Home>Editorial>Opinion>Chinese medicines nakumpiska ng BoC, NBI, PCG

Chinese medicines nakumpiska ng BoC, NBI, PCG

ISANGmakeshift clinic” na pinaghihinalaang nanggagamot ng mga COVID-19 patients ang nadiskubre ng mga taga- Bureau of Customs (BoC) noong Enero 14.

Nakita ang clinic sa isang cold storage facility sa Pasay City na ininspeksyon ng mga ahente ng CIIS at ESS ng Manila International Container Port o MICP.

Ang nasabing operation, na coordinated sa NBI at PCG, ay nagresulta sa pagkakasamsam ng mga puslit na Chinese medicines.

Ang mga nakumpiskang gamot ay kinabibilangan ng “Rebavirin.

Ang “Rebavirin” ay gamot laban sa pneumonia at bronchitis kaya nagduda ang mga otoridad na ang clinic ay nanggagamot ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ang mga nakumpiskang Chinese medicines ay nagkakahalaga ng mahigit P1.5 milyon.

Kaugnay nito ay muling nagbabala ang BoC sa paggamit ng mga puslit na gamot.

Ayon sa BoC, na pinamumunuan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, delikado ang paggamit ng mga gamot na walang “proper clearance” mula sa DoH at FDA.

Matatandaan na nagbigay ng intruksyon si Comm. Guerrero na higit pang paigtingin ng kanyang mga tauhan ang kampanya laban sa pagpasok ng mga kontrabando sa bansa.

Tama lang ‘yan para maubos na ang mga ismagler sa bansa.

***

Hindi papayag ang Bureau of Customs (BoC) na maibenta sa merkado ang mga “unsafe” na produkto.

Kaya nga kamakailan ay ibinaon ng ahensya ang mga abandonadong sibuyas.

Ang mga sibuyas ay nakalagay sa dalawang 40-footer container vans na inabandona sa MICP.

Ang mga sibuyas ay ibinaon sa barangay Maliwala, Bacolor, Pampanga.

Tumulong ang RJAM waste management services sa condemnation process.

Ang mga nagbaon ng mga sibuyas ay galing sa MICP’s auction and cargo disposal division, CIIS, ESS at Piers Inspection Division, at Philippine Coast Guard.

May standing order si BoC Chief Rey Leonardo Guerrero na i-dispose na ang mga abandonado at overstaying cargo sa mga pantalan.

Ito ay parte sa programa ni Guerrero upang hindi magkaroon ng pagsisikip ng mga kargamento sa mga pantalan.

Layunin ni Guerrero na lalong mapabilis ang paglabas ng mga kargamento.

Ayaw siyempre ng mga importer at broker na naaantala ang paglabas ng kanilang mga shipment.

***

Babala sa mga taong gustong pumasok sa Bureau of Customs (BoC) para magkamal ng pera.

Mag-isip-isip kayo dahil iba ang mga nagtatrabaho sa aduana.

Lahat ng mata ay nakatingin sa mga opisyal at kawani ng BoC na puwedeng kumita ng “easy money.

Lalo na’t palapit na eleksyon at pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Rody Duterte.

At alam ng mga customs-based na mamamahayag ang mga modus operandi ng mga tiwaling lingkod-bayan.

Okay lang kung ang nais ng isang bagong opisyal ay talagang magsilbi sa bayan.

Pero kung ang pakay ay para mangurakot, huwag ka na lang pumasok sa BoC.

Maawa kayo sa mga sarili niyo.

Mabibisto kayo bago matapos ang termino ni Mayor Digong.

Tiyak ‘yon!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight