Home>Editorial>Opinion>BoC, handa na sa pagdating ng COVID vaccines

BoC, handa na sa pagdating ng COVID vaccines

NAKAHANDA na ang Bureau of Customs (BoC) sa pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Sa BoC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nagtayo na ng Covax Importation Unit (CIU).

Ang pangunahing trabaho ng CIU ay siguruhin ang “smooth and speedy processing” ng mga vaccine shipment.

It is responsible for coordinating with the IATF and other concerned agencies on matters relating to COVID-19 vaccines,” ayon sa BoC.

Ang one-stop-shop sa Port of NAIA ay obligado ring tumulong upang mailabas ng mabilis at maayos sa paliparan ang mga bakuna.

Kasama rin dito ang mga personal protective equipment (PPE), medical supplies at iba pang supplies na gamit sa anti-COVID fight.

Ang BoC-NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Mimel S. Manahan-Talusan.

Hindi puwedeng maantala ang paglalabas ng mga shipment na naglalaman ng mga antì-COVID-19 vaccine.

Kailangang madala agad ang mga ito sa mga nag-order na ahensya at LGU upang masimulan na ang pagbabakuna sa taumbayan.

Kailangan natin ito para sa dahan-dahang pagbubukas ng lokal na ekonomiya.

Huwag natin kalimutan na bagsak ang ating ekonomiya dahil sa pandemya.

Ayaw man natin, tinatayang aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago tayo makaahon sanhi ng salot na COVID-19.

****

Dagdag na P1.076 bilyon ang pumasok sa kaban ng Bureau of Customs noong 2020.

Ang pera ay galing sa mga kumpiskado at abandonadong kargamento na ipinagbili ng BoC sa pamamagitan ng subasta o public auction.

Mula sa 17 collection districts ng BoC, umabot ng 1,898 container vans na naglalaman ng iba’t ibang produkto.

Ang mga isinubasta ay kinabibilangan ng mga telebisyon, tiles at plywood.

May 1,346 container vans na naglalaman ng mga prohibited at dangerous goods ang sinira para hindi maipagbili sa merkado.

270 container vans naman na naglalaman ng iba pang produkto ang ipinamigay sa ibang ahensya ng gobyerno para ipamahagi sa mga nangangailangang mahihirap.

Ang pagdispatsa sa mga abandonado at kumpiskadong kargamento ay naglalayong maiwasan ang pagsisikip ng mga kargamento sa mga pantalan.

Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang mga kumpiskado o abandonadong kargamento ay puwedeng isubasta, sirain at ipamigay ng BoC.

Ang mga puwede namang kainin at mga damit ay madalas idino-donate ng BoC sa Department of Social Welfare and Development.

Hanggang ngayon kasi ay marami pang kababayan natin ang binubuhay ng DSWD sa mga evacuation center.

Karamihan dito ay mga biktima ng natural at man-made disasters.

***

Sa susunod na Lunes ay Pebrero 1 na.

Ang ibig sabihin nito ay may 17 buwan na lang sa Malakanyang si Pangulong Rody Duterte.

Sa tingin ng marami, katapusan na rin ng pangarap ng mga naghahangad sa puwesto ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Hindi na advisable na magpalit ng Customs commissioner, ayon sa mga miron sa aduana.

Kaya, Sir Jagger, congrats! Nanatili kayong “cool” habang pinipilit kayong tapunan ng putik para lang masira kayo kay Pangulong Digong.

Naipakita mo na iba talagang magtrabaho ang isang dating AFP Chief of Staff.

Kaysa patulan ang mga inggitero, nagtrabaho na lang ng todo-todo.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight