CAAP dapat nang imbestigahan at ‘gun ban violator’ lusot sa Cavite PNP

BINABASA ninyo ito, dear readers, apat na araw nang “nawawala” ang isang ‘Beechcraft 55’ (tail number RP-C9078), sa karagatan malapit sa San Jose, Mindoro Occidental.

Ayon sa ating mga impormante d’yan sa CAAP, “nawala”  sa ‘radar’ ang eroplano na pag-aari nitong ‘Orient Flying School/Orient Aviation Corporation’ bandang 8 am noong Biyernes, Mayo 17, lulan si Capt. Jose Nelson ‘Joey’ Yapparcon at isang pasaherong “Arabo,” si ‘Abdullah Al-Shariff.’

Bilang reaksyon naman ni “kapatid” na Raoul Esperas, ang beteranong reporter sa NAIA, sinabi niyang “hindi nag-aksaya” ng panahon ang CAAP para makontak ang eroplano kaya maling sabihin na “walang ginagawa” ang CAAP para matukoy ang kinalalagyan nito, sa tulong na rin ng Phil. Air Force, Phil. Coast Guard, Phil. Navy at mga lokal na opisyal ng Mindoro.

Aniya pa, lumalabas na “nawala” sa radar ng CAAP ang eroplano at hindi malaman kung nasaan dahil sa hindi pa rin malamang dahilan, “pumalpak” ang ‘transporder’ nito (‘the transporder went off for unknown reason’).

Ang ‘transporder,’ mga kababayan, ay isang instrumento sa bawat eroplano na “nagbabato” ng ‘signal’ sa mga radar upang sa lahat ng oras ay “nasusundan” ang lokasyon nito.

‘Flashback’ naman tayo, dear readers, sa trahedyang sinapit ni ex-DILG secretary, Jesse Robredo, na namatay matapos bumagsak ang sinasakyan nitong ‘Piper PA34 Seneca light aircraft’ sa karagatan ng Masbate, noong Agosto 18, 2012.

Pauwi noon sa Bicol si Sec. Jesse mula sa Cebu nang mangyari ang trahedya.

Kung babalikan, inabot ng tatlong araw (Agosto 21) bago natukoy ang lokasyon ng eroplano at nakuha ang ‘bloated body’ ng butihing kalihim at dalawa pang kasama nito (bagaman himalang nabuhay ang kanyang bodyguard na si police major June Paolo Abrazado).

Kahit inabot ng tatlong araw, masasabing “mabilis” pa rin ang nangyaring ‘recovery operation’ kay Sec. Jesse dahil na rin sa dami ng mga grupo—buong puwersa ng AFP, kasama na ang US Navy at South Korea—na nagtulong-tulong upang matukoy ang lokasyon ng eroplano.

“Nahirapan” noon na matukoy  ang lokasyon ni Sec. Jesse sa parehong dahilan sa insidenteng kinasasangkutan ni Capt. Yapparcon—”hindi gumana” ang transporder nung Piper PA34 na pag-aari ng ‘Aviatour Air.’

Bakit hindi gumana? Sa simpleng dahilan na PINALITAN ang transporder ng Piper PA34—na seryosong labag sa regulasyon ng CAAP. Lumalabas na “sira” ang “ipinalit” na ‘transporder.’

Pagkaraan ng ilang buwan, naibalita natin na ‘yung orihinal na transporder sa eroplanong sinakyan ni Sec. Jesse ay hindi naman pala “sira” at “nagbato” pa nga ng ‘signal’ matapos bumagsak (din) sa Bulacan ang eroplanong “pinagkabitan” nito, isang  eskandalo na hindi maipaliwanag ng CAAP hanggang ngayon.

Sa pagkamatay ni Sec. Jesse, mga kabayan, tuluyan nang nawala ang ating “bilib” dito kay Noynoy Aquino, Sec. Mar Roxas at kahit kay Mrs. Leni Robredo.

Nawala ang ating bilib at paniwala na magkakaroon ng katarungan si Sec. Jesse matapos “tanggapin” – at “paniwalaan”— ni PNoy, Roxas at Mrs. Robredo ang ulat ng CAAP na ang ikinamatay ni Sec. Jesse at kanyang mga kasamahan ay hindi dahil sa kapabayaan ng CAAP bagkus, dahil sa HEART ATTACK (‘cardiac arrest,’ ayon sa official report).

Oh yes, dear readers, mapagtakpan lang ang mga kabulukan at katiwalian d’yan sa CAAP, pulos palusot na lang ang ginagawa ng mga opisyal d’yan. Ganito sa termino ni Noynoy at ganito pa rin ba sa gobyerno ni PDU30?

Harinawa naman na magkaroon ng magandang resulta ang paghahanap dito sa RP-C9078, kahit hindi “VIP” itong...

...sina Capt. Yapparcon, tama ba, mga kabayan?

At harinawa rin na maging ‘eye opener’ kay DOTr Secretary, Arthur Tugade, ang huling insidenteng ito upang mag-utos siya ng malaliman—at seryoso—na imbestigasyon sa mga kaganapan d’yan sa CAAP.

Ang isa sa dapat mabuking ni Sec. Tugade ay kung “totoo” nga ba na itong ‘Orient Flying School/Orient Aviation’ ay “pag-aari” ng isang mataas na opisyal sa CAAP?

Hmm. Kaya ba “maluwag” ang mga CAAP ‘safety inspector’ sa ‘safety compliance’ nitong Orient? Na ngayon ay nagresulta sa isang trahedya—at panibagong kahihiyan sa CAAP? Nagtatanong lang naman po!

***

`Noong umaga ng Sabado, Mayo 18, isang residente ng Bgy. Poblacion 4C sa Imus, Cavite, ang “binitbit” ng mga pulis-Imus sa kanilang presinto matapos ireklamo ng ‘grave threat’ at “panunutok” ng baril. Ang insidente, ayon pa sa ating mga impormante ay nakunan sa CCTV.

Ang hindi rin maintindihan ng mga miron, Calabarzon RD Edward Carranza at Cavite police director, William Segun, ay “kung”talaga lang “bobo” itong mga pulis ninyo sa Imus PNP o, “protektor” nitong suspek?

Dangan kasi, matagal na umanong inirereklamo ng mga residente itong suspek na may initial na, “EEM” dahil sa “pananakot” gamit ang kanyang pistola, subalit “dedma” (umano) ang mga pulis-Imus.

Ang kuwento pa sa atin, sa halip na kasuhan (paglabag sa election gun ban, grave threat, attempted murder, etc., etc.,), aba’y pinauwi lang (daw) ng mga pulis-Imus itong suspek!

Ang “masakit” pa, DILG Secretary Ed Año, “sinabihan” ng mga pulis ang biktima at mga ‘witness’ na sa kanilang barangay magreklamo dahil “kasong barangay” lang naman daw ang nangyari! What the fact?!

“Kailan” pa naging “kasong barangay” ang paglabag sa election gun ban, Comelec Chairman Sheriff Abas? At kahit ang “panunutok” ng baril, Cavite governor, Jonvic Remulla?

“Sayang” nga lang at hindi sakop ng NCRPO itong Imus PNP dahil kung nagkataon, natitiyak natin na may “paglalagyan” kay RD Guillermo Eleazar ang mga ganitong “bopols” na pulis.

Translation? Baka naman gusto ninyong kumilos sa insidenteng ito, RD Carranza at PD Segun?

Abangan!