Home>Editorial>Opinion>Family corporation binubuhay ng gobyerno?

Family corporation binubuhay ng gobyerno?

SINO na naman itong isang opisyal ng lokal na pamahalaan na ginagatasan umano ang gobyerno gamit ang pribadong korporasyon ng kanilang pamilya?

Masyado namang buwenas si all weather politician dahil nakakakuha ng milyones taun-taon sa kanyang itinayong foundation cum corporation na para umano sa pangkalinga sa mga mangingisda.

Ayon sa ating source, maskara lang ang pagtulong sa ilang fisherfolks dahil sa totoong buhay, silang magkakamag-anak lang ang nakikinabang sa pondo ng gobyernong nakukuha nila-taun-taon.

Ganitong-ganito ang kaso ng isang pamilya sa Mindanao na nagtayo rin ng sariling foundation at nilalagyan ng pondo mula sa lokal na pamahalaan para pakinabangan nilang mag-anak. Pero iyong pamilya sa Mindanao, nabura na sa mapa ng pulitika.

Ito namang pamilya na tinutukoy ko ngayon ay nasa Luzon naman.

Lahat ng administrasyon matapos ang Marcos era, nakahambalang ang mukha nito, lalo na noong panahon ni GMA. Hindi naman alam kung paanong tumatagal ang ganitong pulitiko, mukhang totoo ang kasabihang mahaba ang buhay ng masamang damo!

Nananawagan tayo sa gobyerno at mga kinauukulan na imbestigahan ang kanilang roster of beneficiaries para matigil na ang kalokohang ito. Tiyak na hindi nila alam ang katiwaliang ito dahil in good faith ang kanilang pagpondo sa foundation. Mas maganda sana kung idirekta na lamang ang tulong sa mga mangingisda at huwag nang padaanin sa piranha!

Okey lang sana kung nakikinabang talaga ang mga mangingisda pero ayon sa ating impormasyon, kahit itlog ng butiki ay hindi pa sila nabigyan ng foundation ni pulitiko.

Ang kapal! allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV