Home>Editorial>Opinion>BOC ‘di dapat “nagpapagamit” sa FDA

BOC ‘di dapat “nagpapagamit” sa FDA

SA isang ‘press release’ noong Marso 28, ibinida ng Bureau of Customs (BOC) ang isinagawa nitong dalawang ‘raid’ sa Mandaluyong City at Paranaque City, noong Marso 25, kung saan higit P13 milyon ng hinihinalang “palusot” (read: ‘smuggled’) na mga produkto ang kanilang nakumpiska.

Sa nasabi pa ring press release, sinabing malaking bulto ng nakumpiska ay ang Chinese-made, anti-COVID-19 na gamot na ‘Linhua Qingwen Jiaonang.’

Sadyang hindi natin ginamit ang nasabing press release na ito ng BOC, DCI Raniel Ramiro at ESS director, Yogi Ruiz.

Bakit kanyo?

Eh, dangan kasi, sa “pag-amin” mismo ng kora… ehek, kontrobersiyal na “bosing” ng FDA na si Eric Domingo, noon pang nakaraang taon nila binigyan ng permit na magamit laban sa COVID- 19 itong Linhua Qingwen! Ang pag-amin ay ginawa ni Domingo sa hearing ng House Committee on Health na nasubaybayan natin.

Dangan nga lang at hindi naman puwedeng magtanong ang mga miron sa nasabing hearing na ginawa ‘via Zoom,’ kaya hindi natin naitanong na kung ganito pala, bakit wala yatang ginawang ‘public advisory’ ang FDA? Kumbaga, mistulang “itinago” sa madlang-pipol, aruy!

At dahil mayroon na ngang FDA, eh lumalabas tuloy na “illegal raid/confiscation” ang ginawa ng BOC? Aber, mabuti naman at hindi pa sila kinakasuhan ng may-ari na ang pangalan ay hindi naman ibinulgar ng BOC, hehehe.

Kung may dokumento kasi at may permiso pala ng FDA (na marahil ay hindi pa rin alam hanggang ngayon) ng BOC, aba’y “swak” sa kaso sa Ombudsman ang mga opisyales at tauhan ng BOC, ahahay!

Take note: ‘Ignorance of the law excuses no one,’ hehehe!

Kumbaga, hindi puwedeng ikatwiran nina DCI Raniel at Dir. Yogi na “hindi nila alam na aprubado na pala ng FDA ang Linhua Qingwen,” hehehe, ayy, huhuhu!

***

Mabuti na lang at sa ngayon ay “sumisingaw” na ang mga kabuktutan d’yan sa FDA— na matagal na rin nating isinusulat at inirereklamo.

Oh yes, dear readers. Aprub sa atin ang sinasabi ni ‘Idol’ Raffy Tulfo, na d’yan sa FDA, “palakasan” din at “bidding” ang ginagawa para ang isang produkto ay mabigyan ng ‘approval.’

At sa panahon ngayon na “imbudo” sa FDA at DOH ang desisyon kung alin sa mga puwedeng gamot sa COVID-19 ang gusto nilang “ipagamit” sa mga Pinoy, hindi tayo magtataka na sa pag-alis sa puwesto ng mga nakaupo d’yan sa FDA at DOH ang kawawa at patuloy na “pinepeste” ng pandemya ay tayong mga ordinaryong Pinoy.

Na sadyang mistulang ‘Mafia’ na ang diskarte ng ilan dyan sa FDA at DOH ay makikita sa isyu ng paggamit ng ‘Ivermectin’ laban sa COVID-19; kung hindi pa lumikha ng “Ingay” sa social media at nakarating ang mga reklamo laban dito sa FDA/DOH, hindi pa sila “papayag” na magamit ang Ivermectin ng mga may sakit at gustong makaiwas sa sakit dala ng COVID-19.

Bakit “ayaw” ng FDA/DOH sa Ivermectin? Eh, sobrang “mura” (very cheap) kasi kumpara sa mga inilalakong gamot ng ‘Big Pharma’.

***

Sa panig naman ng BOC, dapat nang “umiwas” ang Team Jagger na magamit ang ahensiya para sa pansariling interes ng iilan, katulad nitong ilan d’yan sa FDA at iba pang mga sektor sa industriya na may transaksyon sa Aduana at ang diskarte ay “gamitin” ang BOC, partikular na ang IG (Intelligence Group) upang ipaalerto at ipakumpiska ang kargamento ng mga kalaban nila sa negosyo.

Matapos “mapaso” sa mga “isinubo” sa kanya noon na mga ‘request for alert,’ natutuwa naman tayo kay dating DCI Jessie Dellosa, na naging maingat na sa bagay na ito noong siya pa ang DCI.

At siyempre, kasama tayo sa palaging nagpapaalala noon kay DCI Jessie na “mag-ingat” magamit ng mga ‘vested interest’ d’yan sa Aduana.

Ang siste pa nga, muntik pa noong makasuhan sa Ombudsman si DCI Jessie dahil sa ginawang pag-alerto sa isang kargamento ng mga produktong bakal (at ang alam natin , hanggang ngayon, “binubuno” pa ni ex-Comm. Bert Lina ang reklamo sa OMB).

Naniniwala tayo sa sinseridad ng Team Jagger pagdating sa paglaban sa smuggling at pagsusulong ng reporma sa pantalan.

‘Yun nga lang, yang “sinseridad” na yan, kung minsan ay isang “kahinaan” na aabusuhin ng mga may pansariling interes, partikular na ‘yung mga “kabaro” nila sa gobyerno, tama ba, PACC chair, Greco Belgica?

Publication Source :    People's Tonight