Concern for the elderly

WITHOUT doubt, the country’s elderly, men and women, need “special attention” since they are the most vulnerable to the coronavirus disease (COVID-19), which kills 3.4 percent of all those infected.

And for people aged over 80 years, the fatality rate was placed at 21.9 percent, according to the World Health Organization (WHO), an agency of the United Nations (UN).

Reports said that there’s overwhelming evidence senior citizens, 60 years old and above, are most at risk from the dreaded disease, notably alarming the poorest of the poor in far-flung communities.

Other vulnerable sectors include solo parents, indigent indigenous peoples, transportation network vehicle service (TNVS) and transport network company (TNC) drivers, and informal economy workers.

It is public knowledge that there’s lack of medical facilities and doctors and other health workers and in these impoverished areas, with many health professionals preferring to work in foreign lands.

Others seek employment in heavily-populated Metropolitan Manila, the country’s premier region, and other highly-urbanized areas, where workers get higher pay and a wide array of fringe benefits.

Thus, it is not surprising that neophyte Senator Christopher Lawrence “Bong” Go wants concerned government offices and agencies “na maglaan ng dagdag na suporta sa mga senior citizen.”

“Prayoridad dapat dito ang mga senior citizen na alam nating medyo mahina na at siyempre, nahihirapan na silang gumalaw at maghanap ng pagkain,” said Go, the new “darling of the elderly.”

Like other pro-elderly people, we cannot overemphasize the importance of advancing the interests and welfare of our senior citizens, particularly during these trying times.

Certainly, Go, a close associate of President Duterte, is on the right path in giving senior citizens the protection they need.

ACOSTA COLUMN25

Kung maaaring sampahan ng kaso ang courier na nahuli sa pagpapadala ng produkto

Kgg. na Chief Acosta,

Isa akong online seller sa Marikina, na nagpapadala ng preserved foods gamit ang isang private courier. Noong nakaraang buwan ay nagpadala ako ng nasabing produkto sa kanila sa Quezon City, at napagkasunduan naming idi-deliver nila ito sa loob ng dalawang linggo. Subalit, hanggang sa bago magkaroon ng lockdown sa buong Luzon dahil sa COVID-19 virus at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatanggap ng aking buyer. Dahil dito ay nakansela ang nasabing order. Maaari ko bang papanagutin ang nasabing private courier sapagkat hindi nila idineliber ang aking produkto ayon sa aming naging usapan?

Frances

Dear Frances,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay na ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Aniceto Saludo, Jr., et al. vs. Honorable Court of Appeals, et al. (G.R. No. 95536, March 23, 1992, Ponente: Honorable former Associate Justice Florenz D. Regalado) kung saan sinabi na:

“When a common carrier undertakes to convey goods, the law implies a contract that they shall be delivered at destination within a reasonable time, in the absence, of any agreement as to the time of delivery. But where a carrier has made an express contract to transport and deliver property within a specified time, it is bound to fulfill its contract and is liable for any delay, no matter from what cause it may have arisen.” (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit, dapat i-deliver ng courier ang inyong padala sa panahon na inyong napagkasunduan na idi-deliver ito. Kung hindi nila ito maihahatid sa loob ng itinakdang panahon ay maaari silang magkaroon ng pananagutan para rito, kahit na ano pa man ang naging dahilan ng kanilang pagkahuli.

Samakatuwid, sa inyong sitwasyon ay maaari ninyong papanagutin ang nasabing courier sapagkat hindi nito nasunod ang inyong kontrata, lalo na ang petsa ng kanilang pagdi-deliver ng inyong produkto.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Ang inyong Lingkod Bayan,

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA, DSD

Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:

Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: pao_executive@yahoo.com o tumawag sa PAO hotline: (02) 8426-2801; 8426-2450; 8426-2987; o 8929-9436 local 106 o 107 during office hours at local 159 after office hours.

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng legal advice, court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.