‘Bobo-tante’ ka ba? Panawagan sa Comelec

First of all, I would like to congratulate the closest friend of my  villagemate Jason Valencia, ‘Youth For Change’ founder  Eric Baseleres, who I heard is doing well in his campaign.

Baseleres is running for councilor in the 6th District of Quezon City as an independent candidate.  He is a civic leader, a  youth advocate, a life coach and a motivational speaker, rolled into one.

Too, Baseleres is known for his principled stand on certain issues and he is incorruptible.

* * *

Di ko na mabilang sa daliri kung ilang ulit nang nananawagan at nagpapa-alala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botanteng Pilipino na gawin ang ‘tama at dapat’ sa darating na halalan sa Mayo 13.                                                   

Sa pamamagitan ng kanilang spokesperson na si James Jimenez, na kaliwa’t kanan ang mga interview bukod pa sa mga official advertisements, mahigpit ang panawagan ng Comelec sa mga botante na tanggihan ang mga suhol mula sa kandidato, huwag magbenta ng boto, maging matalino sa pagpili ng kandidato, i-report ang anumang pandaraya na makikita nila at iba pa.                                              

May warning pa nga ang Comelec na ang pagbebenta at pagbili ng boto ay isang election offense na may kaakibat na parusang multa o di kaya ay kulong.           

Sa aking banda, may panawagan naman ako sa Comelec. Ingatan sana nito na masira ang tiwala ng taumbayan sa proseso ng eleksyon. Ngayon pa lang kasi ay may mga isyu nang lumalabas na nagbabantang magbigay ng di magandang bahid sa darating na halalan, gaya na lang ng mga sirang selyado nang dumating sa Manila City Hall ang mga official ballots na gagamitin sa Mayo 13. Lumabas ang balitang ‘yan sa ‘Balitanghali’ ng GMA News TV nung May 5.                                            

Ang pinag-uusapan dito na idineliver ay 1,502 kahon para sa 1,502 presinto sa lungsod ng Maynila.                                                                                                       

Para kasing di katanggap-tanggap ang paliwanag ng Comelec na malamang ay napunit ang sticker seal dahil sa paggalaw ng sasakyan kung saan nakakarga ang mga kahon ng balota.                                                                                      

Ang tanong: Nangyari ba ito sa lahat ng lungsod at munisipalidad? Siguradong alam ng Comelec na isasakay ang mga kahon at natural naman na aandar ang sasakyang pinagkargahan patungo sa City Hall kaya dapat sana ay pinaghandaan ito, kung saan hindi basta-basta mapupunit ang sticker seal sa pag-andar lang ng sasakyan o di kaya ay mas matibay sana ang inilagay doon.                          

Mga balota ang pinag-uusapan dito kaya dapat, kahit katiting na duda ay walang malilikha sa isipan ng mga botante, lalupa’t ipinangako mismo ni President Rodrigo Duterte na ang darating na halalan ang siyang magiging pinakamalinis sa kasaysayan ng bansa.                                                                                                        

Nung 2013, kabilang ako sa mga nag-cover ng bilangan ng boto na ginanap sa NAIA Stadium sa me kanto ng Vito Cruz at M. Adriatico Streets sa Malate, Maynila.                                                                                                                        

Sa kalagitnaan ng bilangan, bigla itong nahinto at ang sabi ng mga supporters ng kandidato, ang ibinigay daw na dahilan sa kanila ng mga ‘in charge’ kung bakit itinigil ang bilangan ay dahil nawalan daw ng internet signal sa lugar.               

Di nga ba  kaya tinuya noon ng respetadong  broadcaster na si Mike Enriquez ang pangyayari? Sa lahat nga naman ng parte ng Pilipinas ay sa Maynila pa na naturingang ‘capital city’ ng Pilipinas nawalan ng signal ang internet?                           

Sa panahon ngayon kung kelan higit na aktibo sa pagmamatyag at pagpo-post sa social media ang maraming botante na umaasa sa isang malinis na  halalan, sana ay matutukan nang todo ang bawat galaw ng mga taga-Comelec, maging ng mga guro na siyang nagsu-supervise ng proseso ng botohan.   

Sa mga botante naman, isa lang ang aking panawagan. ‘Wag sana silang maging ‘bobo-tante.’`Ito ‘yung mga klase ng botante na tumitingin lang sa pagiging artista, itsura o perang alok ng isang kandidato. Pera na panandalian lang ang pakinabang kumpara sa tatlong taong pagdurusa pag mali ang ibinoto.                          

Gamitin ang utak sa pagboto. Tignan ang mga nagawa ng isang kandidato at gawin itong basehan. Tignan din ang karakter kung may rekord ba ito ng pagnanakaw sa kaban ng gobyerno.                                                                                

Halos lahat may cellphone na ngayon. Napakadali na rin ng access sa internet. I-type lang ang pangalan ng kandidato para makita kung anong klaseng pagkatao meron ito dahil lahat ng positibo at negatibong detalye ukol sa kanya ay lalabas at maari na ninyong mabasa. ‘Huwag maging tanga. Walang gamot diyan.

* * *                                                     

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to itchiecabayan@yahoo.com or text 0927-7169778.