Home>Editorial>Opinion>Cashless payment sa toll wags gawing pahirap sa motorista

Cashless payment sa toll wags gawing pahirap sa motorista

MAGANDA ang layunin ng nais na ipatupad na cashless payment sa mga toll ways para sa mas mabilils at mas ligtas na pagdaan sa mga expressways.

Napapanahon din ito dahil sadyang nagiging digital na ang halos lahat ng transaksyon dulot ng modernong panahon.

Sa pinakahuling pahayag ng Toll Regulatory Board, inurong sa December 1 ang effectitivity ng cashless payment sa mga tollways partikular sa North at South Luzon Expressways at iba pang expressways.

Pero dapat pakinggan ng ating mga tollway operators na Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at San Miguel Corporation (SMC) ang paghimok sa kanila ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na resolbahin ang lahat ng isyu sa pagkuha ng Radio Frequency Identification (RFID) tags at tiyakin ang maayos na infrastructure bago ang implementasyon ng cashless system.

Ito ay kasunod ng sangkaterbang reklamo mula sa mga motorista na kadalasan ay nahihirapa sa pagkuha ng RFID stickers.

Mukha yatang nauna ang press release bago ang aktwal na kahandaan. Kitang kita na hindi sila handa sa volume ng mga kukuha ng mga RFID,” saad ni Revilla.

“Napaka-kaunti ng mga installation centers na kadalasan, nauubusan pa ng stickers,” he added. We have actually reached out and partnered with MPTC in Cavite for pop-up installation booths, but these are still not enough. Tapos half day pa lang, wala nang stickers,” dadag nito.

Ipinaalala nito na dahil sa pila sa mga installation centers, nalalagay sa panganib ang mamamayan sa COVID-19.

Pinuna rin ni Revilla ang problema sa Easytrip system na sa halip na mapabilis ang pagdaan ng mga may RFID tags ay natatagalan dahil sa problema sa sistema.

The barriers won’t open. Their readers couldn’t read their tags. Nagiging kilometro ang traffic. Mas mabilis pa sa cash lanes dumaan. Meron din na magbubukas after a while, pero ‘di pa nakakalampas yung sasakyan, biglang babagsak yung barrier. Ayun, yupi ang kotse,” diin ni Revilla.

“Alam naman nila na may COVID, at alam din nila na lalo pang magla-last minute ang ating mga kababayan dahil dito. Bakit hindi nila pinaghandaan?” “There’s no excuse,” dagdag nito.

They have to get their acts together, fix the issues, and do what they have to,” paalala ng senador.

Sa mga nakalipas na araw, kapansin-pansin na nakadagdag sa bigat ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada na kadugtong ng mga expressway ang napakahabang pila ng mga motoristang nagpapakabit ng RFID stickers.

Bukod pa ito sa mahabang pila rin ng reloading stations sa mga mga toll plaza, bagama’t maraming paraan para sa pagre-reload.

Inirereklamo rin ng ibang motorista ang magkahiwalay pang RFID ng dalawang toll operators na sana ay nagkasundo muna at bumuo ng isang sistema upang hindi na magkaibang stickers pa ang gagamitin.

Kaisa tayo sa panawagan ng senador na sana ay ayusin muna ang buong sistema bago obligahan ang mga motorista sa cashless payment.

Tandaan na ang mga modernong pagbabago ay dapat makapagpabilis at makapagpaayos ng buhay at hindi dapat maging dagdag pahirap sa bawat isa.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large