Clean-up of garbage forever?

September 23, 2019

Every year, volunteers flock to Manila Bay to pick up garbage from the shore. Last Friday, September 21, was dubbed  World Clean-Up Day. As usual, when the rainy season comes, mixed garbage from biodegradable and non-biodegradable or solid wastes top the garbage scenario by the bay. They never get tired of cleaning the bay once a year. They want to rehabilitate the bay, says the government, but after all these, what next?

Some non-government organizations “brand audit” the plastic garbage recovered from the seashore in Manila Bay and all other regions of the country to look for the culprit, then announce which companies these are. They want to conscienticize the plastic manufacturers by telling them to stop manufacturing single-use plastics.

Ngunit nariyan pa rin ang plastik sa karagatan. Lumulutang-lutang pa rin. Nariyan pa ang mga basura mula sa mga kabahayan – mga tira-tirang bagay sa kusina tulad ng balat ng prutas, tinik, buto at iba pa. Lahat ng klase ng basura ay lumulutang pa rin sa Manila Bay!

Naisulat ko na kailan lang ang mabantot na amoy ng Manila Bay mula Maynila hanggang Pasay at kailan lang ay maging ang tabing-dagat sa iba pang mga lunsod sa Kamaynilaan. Ang baho pa rin! Napagkamalan kong may dumumi sa aming sasakyan nang buksan ko ang bintana nito.

“Amoy etsas!,” bulalas ko. Sa unang amoy ay parang amoy utot at habang nagtatagal ay dumi ng tao na ang maamoy! Nakakahiya!

Halos lumaki rin ako sa dagat, sumama sa pangingisda sa Manila Bay noong kabataan ko. Gustong-gusto ko ang amoy ng dagat noon. Amoy talaba, amoy tahong, amoy isda, amoy maalat! Sa maikling salita, amoy dagat! Ito ang natural na amoy ng isang malinis na karagatan.

Sumasama ito sa ihip ng hangin na  kay sarap langhapin. Ngunit ngayon ay parang amoy kasilyas na ang karagatan! Sabi nga ng mga kabarkada ko—“ amoy takubets”! (kubeta)

Ang sagot ko nga sa  kanila ay mas mabango pa nga yata ang “takubets” ngayon. Itinuro agad nila ang amoy sa mga estero na ang lahat ng basura ay makikita dito, kasama ang mga dumi ng tao.

Hindi na talaga matatapos ang clean up sa mga dalampasigan. Hindi ito ang solusyon.

Kailangang aminin na ang mga basura ay nagmumula sa mga kabahayan at komunidad. Ilang ulit ko na itong isinulat at ilang libong ulit ko nang tinalakay sa mga fórum. Ilang ulit ko na ring sinabi sa mga naging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nitong huli ay ilang ulit ko ring sinabi ito kay Secretary Roy Cimatu.

Tila nagtagumpay ang Task Force Manila Bay rehabilitation nang malinis nila ang dalampasigan ng may tatlong kilometrong haba ng Manila ng Bay. Ngunit tag-araw noon. Sinabi ko kay Sec. Cimatu na hintayin natin ang pagdating ng tag-ulan at makikita natin muli ang pagdating ng mga basura. Kahit nga hindi tag-ulan at may malakas lamang na sumulpot na habagat, daan-daang trak ang kailangan upang hakutin ang mga basura sa Manila Bay. Kailan lang ay ipinakita sa balita ang sandamakmak na basura muli sa Manila Bay!

Kailangan na talagang totohanang ipatupad ang batas RA 9003 at ang pinakamahalagang punto rito ay ang edukasyon at pagpaparusa. Ito ang pinakamabisang solusyon sa patuloy na pagdumi at pagbaho ng karagatan. Kung mulat ang mga Pilipino kung bakit nila kailangang mahalin at pangalagaaan ang Inang Kalikasan, hindi nila ito sasalaulain o “bababuyin” ito. Kung alam nila ang gagawin sa mga tira-tirang bagay nila sa mga bahay na nagiging basura, gagawin nila ito. Edukasyon, edukasyon, edukasyon!

Composting of all bio-waste (nabubulok) and banning the manufacturing of single-use, plastics by local government units is the logical thing to do.

President Rodrigo Duterte who ordered the Boracay rehabilitation and the clearing of obstructions by vehicles whose owners use the public roads as their personal garage, can also  order the barangay, municipal, and city governments to start a genuine garbage clean-up starting from the households and the barangays.          (bangonkalikasan @yahoo.com)