‘Don’t prostitute the media’

February 19, 2019

BAGO ang lahat, paumanhin muna sa ating mga mambabasa kung ‘statement’ ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang nabasa niya sa espasyo ko kahapon.

Dangan kasi, kaara-wan ng aking mahal na ina kaya kailangan kong gawin ang aking ‘filial duty’ wika nga; sa kasamaang palad, hindi ko pala naipadala sa ‘desk’ ang aking ginawang kolum.

***

Muling nagtagumpay, mga kabayan, ang mga kaaway ng ating demokrasya—itong mga ‘nyetang “ahente” ng mga dayuhang interes— na “guluhin” ang ating bansa sa isyu ng pag-aresto noong isang linggo kay ‘Maria Ressa’ ng Rappler sa kasong ‘cyber libel.’

At dahil hindi “kinampihan” ng National Press Club (NPC) ang mala-telenovelang ‘drama’ nila, hindi na rin nakaligtas sa kanilang mga pagbatikos ang ating samahan.

Bagaman nga kinikilala natin na isang “problema” ng media ang makasuhan ng libelo “ordinaryong bagay” na lang ito sa isang mamamahayag—hanggang hindi gumagawa ng hakbang ang ating Kongreso na alisin ito bilang isang ‘criminal offense’ sa ilalim ng ating ‘Revised Penal Code.

Sa panig ni Maria Ressa—na isa rin palang ‘US citizen,’ ayon sa imbestigasyonn ni Rigoberto Tiglao ng Manila Times, hindi na puwedeng itago ang kanyang pagiging “ahente” ng mga dayuhan, sampu ng kanyang mga “kabaro” sa media na walang tanging hangarin kundi “hatiin” ang ating pagkakaisa bilang mga Pilipino at tuluyang maibagsak ang ating gobyerno.

Eh, saan ba naman kayo nakakita ng isang “journo” na sa tuwing mabibistong lumalabag sa batas, ang gagawing “pansalag” eh ‘political repression’ ng pamahalaan?

Noong isang taon, nang mabisto ng pamahalaan na kahit ang ating Saligang Batas ay nilabag ng Rappler at Maria Ressa ng tumanggap sila ng pondo mula sa mga dayuhan—kahit alam nilang “bawal” ito sa ating Konstitusyon—hindi ba “paglabag” din umano sa ‘press freedom’ ang kanilang naging palusot?

At ngayon naman na “umusad” na sa korte ang kasong ‘cyber libel’ na isinampa ng isang ‘private complainant’ dito kay Ressa, ‘violation of press freedom’ at ‘political repression’ pa rin ang “atungal” ng aleng ito, tsk,tsk,tsk!

Nagagawa naman ng pangkat ni Maria Ressa na “mapalundag” ang marami nating kababayan at mabigyan ng kredibilidad ang kanyang mga hugot dahil buking na buking din ang garapalang pagsuporta at pagpanig sa kanyang mga hinabing kuwento ang ‘Western media’ at iba pa nilang mga bayarang ahente sa ‘Pinas sa hanay ng media.

Na walang pakundangan ang ginagawang pagbaluktot sa katotohanan ng ilan nating mga kabaro sa nangyari dito kay Ressa ay makikita sa kanilang pagpipilit na “wala” pa ang batas sa ‘cyber libel’ nang lumabas ang kanilang ‘one-sided story’ laban kay Mr. Wilfredo Keng noong 2012 kaya umano malinaw na ‘harassment’ lang nang gobyerno ni PDU30 ang pag-usad ng kanyang kaso.

‘Yun nga lang, ang ayaw nilang ilabas na detalye eh, “inulit” ng Rappler, noong 2014, ang nasabing balita, kung saan naging batas na ang RA 10175 o ang ‘Cybercrime Prevention Act.’

Sa kasong libelo, mga kabayan, hindi ba malinaw na ‘with malice’ ang ginawang paglalabas muli ng Rappler sa nasabing balita? At dahil may nakita nang pruweba ng “malisya,” “swak” si Ressa sa asunto.

Kung bakit naman hindi binabanggit ng mga ‘award-winning journalists’ na “kakampi” ng Rappler ang detalyeng ito, eh, alam na this, ‘di ba, mga kabayan? Ang tawag natin d’yan, “intellectual dishonesty.”

Sabagay nga, hindi ba, mga “kapatid” sa media? Kung ang “ikinabubuhay” ng ilan sa ating mga kasamahan ay pagtanggap ng pondo mula sa mga dayuhan, eh, talagang “magwawala” sila sa bawat pagkakataon na ang isa sa kanila ay mabibistong gumagawa ng paglabag sa batas.

Partikular pa nga kung ang “utos” ng kanilang mga among dayuhan ay “guluhin” at “pabagsakin”