Home>Editorial>Opinion>‘Di Nagpakabog sa intl. media si senador Manny Pacquiao!

‘Di Nagpakabog sa intl. media si senador Manny Pacquiao!

HINOG na talaga sa panahon si Senador Manny Pacquiao.

Hindi lang sa larangan ng boksing ito nagpakita ng kumpiyansa kundi nakipagtalastasan din ito sa panayam ng ilang international media.

In fairness, maayos ang sagot nito at kahit ang kanyang pananalitang Inggles ay masasabi nating impresibo.

Kamakailan lamang ay sumalang si Pacquiao sa interview sa Jumpstart Media na isang platform na kumokonekta at sumusuporta sa Asia’s entrepreneurial ecosystem sa pamamagitan ng media outreach, social impact initiatives at corporate and government-sponsored partnerships.

Sa panayam, ipinakita ni Pacquiao ang self-confidence at diretso itong sumagot sa wikang Ingles. Makabuluhan at malaman ang mga pahayag nito sa bawat ipinupukol na tanong sa kanya.

Tumutok ang panayam sa pagbabalik-tanaw ni Pacquiao sa kanyang mga karasanan sa loob at labas ng boxing ring at ang kanyang tinahak sa landas ng pulitika hanggang sa maging senador ng bansa.

Ipinagmalaki ng Pambansang Kamao ang matagumpay niyang pakikipaglaban sa mga naging hamon sa buhay.

“I am truly blessed,” pahayag ni Pacquiao dahil sa ginabayan aniya siya ng Panginoon para malagpasan ang mga hirap at pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Binigyang-diin ng senador na alam niyang sa Pilipinas ay maraming katulad niya na nagsisikap sa laban at araw-araw na sumasabak sa iba’t ibang pagsubok.

Ang mga taong ito aniya ang kanyang inspirasyon kaya’t nagsisikap na higit pang mapalago ang negosyo ng kanilang pamilya upang ang ilang kita nito ay maitulong sa mga mahihirap nating kababayan.

“Business investments are important to professional athletes as well, because they don’t know what will happen after the fight is over,” saad ni Pacquiao nang tanungin kung ano ang maipapayo sa mga katulad niyang atleta.

Aminado ng boksingerong mambabatas na hindi niya alam ang lahat ng mga bagay na dapat pagdesisyunan, sa pulitika man o sa pagnenegosyo kaya naman natutuwa siyang mayroon siyang most competent team na palagiang nasa kanyang panig.

I may not have the best education like many other successful around the world…but I have the best, most honest, most loyal and most competent people in my team,” pagmamalaki ni Pacquiao.

Sa bawat larangan aniyang kanyang pinapasok ay palagian siyang humihingi ng payo at gabay ng mga eksperto at siyempre sa Panginoon.

Sa hamon ng buhay, tunay na magandang inspirasyon ang daang tinahak ng ating Pambansang Kamao na hindi sumuko at patuloy na lumaban hanggang mapatunayan ang kanyang kakayahan at nagtagumpay.

Pero ang higit na nakakahanga sa kanya ay ang hindi niya pagtalikod sa kanyang pinagdaanan at patuloy na tinutulungan ang mga taong naghihirap upang makaangat din sa kanilang buhay.

Kaya naman ibinibigay natin ang pagsaludo sa Pambansang Kamao at nawa’y tulad ng kanyang dasal ay patuloy siyang bigyan ng Panginoon ng kalakasan para maisakatuparan ang kanyang mga mabuting hangarin.

Ang higit na nakatutuwa, si Pacquiao lamang aniya ang mambabatas ngayon na patuloy sa pagbibigay tulong at ayuda sa mga mahihirap, hindi lamang sa buong Luzon region, kundi maging sa pinakamamahal niyang Visayas at Mindanao!

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large