‘Goodbye’ na sa mga Calixto ng Pasay?

Election Pulse 2019’ media forum ng National Press Club (NPC) kahapon, isa sa mga naging panauhin ay ang “bata, maganda -- at dalaga pa” na kandidato bilang alkalde ng Pasay City, si Atty. Tin Ching.

Na may “respeto” sa media itong “susunod” na alkalde ng Pasay ay napansin agad ng ating mga “kapatid sa hanapbuhay” dahil ‘Birthday Girl’ siya kahapon!

Subalit, sa halip na ibang bagay ang “atupagin,” ang “paglalatag” ng kanyang mga programa ang kanyang “inuna” sa kanyang pagpunta sa NPC kaya nagpapasalamat naman tayo at siyempre, ‘Happy Birthday’ ulit, hindi ba, kapatid na Ariel ‘Dugoy’ Fernandez?

Bagaman masasabing ‘neophyte’ sa pulitika, hindi naman pala “bagito” pagdating sa karanasan itong “inaasahan” ng kanyang mga taga-suporta na “gigiba” sa dominasyon ngayon ng pamilya Calixto sa lungsod ng Pasay.

Sa panahong estudyante pala siya, una sa ‘Pasay Chung Hua School,’ at pagkatapos sa De La Salle University at University of San Carlos, Cebu, kung saan siya nagtapos ng abugasya, “aktibo” na rin pala siya sa mga ‘extra-curricular activities’ katulad ng ‘Girl Scout,’ CAT/ROTC, Glee Club at ang “malufet” sa lahat, bilang isang ‘varsity chess player’ -- isang laro na alam naman ng lahat ay “bawal” sa “walang utak,” hehehe!

At kaya naman pala “magaan” ang kanyang loob sa media ay dahil naging “bahagi” rin siya ng proteksyon bilang ‘operations director’ sa RCTV Channel 36 at editor ng isang magasin sa Cebu; minsan din siyang nagtrabaho bilang MRO (media relations officer) sa tanggapan ni Sen. Franklin Drilon.

At alam mo ba, Mareng Toby Antiporda, miyembro din pala ng Lions Club International itong si Atty. Chin at kahit ng JCI (Junior Chamber International), bukod pa nga sa pagiging aktibong miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Philippine Mediation Center (PMC) sa ilalim naman ng Korte Suprema.

Bilang abugado naman, naging ‘pro-bono lawyer’ siya ng mga mahihirap, partikular na sa Lungsod ng Pasay kung saan sila nakatira sa lugar ng Libertad.

Translation? Aba’y may “K” naman pala itong dating ‘Miss IBP-Southern Luzon Region’ kung ‘credentials’ din lang bilang kandidato ang pag-uusapan, tama ba, Mayor Tony C, hehehe!

Aniya pa, kumuha sila ng “inspirasyon” sa estilo ng pamumuno ni Pang. Digong na nagawang “patinuin” ang Davao City noong maupo siyang alkalde nito.

Translation? Ang “ginawa” ni Mayor Rody sa Davao ay kaya ring gawin ni Atty. Chin sa Pasay --  kasehodang babae pa siya, yeheyy, ayy, ows, talaga?

* * *

Bagaman nga masasabing progresibo na ngayon ang Pasay at ‘gateway’ pa nga ng Pilipinas dahil “nasasakupan” nito ang NAIA, hindi rin maitatanggi na sandamakmak pa rin ang mahihirap na residente sa 201 barangay nito.
    Hindi pa rin naman “kagandahan” ang reputasyon ng Pasay bilang sentro ng krimen, droga at prostitusyon, mga katotohanan na alam din naman ng mga taga-media na residente o kaya ay matagal nang ‘nagco-cover’ sa Pasay.

Isa rin ito sa “pinakamaruming lungsod” sa Metro Manila kung saan kahit sa kahabaan ng EDSA ay may makikitang mga tambak ng basura.

At sa dami, lalim, lawak at laki ng mga problemang kinakaharap ng Pasay, “aminado” kahapon si Atty. Ching na “hindi” niya “malaman” kung saan at paano siya magsisimula upang tugunan ang mga problemang ito.

Kung bakit naman hindi nagawang baguhin ng mga Calixto ang patuloy na “malansang reputasyon” ng Pasay mula noon hanggang ngayon, eh, bakit nga ba, yorme, hehehe.

At totoo ba na kahit sa mga batayang serbisyo sa mga residente katulad ng edukasyon at kalusugan, “kapos” pa rin ang karamihan sa kanila sa kabila ng P7 bilyon hanggang P9 bilyon na ‘annual income’ ng Pasay?

Na kahit ang Pasay General Hospital, walang maayos na ambulansiya at kahit ang “bulak” (cotton) ay kailangan pang bilhin ng mga pasyente?

Kung totoo nga, aba’y mahirap palang maging mahirap sa Pasay, ganun nga kaya ‘yun kapatid na Armie Rico? Eh, saan nga kasi napupunta ang bilyones na kinikita ng Pasay?

* * *

Kung malakas naman ang ‘fighting spirit’ ni Atty. Chin, “hindi” rin naman (daw) “kinakabahan” ang kampo ng mga Calixto (siyempre naman).

Ayon pa nga sa mga miron, “kumita” na, ayy, “committed” na kasi sa mga Calixto ang mga ‘barangay leaders’ ng Pasay, ngayon pa lang -- kasehodang may tatlo pa silang mga kalaban sa pagka-mayor, bukod kay Atty. Chin.

Sabagay nga, mga kabayan, “nakatanim” pa rin talaga sa atin ang “kultura” ng ‘political patronage’ kung saan “tumatanaw” tayo ng “utang na loob” sa mga opisyal na nakaluklok sa poder dahil sa mga personal na tulong, “grasya” at “pabor” na kaya nilang ibigay sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon naman kay Atty. Chin, “ngayon” na ang kanyang pagkakataon na isulong ang mga programa at “pagbabago” na aniya’y “isinisigaw” at “hinihingi” ng mga taga-Pasay, kasehoda pa aniyang may mga nakita silang ‘ghost voters’ at ‘padded voters list’ sa lungsod -- subalit hindi naman nakita ng Comelec, wahhh!

Kung ngayon na rin ang panahon para sabihing, ‘Goodbye na sa mga Calixto,’ eh, malalaman natin pagkatapos ng halalan, hindi ba mga kabayan,kaya… abangan!!!