Ex-BoC depcomm huli sa ‘extortion’

NOONG nakaraang Mayo 23, “naguluhan” ang media na ‘nagco-cover sa Aduana, mga kabayan.

Dangan kasi, sa inilabas na press release, may “nahuli” ang NBI/BoC sa kasong robbery/extortion sa isang ‘restaurant’ sa Quezon City tatlong araw na ang nagdaan (Mayo 20).

‘Yun nga lang, hindi nakalagay ang pangalan nung dalawang suspect, kaya bagaman maganda ang ‘accomplishment,’ mistulang “bulag” ang media sa mahalagang detalye (pangalan ng mga inaresto) ng insidente.

Ayon naman sa ating source, may dahilan naman pala kung bakit “atubili” itong ahensiya ni Dir. Dante Gierran, na ilabas ang pangalan ng mga inaresto dahil ang isa sa kanila ay anak ng dating customs commissioner na naging deputy commissioner of customs din noong termino ni PGMA at Comm. Napoleon Morales!

Bukod dito, “classmate” umano ang naaresto ng isang mataas na opisyal ng NBI kaya para pagtakpan ang kahihiyan, “itinago” sa media ang pangalan.

Dangan kasi, “binura” sa ‘BoC (Media) Viber Group’ ang unang press release at pinalitan ng ‘edited version’ na wala na ang pangalan ng mga naarest, aruy,aruy,aruy!

‘But everything is for nothing,’ wika nga dahil “mas mabilis” pa rin ang media at nakuha ang pangalan ng dalawa, hehehe!

“Kinumpirma” rin sa atin ng ating source, na ayaw magpakilala subalit lumilingon din kapag tinawag mo na, “Gen. Ramiro, Sir,” na ang mga inaresto noong Mayo 20 ay sina ex-IAG deputy commissioner, Atty. Roberto Geotina at ang kanyang kasama na si Nancy Nuguid.

Take note: Bukod sa pagiging ex-deputy commissioner, humawak din ng sensitibong posisyon si Geotina sa Department of Finance bilang assistant secretary.

Una nang nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni Gen. Raniel hinggil sa umano’y “panghihingi” ng higit P1 milyon ng mga suspek kapalit ng pagtulong na mailabas sa NAIA ang isang kargamento ng mga ‘gun parts’ na “nakatengga” sa distrito noon pang Disyembre.

Bagaman nagawang mailabas ang unang dalawang ‘shipment,’ ang ikatlo— at huling kargamento— ay naipit pa rin kung saan “humirit” pa umano ng P500,000 ang mga suspek bilang “pansuhol” sa BoC.
At, marahil, dahil masyado nang “sugatan” ang mga biktima, nagreklamo na sa tanggapan ni Gen. Ramiro, yeheyy!!!

***

Ang insidenteng ito, sa ating pagkakaalam, ay ikalawa pa lang sa buong kasaysayan ng Intelligence Group na kahit kilalang personalidad ay “tinabla” nito.

Ang una ay si ex-LTO chief, Virginia Torres (sumalangit nawa) na nagtangkang “mang-arbor” ng isang kargamento ng mga bigas at de-latang ‘Maling’ noong DCI pa si ex-AFP chief, Jessie Dellosa.

At sa ipinakita namang “katatagan” sa prinsipyo ni DCI Ramiro, eh, wala tayong masasabi kundi…Saludo ako, sa iyo, Sir, kaya… ‘asan na ang “papaitan” mo, hehehe!
Mabuhay ka, Gen. Ramiro at siyempre, mas maingay na Mabuhay, kay Gen. Jagger Guerrero!

Gastos sa Canada trash aabot ng P1 bilyon?

Isinusulat natin ito, mga kabayan, inaasahan na “isinasakay” na sa barko sa Subic Bay Port ang may 69 containers ng mga basura pabalik ng Canada.

Salamat sa ‘political will’ ni Pang. Duterte— kasehodang masira ang relasyon natin sa Canada— magkakaroon na ng ‘closure’ sa problemang ito na wala tayong napala kundi “nganga” sa termino ni Noynoy Aquino.

At mabuti na lang din, dear readers, na “sinagot” ng Canada ang lahat ng gastusin para sa pagbabalik nito sa kanilang bansa.

Dangan kasi, presidential spokesman, Sal Panelo, alam mo bang posibleng umabot sa isang P1 bilyon ang gastos sa kargamentong......ito?

Sa kasagsagan kasi ng pagkapikon ni PDU30 sa problemang ito, matatandaan, mga kabayan, na sinabi ni Panelo na “sinabi” rin ni Pang. Rody na gobyerno na ng Pinas ang “sasagot” sa gastos para lang maibalik na ang mga basurang ito sa Canada.

Sa “kuwenta” naman ng ating mga kaibigan sa Port of Subic (congrats pala, Coll. Marines Martin, for the more than P600 million surplus collection this month of May), sa “utang” pa lang sa ‘arrastre’ sa Subic, aabot na sa P600 milyon ang dapat bayaran ng shipper/consignee, bukod pa ang bayad sa storage, demurahe, containers, etc., etc.

Anila pa, kung “pagsasamahin” ang lahat ng ‘incidental expenses’ na ito, posibleng umabot sa P1 bilyon, wahh!!!

Kumbaga, mga kabayan, “kung nagkataon,” paano ipapaliwanag ni Panelo sa CoA ang gastos na ito, aber, hehehe!