Home>Editorial>Opinion>Edukasyon unang hakbang sa tagumpay

Edukasyon unang hakbang sa tagumpay

MAGANDANG humugot ang mga kabataan sa sinabi ni billionaire Alibaba founder Jack Ma na “if you’re 35 and still poor, you deserve it!

Masakit sa tainga ito sa marami sa atin pero kung iisipin mo lang mabuti ang konteksto ng kanyang sinabi, may substance naman. Medyo maaga lang ang edad na sinabi ni Pareng Jack bagama’t hindi naman lumalayo sa matagal ko nang pamantayan ng tagumpay.

Palagi ko itong sinasabi sa maraming umpukan, lalo na kapag mga kabataan ang kausap ko. Ang life cycle ng success ng buhay para sa akin ay 19 years. Ibig sabihin, 19 plus 19 is equivalent to 38.

Kay Jack Ma, 35 pero sa akin 38. Himayin natin, ang ibig kong sabihin dito, dapat sa edad mong 19 years old, ang biggest achievement mo sa buhay ay makatapos ka ng pag-aaral. Dapat, sa unang 19 na taon ng ikot ng buhay mo, may hawak ka nang diploma, meaning, graduate ka na ng elementary, ng high school at college.

Hindi ko na isasama ang masteral na karaniwan ay gusto ng mga mas higher degree. Doon tayo sa basic need at basic achievement, college diploma.

Iyong susunod na 19 years old bago ka mag-38, dyan na lahat papasok ang pagsisimula mo sa trabaho, pag-iipon at pakikipagsapalaran sa mundo. Dyan na papasok ang iba’t ibang uri ng tao na iyong makakasalamuha, iba’t ibang boss, iba’t ibang nobyo o nobya, iba’t ibang lugar at iba’t ibang opurtunidad.

Sa bagong labingsiyam na taon, dyan na ang posibilidad na ikaw ay makapag-asawa, dyan na rin makikita kung tama ang naging career path mo, at tumpak ang mga naging desisyon mo sa buhay. Posibleng bago sumapit ang 38th bday mo, puwedeng may anak ka na, puwedeng may sarili ka nang bahay, sariling kotse or may negosyo. Ibig sabihin, stable ka nang matatawag bagama’t hindi naman milyunaryo.

Kritikal kasi ang susunod na 19 years sa buhay mo kapag nakalipas na ang 19 years mula sa pagkasilang. Kaya nga importanteng may kalkulasyon ka kapag nagsimula ka nang magtrabaho, visionary ka dapat. Kailangang ramdam mo na hindi ka lang masaya sa career na napili mo, dapat kumikita ka rin ng “higit sa sakto” para makaipon ka.

Kailangan mabilis ang movement mo habang bata ka, ibig sabihin, kapag sa tingin mo stagnant o parang walang nangyayari sa buhay mo kahit may trabaho ka naman, sabi nga, recablirate your actions. Huwag kang makutento, lumangoy ka pa sa mas maalon na dagat, sumabak ka sa panibagong career na magpapabago sa status ng income mo.

Sabi ni Albert Einstein, insanity is doing the same thing over and over again but expecting different results. Hindi ka naman nagbabago ng trabaho, wala ka namang ginagawang extra effort at hindi mo nire-reinvent ang skills mo tapos, magtataka ka kung bakit ganoon pa rin ang kita mo.

Exhibit A, ako mismo. Hindi naman mababa ang mga naging posisyon ko sa mga pinasukan kong kompanya at government offices pero magmula nang simulan ko ang career ko as correspondent/working student noong 1989, masyadong magalaw ang aking career. Naging news editor naman na ako ng mga maraming tabloid, naging creative manager, head writer, associate producer sa mga TV at radyo. Nakaraket pa ako ng radio program at morning show hosting.

Matataas na ang position ko at competitive namang masasabi ang suweldo ko. Sa TV, hindi naman bumababa sa P60,000 ang monthly salary ko noong mga 15 years ago.

Pero sa laki ng mga gastos, hindi pa rin ito sasapat kung nakutento ako.

Noong editor ako mga mid-90s, ang monthly salary ko ay nasa P12K. Malaki na iyon noon dahil P6 to P7K pa lang naman ng minimum monthly wage sa mga panahong yan.

Pero hindi ako tumigil kahit masasabing mataas naman ang sahod ko. Nagpatuloy ako sa pagpapalawak ng aking kaalaman sa pinasok kong craft hanggang matumbok ang tama para sa akin.

Tumigil na ako sa deadline beater na pag-editor, sa stressful na TV jobs at iba pang trabaho dahil nagpokus na ako sa gusto kong linya: public relations, political consultancy and creative advertising.

Ang point ko lang, kailangan talaga may ambisyon ka tulad ng sinasabi ni Jack. Totoo rin naman lahat ng tao ay may pangarap pero dapat may kasabay na pagkilos para matupad mo iyon.

Sa October 15, maabot ko na ang kabaligtaran ng edad na 35 na sinabi Jack Ma. Turning 53 sa Thursday at apat na taon na lang ay 19×3 na ang lifecycle career na sinasabi ko.

Keep moving at keep working lang para sa pag-abot ng pangarap mong tagumpay.

Ang bottomline lang ng lahat ng ito, ang pagtatapos sa pag-aaral ang unang hakbang sa tagumpay na dapat maitatak sa isip ng mga kabataan.
allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV