Bureau of Customs, ginawaran ng ‘Recognition of Excellence’

May 05, 2019

MAGING ang isang American Technology ay bumilib at saludo sa ginagawa ng Bureau of Customs  para i-upgrade ang systems at procedures ng ahensiya.

Ang upgrading ay ginagawa para sumunod sa tinatawag na global trade standards.
Noong nakaraang Abril 25 ay ginawaran ng “OpenGov” ang BoC  ng “Recognition of Excellence.”  

Ang “OpenGov” ay nakabase sa Silicon  Valley sa Estados Unidos.
Kinilala ng kompanya ang BoC dahil sa pag-develop ng “Goods Declaration Verification System (GVDS) at ang sumunod na programang “1-Assessment.”

Ang award ay tinanggap ni MICP District Collector at BoC Spokesman Dino Austria.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Austria na determinado si BoC Chief Rey Guerrero na gawing globally competitive ang ahensiya sa pamamagitan ng technology reforms.

“And, as an  answer to this challenge the bureau seeks solutions through modernization, automation and information technology,” dagdag pa ni Austria.

Ang bagong sistema, ayon sa BoC,  “lessens BoC’s reliance on paper trail by allowing the electronic submission and processing of documents.”

“It also automates the random assignment of import entries to Customs examiners and appraisers.”

***

Dati-rati mismong mga opisyal ng Bureau of Customs,  ang nagsasabing imposibleng maabot ng ahensiya ang buwanan at taunang revenue collection targets.

May katwiran naman sila dahil totoo namang mataas ang assigned tax take ng BoC.
Kaya maraming nagulat nang sinabi noon ni dating BoC Chief Sid Lapena na kayang-kaya nilang abutin ang target ng ahensiya.

Hindi naman napahiya si Lapena dahil nagawa niyang malampasan ang buwanang target ng BoC bago siya inilipat sa TESDA.

Hindi tsamba ang natamong tagumpay ni Lapena, dahil ang lahat ng pagbabago at reporma ay naglalayong mapaganda ang serbisyo sa pantalan.

At nang maupo namang hepe ng BoC si Sir Rey Leonardo Guerrero ay lalo niyang pinaganda ang serbisyo sa tinatawag na “snake-infested waterfront.”

Kagaya nang inaasahan, nalampasan ng mga taga-BoC ang kanilang April tax goal.

“The bureau was expected to collect P51.604 billion in April, but because of our stringent monitoring and continuing efforts to enhance our revenue collection capabilities, we were able to collect P53.33 billion, which is higher than  the target revenue,” sabi ni Guerrero.

Base sa record, labindalawa sa 17 collection districts ang lumampas sa kani-kanilang collection targets.

Ito ay pinangunahan ng  Manila International Container Port na pinamumunuan ni Collector Dino Austria, na siya ring tagapagsalita ng BoC.

Noong Abril ay umabot ng P13.8 bilyon ang koleksyon ng MICP.

Nahigitan nito ng P200 milyon ang kanilang target na P13.6 bilyon.

Binabati natin ang mga taga-BoC na sama-samang nagtatrabaho nang husto para mapaganda ang serbisyo publiko at mapataas ang koleksiyon ng ahensiya.
Keep up the good work, Sir Jagger.

***

Pitong araw na lang, eleksyon na sa bansa.
Ito na ang araw ng paghuhukom.

Galit tayo sa mga magnanakaw, abusado at walang kwentang lingkod-bayan.
Huwag ng ipagbili ang boto sa mga salot ng lipunan.

Kapag ipinagbili mo ang nag-iisa mong boto, wala kang karapatang magreklamo sakaling gago ang naiboto mo.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buonh pangalan at tirahan.)