Home>Editorial>Opinion>Damihan pa ang trabahador!

Damihan pa ang trabahador!

NAIIPIT ang gobyerno sa nag-uumpugang bato.

Caught between the devil and the deep blue sea. Caught between goodbye and i love you. Kahit ano pang salita ang gamitin natin, sa isang simpleng paliwanag, tuliro ang pamahalaan kung ano ang kanilang pipiliin, buhay ba o kabuhayan.

Itong tug of war ng mga government official sa isyu ng sukat ng social distancing sa public transport ay indikasyong “the spirit is willing but the body is weak.” Gustung-gusto na ng pamahalaan na dumami ang makakasakay sa mga jeep at bus para mas marami nang makapasok sa trabaho.

Pero may mga health at risk issue. Kung .75 meters sa halip na 1 meter, iyong dating jeep na pituhan ang sakay, magiging lima na mula sa dating 3 dahil sa pagbawas ng .25 meters.

Iyong dalawang manggagawa na makakasakay, magkakaroon ng tiyansang makapaghanapbuhay. Sa isang banda naman, may nagsasabing lalakas naman umano ang virus transmission kung masyadong magkakadikit.

Alam natin kung saan nanggagaling si Transportation Secretary Art Tugade kung bakit gusto niyang dumami ang makapagtatrabaho. Alam ng kalihim na sumubsob nang husto ang ekonomiya magmula noong March 15 lockdown.

Dalawang magkasunod na quarter na ang pagdapa ng ekonomiya kaya nasa gitna na tayo ng technical recession. Batay sa paliwanag ng mga eksperto, ang techinical recession ay hindi maikukumpara sa naghirap ang isang bayan dahil walang resources.

Ibig sabihin lang, may pangyayaring pumigil sa pag-unlad o paggalaw ng ekonomiya gaya nga ng pandemic na umepekto sa dalawang magkasunod na quarter na bagsak ang Gross Domestic Products.

Maigsi pero malakas na impact nitong technical recession. Ibig sabihin, madali itong mabawi kumpara sa “factual or actual recession.”

Kapag factual at actual recession, ito iyong bumagsak ang ekonomiya dahil wala nang kabuhayan ang buong bansa o sobrang hirap talaga. Dito sa atin, katulad ng ginagawa sa transport sector na pagbabawas ng social distancing, isa ito sa nakikita nating mitigating measures.

Katulad din sa mga dine-in restaurant. Noong una, bawal ang dine-in puro delivery at takeout lang. Kapag nagpatuloy ito, magkakaroon ng technical recession pero ang mitigating measures na ginawa ng gobyerno ay pinayagan na ang dine-in sa ilalim ng General Community Quarantine. Subalit 30% seating capacity lamang kaya mahina pa rin ang ekonomiya.

Ginawa na itong 50% kaya unti-unting bumabangon ang food business. Sa tingin ko, tama ang desisyon ni Sec. Tugade na dagdagan ang mga pasahero ng public transport at kung maari ay ibalik na ang provincial buses para mas marami nang makapagtrabaho.

Kailangan lamang ay strictly may face mask at face shield ang pasahero para maiwasan ang droplets transmissions.

Kung hindi natin bubuhayin ang ekonomiya sa susunod na tatlong buwan, Paskong tuyo talaga ang aabutin ng ating bansa. Sobrang dami nang mamamatay sa gutom dahil sa kawalan ng hanapbuhay kaya iyong sobrang pagbabawal nating makalabas ang tao para magtrabaho, pinapatay na rin natin sila physically habang pinaiiwas natin silang magka-virus.

Obligasyon nating lahat na mag-ingat at maghanabuhay para sa bayan at sa ating pamilya kung ayaw nating umabot sa “great depression” at actual recession ang ating bansa.

allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV