing ‘blessing in disguise’ ang naging ‘lapse’ ni Sec. Duque!

Pansinin nga naman kasi na ang bakuna ng Pfizer at ng kalaban nitong ‘Moderna,’ ay parehong nangangailangan nang hindi ordinaryong mga ‘freezer’ para sa ‘storage’ ng mga ito— ‘minus 70 degrees centigrade’ ang ‘cold storage’ para sa Pfizer vaccine at minus 50 degrees naman para sa bakuna ng Moderna.

Ang tanong: “Mayroon” ba tayong ganitong pasilidad sa ngayon? Wala.

Kaya sakaling agarang dumating ang mga bakuna sa buwan ng Enero, malamang na “mapanis” o “masira” na ang mga ito bago pa man maiturok sa sino mang Pinoy.

At kung magmamadali naman tayo para magkaroon ng ‘cold storage facility’ para lang sa bakuna ng Pfizer, eh, saan “ikakarga” ang gastos kundi sa presyo ng bakuna, aber?

Translation? Sisirit pataas ang presyo ng bawat turok ng bakuna ng Pfizer at sa ating sitwasyon ngayon, bukod sa mga oligarko, mayayaman at mga “pinagpala,” sino ang kayang magbayad ng napakamahal na bakuna?

***

Isa pang isyu sa bakuna ng Pfizer at iba pang ‘Big Pharma’ ay talaga bang ligtas ito?

Tandaan: “kakaiba” ang COVID-19 pandemic kung saan ‘rush job’ ang lahat ng mga iniimbentong bakuna ng kahit saang bansa at laboratoryo ng Big Pharma.

Sa ilan din nating nabasang artikulo hinggil sa bakuna ng Pfizer at Moderna, ang tawag sa mga ito ay “mRNA vaccines” na ngayon pa lang susubukang gamitin sa tao.

Wala pang nakakaalam kung ano ang ‘short-term’ at ‘long-term effects’ ng ganitong mga bakuna.

Ang siste pa, ang mga mRNA vaccines ay ‘man-made;’ hindi ito katulad ng ibang bakuna na kumuha ng ‘virus’ mula sa nilalabanang pandemya o sakit (katulad ng polio o dengue).

At dahil ‘foreign/alien element’ ang mga mRNA vaccines na papasok sa ating katawan, lumabas sa mga clinical trials na sa ibang naturukan, ‘very adverse’ ang naging reaksyon ng katawan ng mga pasyente—paninikip ng dibdib, matinding pagkahilo, pagsusuka, lagnat, etc., etc.

Sa madaling salita, “nakabuti sa mga Pinoy ang naging sablay ni Sec. Duque—kung totoo nga na sumablay siya.

Mabibigyan kasi tayo ng pagkakataon na makalap ang mga lalabas na impormasyon hinggil sa mga ganitong bakuna at kung totoo nga bang ligtas at epektibo ang bakuna ng Pfizer.

At batay sa mga impormasyong ito, makapagdesisyon ng mas nasa lugar ang ating gobyerno.

Huwag din nating kalimutan ang masaklap na karanasan natin sa ‘Dengvaxia’ ni Noynoy Aquino.

Anong say ninyo, dear readers?

Publication Source :    People's Tonight