Duterte, tatapyasin ng powers ng senate bill 1529?

‘Da who’ itong isang  lady government official na wala daw ginawa kundi i-namedrop si President Rodrigo Duterte kesehodang makakasama sa Pangulo ang kanyang pinagsasasabi at kontra sa totoong ginagawa ni Duterte?

Lately, pinalalabas daw ni lady official na hindi pakikinggan ni President Duterte ang boses ng maliliit nating kababayan kaya’t huwag na silang mag-aksaya ng oras na sikaping makarating pa sa Pangulo ang anumang hinaing meron sila.

Naku ha? Hindi naman ata ako maniniwala diyan. Wala sa style ni Presidente Duterte ang dedmahin ang mga reklamo, ke mayaman o mahirap ka.

Sana makarating kaagad kay Duterte ang bagay na ito at nang tumigil na ang hindi magandang paggamit sa kanyang pangalan.  Ginagawa siyang anti-poor ni lady official.

***

Speaking of  President Duterte, ilang araw nang nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga tumutuligsa sa isang enrolled bill sa Kongreso na anila ay taliwas sa tinatawag na ‘good governance in the national government.’

Kasama sa mga nagpo-protesta ang daan-daang mga kawani ng National Parks Development Committee (NPDC), mga vendors, estudyante, ordinaryong mamamayan at maging mga historical conservationists na tutol sa planong pagtagpas ng malaking bahagi ng Rizal Park para ipasailalim ito sa pamamahala ng National Museum of the Philippines.

Mismong ang executive director ng NPDC  na si Penelope Belmonte ay lumiham na din kay President Rodrigo Duterte upang hilingin sa kanya na –i-veto o kontrahin ang nasabing bill -–Senate Bill 1529-- kung saan ang buong Eastern Section ng Rizal Park ay planong ilipat mula sa hurisdiksyon ng NPDC patungong National Museum aY aniya ay magiging isang pambabastos sa kasaysayan ng bansa.

Sa nasabing bahagi na ‘yan matatagpuan ang Rizal Park Marker, Lapu Lapu Monument, Relief Map of the Philippines, Children’s Playground, Binhi ng Kalayaan, NPDC Offices, NPDC Gender and Development (GAD) Office and Consultation Center, NPDC Soup Kitchen for the homeless, Orchidarium at public mga ‘open spaces’ para sa mga namamasyal sa Luneta.

Ikinadismaya daw nang husto ng mga taga-NPDC nang madiskubre nila nito lang Pebrero na ang nasabing bill ay aprubado na pala ng Congress at Senate at ngayon ay mayroon nang Bicameral Committee Report na ipinapasa ang naturang bill. Noong 2016 isinulong ang nasabing bill na nagmumungkahing amyendahan ang Republic Act 8492 o National Museum Act of 1998.

Noong April 2, 2019, nakatanggap naman umano ang NPDC ng isang memorandum mula sa Department of Tourism (DOT) na hinihingi ang posisyon ng NPDC sa Consolidated Enrolled Bill.

Ang siste, nun lang pala ang tanging oras na nakatanggap ang NPDC ng kopya ng nasabing enrolled bill.

Ang matindi pa, dalawang araw lang ang ibinigay sa  NPDC, o hanggang April 4, upang magbigay ng komento o rekomendasyon.

Bagamat may mga bahagi ng Rizal Park na inookupa sa kasalukuyan ng  National Museum of the Philippines, hindi umano ito nagbabayad ng anumang renta para sa mga espasyong okupado nito gaya ng kinatatayuan ng Museum of Natural History, Museum of Anthropology at Museum of Fine Arts.

Ito, ayon kay Belmonte, ay  sa dahilang sinusunod niya ang mandato ng NPDC na hindi ito isang ‘income-generating agency’ at ang pangunahing trabaho nito ay payabungin, panatilihin at ayusin ang pagmantina ng Rizal Park, Paco Park at lahat ng urban at open parks na maa-assign dito.

Bukod sa problema ng pagtapyas sa bahagi ng Rizal Park na kasama sa mga paboritong puntahan ng publiko na gustong maaliw nang libre, maganda rin sigurong silipin ni Duterte ang sinasabi ng mga nagpo-protesta  at ng liham ni Belmonte na sa ilalim pala ng proposed bill na ‘yan ay mawawalan si Pangulong Duterte ng kapangyarihan na magtalaga ng senior officials ng museum.  Bukod diyan, magkakaron pa daw ng ‘fiscal autonomy’ ang museum o  kalayaan pagdating sa perang hawak ng management at magkakaroon din daw ito ng ‘unwarranted exemption from applicable procurement laws’.

Hmmmm……ganern??? Aba’y dapat nga pala talagang i-veto ang bill na ‘yan kung mismong kapangyarihan ni Duterte ay lilimitahan

***

Beauty tip—Shield your skin from dryness and sun damage.Dry skin accentuates fine lines and wrinkles, so keep your complexion hydrated to prevent it from looking dull and washed-out. (Source: Dr Rosary May Canay-Diaz of Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa /4108424/4669596/09178038240/ 025053987 )

***

Jokjok (from Bernard del Mundo of Kalibo, Aklan)— Matapos kumuha ng test sa isang sikat na unibersidad, nag-usap ang dalawang magkaibigan...PEDRO:  Pare,  ang hirap nung exam ‘no? Ikaw ba nahirapan din sa mga tanong sa exam?/JUAN: Hindi pre!/PEDRO: Wow, pare! Ang galing mo naman! Pinabibilib mo ko ha? Biro mo, di ka nahirapan sa mga tanong?/JUAN: Oo naman.  Nahirapan lang naman ako sa mga sagot..

***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to itchiecabayan@yahoo.com or text 0927-7169778.