‘Desperado’ na nga ba si Junjun B?

February 07, 2019

BAGO ang lahat, taos-puso ang pasasalamat ng buong liderato ng National Press Club (NPC) kay Supreme Court Chief Justice, Hon. Lucas Bersamin, sa kanyang pagpapaunlak na maging ‘administering officer’ ng NPC sa aming naging panunumpa sa tungkulin bilang mga lider ng NPC.

Ginanap ang simpleng seremonya kahapon, Pebrero 7, 2019, sa kanyang tanggapan sa SC.

Bago ito, masaya munang nakipagkuwentuhan sa amin si CJ Bersamin, bagay na nagbigay sa amin ng karangalan, sa totoo lang dear readers!

Dangan kasi, bilang ‘CJ’ na ‘personification’ ng ating Hudikatura, napakataas ng respeto ng lahat sa kanya ‘and besides,’ wika nga, ‘one must always treasure the moment when you got to exchange words with the highest justice in the land.’

‘First time’ din natin na makaharap ang isang ‘Chief Justice of the Supreme Court’ at talaga namang kitang-kita natin ang kanyang pagiging ‘down-to-earth’ na kahit sinong Pilipino ay hindi “mag-aalangan” sa kanyang harapan.

Kung ‘destiny’ ang maging presidente ng bansa, masasabi naman nating ‘aided by divine intervention’ ang naging desisyon ni Pang. Digong nang “piliin” niya si CJ Bersamin -- the most senior among the justices in the SC. Translation? There is no doubt that you made the right decision, Mr. President!

Kung “karangalan” ni CJ Bersamin na isumpa, ehek, na sa kanya manumpa sa tungkulin, ang mga opisyales ng NPC, eh, wala tayong masasabi kundi, the honor is ours and thank you very much, CJ Bersamin! Mabuhay ka! Mabuhay ang Supreme Court!

At siyempre, dapat din nating pasalamatan ang ating mga kasamahan sa media, si kasamang Bert Moso ng DWIZ at ang ‘16th Justice of the SC,’ si kasamang Jomar Canlas, sa kanilang naging pag-alalay sa atin kahapon. Salamat, mga “kapatid!”

Oops! Salamat din ng malaki kay kasamang Bambi Purisima sa marangyang tanghalian ng NPC board pagkatapos ng seremonya sa SC dahil, nabusog kaming lahat, DPWH Usec. Robert Bernardo, yeheyy!

At dahil nasimulan na rin lang sa pasasalamat at good news, maingay at malakas na ‘Congratulations!’ kay DILG secretary, Ed Año, sa kanyang mabilis na kumpirmasyon sa kanyang puwesto sa ‘Commission on Appointments’ (CA) noong Miyerkules.

Sa “pagkuwenta” pa nga ng ilang kaibigan, tila “mas mahaba” pa ang oras na ginugol ni Sec. Ed para “bunuin” ang trapiko papunta sa Senado kumpara sa tagal ng proseso ng kanyang ‘confirmation hearing,’ hehehe!

Muli, congratulations and more power, Sec. Ed! Mabuhay ka!

* * *

Ano nga kaya ang “problema sa buhay” ni ex-mayor, Jejomar Erwin ‘Junjun’ Binay?

Ito ang tanong ngayon ng mga residente ng Makati matapos silang “mabulaga” sa anila’y kagimbal-gimbal, ehek, kagulat-gulat na katotohanang “magkasangga” na raw ngayon itong si ex-mayor Junjun at si ex-mayor Romulo ‘Kid’ Peña.

Bagaman nga ‘VM’ ni mayor Junjun si Kid Peña noong siya pa ang nasa poder, marami pa rin sa mga ‘Makatizens’ ang “nalalansahan” sa “pakikipagbati” ni Junjun dito kay Peña, sa totoo lang!

Dangan nga kasi, lumalabas na “balewala” lang dito sa kapatid ni Mayor Abby ang ginawang “pagtatraydor” sa kanilang pamilya -- at kay Junjun mismo -- nitong si Peña na ‘secret horse’ pala ng Palasyo ni Noynoy Aquino at Mar Roxas, sa kasagsagan ng kanilang kampanya na wasakin ang pangalan ng mga Binay sa Makati at maipakarsel itong si Mayor Junjun at si ex-VP Jojo Binay.

Masakit pa rin kasi sa damdamin ng mga ‘Binay die-hard’ sa Makati na matapos “pagtulungan” ng Palasyo ni Noynoy at Mar Roxas si VP Binay at mayor Junjun sa mga samu’t-saring mga kaso at eskandalo noon sa Makati, kitang-kita nila kung paano umano “nagtraydor” itong si Kid Peña laban sa mga Binay para lang makaupo bilang alkalde ng lungsod -- kapalit ni mayor Junjun.

Sa atin kasing mga Pilipino, ang pagiging traydor na kaibigan at kasamahan ay isang bagay na hindi basta kinakalimutan at pinapatawad. Ang tingin kasi natin sa mga ganitong tao ay mga “Hudas” at mga “ahas.”

Pero ngayon, sa Makati, kapansin-pansin at ikinagulat ng mga residente ang mga “naghambalang na mga ‘poster’ at iba pang mga ‘propaganda materials’ na nagpapakitang ang ‘Team JB’ o ‘Team Junjun Binay’ at Kid Pena ay magkasabwat, ehek, magkasangga na!

“Tumatayo” rin umano ang “balahibo” ng mga ‘Makatizens’ na kaya (daw) palang “sikmurain” ni Junjun B na ang “lalabanan” pa nitong kanyang “balik-loob” na kakampi bilang kongresista sa unang distrito ng Makati ay ang kanyang ama na si VP Jojo, ahahay!

‘Dagdag-hinagpis” pa sa mga residente na kahit si Sen. Nancy Binay, kasama pa sa mga litrato ni Kid Peña, aguy,aguy,aguy!

Tanong pa nila tuloy, “nasaan” daw ba kaya si Sen. Nancy noong panahong ‘in the forefront’ si Kid Peña, bilang ‘attack dog’ ng mga Dilawan, sa pagpapabagsak sa mga Binay noong administrasyon ni Ngoyngoy, ehek, Noynoy?

“Alam” daw kaya niya ang kanyang ginagawa ngayon, hihihi!

Sa panig naman ni VP Jojo, may “nagbulong” sa atin na noon pa man ay suportado na niya si incumbent mayor Abby Binay at para naman kay Junjun, mas mainam na “asikasuhin” nito ang mga kasong kinakaraharap nilang mag-ama.

Subalit, himutok pa ng mga miron, binastos, ehek, “sinuway” ni Junjun ang sariling ama at heto nga, muling tatakbong mayor -- kasama pa si Kid Peña -- bilang “kalaban” ni Mayor Abby na kanyang kapatid, asus!

Eh, sa ipinapakitang pagiging “suwail” (dahil sa pagsuway sa kanyang ama) at taong “walang prinsipyo at panlasa” (dahil sa muling pagtanggap kay Kid Peña sa kanyang kampo kalaban pa ng kanyang ama), saan naman (daw) kaya “dadamputin” si Junjun B ngayong halalan, aber?

Ayon na rin sa huling ‘survey’ ng ‘Pulse Asia,’ 71 porsyento ang suporta ng mga taga-Makati kay Mayor Abby samantalang si Junjun Binay ay may 22 porsiyento lang. Paano na ‘yan?

Hindi maganda ang imahe sa publiko na ipinapakita ni ex-mayor Junjun, hindi ba mga kabayan?

Sabagay, ‘desperate times, call for desperate measure,’ tsk,tsk,tsk!