Dialogo, hindi bulong ng mga sipsip ang kailangan, Comm. Guerrero

December 05, 2018

MULI na namang napatunayan ang kahalagahan ng X-Ray machine sa mga paliparan at daungan.

Kung hindi dahil sa scanning machine ay hindi sana nasakote ang isang Koreano na nagpasok sa bansa ng mahigit 3.8 milyong Hong Kong dollars.

Ayon sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi puwedeng magdala ang isang pasahero ng mahigit 10,000 US dollars.

Galing sa Hong Kong sakay ng PAL flight PR-307, si Kim Junheon ay dumating sa NAIA Terminal 2 gabi ng Nobyembre 30.

Ang hand carry luggage ay nakitaan ng maitim na imahe.

Ang maitim na imahe pala ay mga nakabalot na dolyar.

Sa kanyang report, sinabi ni Atty. Marlon Agaceta kay NAIA District Collector Mimel Manahan-Talusan na may tinawagan ang Koreano habang binubuksan ang kanyang bag.

Hindi nagtagal ay dumating ang kanyang abogado at isang interpreter.

Si Junheon ay kakasuhan ng paglabag sa regulasyon ng BSP.

Sa tulong ng mga X-Ray machine ay maraming kontrabando na ang nakumpiska ng mga tauhan ni Collector Talusan.

Si Talusan ay anak ni dating BoC Deputy Commissioner Julie Manahan, na kapatid ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

* * *

Sa isang namumuno, mahalagang makuha niya ang respeto at tiwala ng kanyang mga tauhan.

Sabi nga sa English, “you have to earn and not demand the respect of others.”

Kahit nakatalikod ang isang hepe ay sinusunod pa rin ang kanyang mga utos kung may respeto sa kanya ang mga tauhan.

Pero ibang usapan kapag hindi respeto, kundi takot ang meron ang isang empleyado sa kanyang superior.

Puring-puri niya si sir o ma’am kung kaharap niya ito, pero mura ang inaabot kapag nakatalikod.

Hindi talaga nakukuha sa takutan para maging productive at efficient ang mga empleyado.

At hindi kailangan sunud-sunuran sa mga payo ng mga “instant adviser” at “kaibigan.”

Sa Aduana, ang kailangan ni BoC Chief Rey Guerrero ay mga tapat at well-meaning na kaibigan.

Kailangan laging kausap ang mga stakeholder, na kagaya ng mga importer ,broker at reporter.

Malaki ang maitutulong ng mga ito para gumanda ang serbisyo sa pantalan.

Dialogo at hindi “bulong” ng mga sipsip ang kailangan ni Sir Rey.

Bakit kailangang limitahan ang galaw ng mga personero sa pantalan, samantalang sila ang nakaaalam at nagpapaliwanag sa mga examiner at appraiser kapag may kwestiyon sa kargamento?

Pati media ay mukhang gusto na ring kontrolin ang galaw sa Aduana.

Sino kaya ang nagsulsol nito kay Comm. Guerrero?

Abangan!

* * *

Nakakaawa naman ang mga lokal na opisyal na kakandidato sa May 13, 2019 election, lalo na sa mga probinsiya.

Hindi na yata alam kung saan magtatago.

Marami kasing nanghihingi ng tulong pinansiyal at materyal.

Hanggang bahay ay pinupuntahan daw ng mga humihingi ng pabor.

Hindi na rin daw kasi nakikita sa munisipyo o kapitolyo ang mga opisyal na ito, lalo na ang mga walang kapera-perang kandidato.

Ito ang masama sa maagang paghahain ng certificate of candidacy (CoC).

Pero wala naman tayong magagawa. Malabo ang panawagan na ibalik ang manu-manong eleksyon.

Sa ilalim kasi ng automated polls, kailangang maaga ang filing ng CoC.

Mabusisi ang ginagawang preparasyon kapag computerized ang halalan.

Kaya sorry na lang ang mga kandidatong kulang sa pera.

Malabo na ang pagkakataong manalo.

Tsk tsk tsk.

(Para sa inyong komento ar suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-
4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong oangalan at tirahan.)